Chapter 7

48K 1K 10
                                    


"AY, SANTA BARBARA!" bulalas ni Tata Elmo nang mababaan si Rafael na nakaupo sa breakfast table sa kusina at nagkakape.

"Magandang umaga po, Tata Elmo," bati niya sa matandang pinagkatiwalaan niya ng bahay nila nang mamatay ang mama niya.

"Rafael, ikaw nga ba?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ng matandang lalaki. "Kailan ka dumating, anak? Bakit hindi ka man lang nagpasabi?"

Tuluyan nang napangiti ang binata. "Relax, Tata Elmo. Isa-isa lang ang tanong. Kanina pa ho akong alas-kuwatro dumating at hindi ko na kayo ginising."

"Bakit hindi mo ako pinagising? Diyaskeng bata ito," sinipat nito ang tasa ng kape sa harap ng binata. "Teka nga at ipagluluto kita ng almusal." Nagtuloy ang matanda sa kusina.

Dinampot niya ang tasa ng kape at tumayo. Lumabas sa screen door sa kusina at naglakad patungo sa may puno na may nakapaikot na upuang kawayan. Tinanaw niya ang dagat habang hinihigop ang mainit na kape. Nararamdaman niya ang lamig ng hanging pang-umaga. Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib. He could even taste the salty wind.

How he missed this place. Kaibang-kaiba sa buhay sa Maynila. Simple, tahimik. May isang bahagi ng baybayin ang napagtuunan niya ng pansin. May isang alaalang pilit na nagsusumiksik sa isip. Napapikit siya at umiling. He thought about it oftentimes. Pero ang makita mo ang mismong pinangyarihan ay iba. May tila gustong humalukay sa sikmura at dibdib niya.

Inilapag niya ang tasa sa mesa at hinugot sa bulsa ng pantalon ang cell phone at ganoon din ang kapirasong papel na ibinigay ng ahente ni Mrs. Winters.

Apat na ring bago may sumagot. "Hello... Mrs. Winters speaking..."

Hindi agad nakapagsalita si Rafael. He wasn't expecting a young voice... a bedroom voice for that matter. Whispering huskily as if she was being made loved to. Napapikit ang binata. He wasn't prepared for the sudden kick of desire he felt below his stomach.

He cursed himself silently. Ano ang nangyayari sa kanya at boses lang ng babae'y kung ano-ano na ang gumagana sa imahinasyon niya.

Abstinence? Iyon ang dahilan. Ang balak na pakikipagtalik kay Marie ay nauntol dahil sa tawag sa telepono nang gabing maaksidente si Camille. At ang huling pagkakataong nagtalik sila ng babae'y mahigit nang tatlong buwan. He was in Guam for the past months at nagbalik lang nang may bagong project ang kompanya sa Baguio. And the past two weeks was spent attending Camille's funeral.

Pero sa loob ng dalawang linggo'y apat na beses na nasa pad niya si Marie. Bakit hindi siya makaramdam ng urge na makipagtalik dito? You're upset, tense and busy grieving for your little cousin and hating that bastard she called husband. Sagot din niya.

"Hello...?" ulit ni Katrina nang mabakante ang linya ng ilang sandali. "Who's on the line, please?"

Napatikhim si Rafael. "Mrs. Winters, this is Mr. Barrios..."

Tuluyang nagising si Katrina nang marinig na lalaki ang nasa kabilang linya. Deep and very male. She admired the way his voice vibrated through the phone.

"Do I know you, Mr. Barrios?" Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya sa pangalang nabanggit. Subconsciously ay gustong maglakbay ang isip sa isa pang taong kilala niya na may ganoon ding apelyido nang muling magsalita ang kabilang linya.

"No, I don't think we've met. But I'd like an appointment with you—"

"Oh. Are you calling from Manila?" tanong niya at tuluyang nawala sa isip ang balak na pagtatanong sa unang pangalan nito. Wala siyang alam na maaaring tumawag sa kanya sa CP niya maliban sa mga taga-Maynila. "Was it about my unit? Did my agent give you this number?" sunod-sunod niyang tanong.

"Narito ako sa San Ignacio, Mrs. Winters..." makalipas ang sandaling pagdidili-dili'y ipinasya nitong sang-ayunan ang tanong ng nasa kabilang linya. "And yes, it's about your unit. I'd like to see you this afternoon, kung convenient sa iyo. Say five o'clock?"

Gusto pa sana niyang itanong kung bakit nasa San Ignacio ang prospective buyer ng unit niya sa Maynila subalit sa halip ay iba ang lumabas sa bibig ni Katrina.

"F-five o'clock then," at ibinaba niya ang telepono. May kung anong damdaming hindi niya maintindihang biglang bumangon sa dibdib. Hindi niya mawari.  

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon