Chapter 5

47.8K 1K 8
                                    


NASA ikalimang palapag ng Legaspi Towers sa may Roxas Boulevard si Rafael. Binabaybay ang pasilyo at isa-isang tinitingnan ang numero sa pinto ng mga unit.

"Here you are," bulong niya sa sarili nang makita ang numero ng unit. Una niyang sinubukan ang door chime. Nakatatlong diin na siya at naririnig niya sa loob ang chime ay wala pa ring nagbubukas ng pinto.

Naiiritang inulit ng binata ang pagdiin sa chime. Baka wala ang sadya niya. Sana'y tumawag na muna siya sa telepono. Iyon ang unang plano niya, ang tawagan si Mrs. Melvin Winters. Subalit naisip niyang hindi mainam na sa telepono ipakipag-usap ang ganoon ka delikadong topic. At hindi siya nakatitiyak kung ano ang reception ng biyuda ni Melvin Winters.

Sinubukan niyang kumatok nang magbukas ng pinto ang katapat na unit.

"Are you looking for Mrs. Winters?" ang matandang babae na bahagya nang ngumiti kay Rafael. Mukhang foreigner.

"As a matter of fact, yes," sagot ng binata. "Is she out of her unit?"

"You've missed her by two days, son," wika ng matandang babae. "Now, you wait for me here...," at bago pa nakapagsalita uli ang binata ay muling pumasok sa loob ng unit ang matandang babae.

He waited impatiently. Hindi nagtagal ay muling lumabas ang matandang babae. May iniabot na papel sa kanya.

"That unit is either for rent or for sale. If you're interested you can call her agent. Bye..."

Malayo na ang matandang babae'y nakatingin pa rin sa papel na hawak si Rafael. For sale ang unit ng biyuda ni Melvin Winters!

You've missed her by two days. Baka nagbalik na ng Amerika ang babae. Napaungol ang binata. Nalilito at hindi malaman ang gagawin. Nabibitin na ang trabaho niya sa opisina'y puyat at pagod pa siya. At kung sakaling umuwi na nga ng ibang bansa ang babae'y hindi niya masusunod ang ipinangako sa pinsang si Camille bago ito namatay.

Nagmamadaling hinakbang ng binata ang elevator.    

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon