"I DON'T BELIEVE IT!"
"Truth is stranger than fiction, they say," matabang siyang ngumiti kay Moana. "And this is one of those."
"Sa dinami-rami ng tao sa lupa, ha?" hindi pa rin makapaniwalang iling ni Moana. "Your husband's mistress was Raffy's cousin, oh dear. And out of the blue, may anak kang isinilang ng pitong buwan!"
Hindi sumagot si Katrina. Hindi na siya halos nakatulog kagabi sa kaiisip sa bagay na iyon. Aalagaan niya ang anak ni Melvin sa ibang babae dahil nagkataong sa kanya inihabilin ng babae nito ang bata sa huling hibla ng buhay.
"Ano ngayon ang plano mo?" si Moana uli.
"Susunduin niya ako bukas ng umaga, MM. May mga aasikasuhin at ipagbibilin lang siya sa tumatao ng bahay niya," sinabayan niya iyon ng buntong-hininga. "Hindi ko alam kung tama ang pasya kong pagbigyan si Rafael, MM."
Tumikhim si Moana at ilang sandaling tinitigan ang kaibigan bago muling nagsalita. "Have you forgotten him, Kat?"
Bigla ang baling ng tingin ni Katrina sa kaibigan. Sandaling nagsalubong ang mga kilay at pagkatapos ay isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi.
"I haven't thought about Melvin for days now, MM, and I felt guilty about it. Hindi ko rin maintindihan gayong anak niya sa ibang babae ang pinag-uusapan namin ni—"
"Hindi si Melvin ang tinutukoy ko kundi si Rafael." Agap at direktang sabi ni Moana.
She had the strangest feeling na iyon ang gustong sabihin ni Moana. Nailang si Katrina at kunwa'y hindi makuha ang sinasabi ng kaibigan.
"I don't know what—"
"Alam kong may crush ka kay Rafael noon pa man," muling putol ni Moana sa sinasabi niya. "Hindi ko lang gustong sabihin sa iyo dahil ayokong mailang ka sa akin o makadama kaya ng self-pity dahil nililigawan niya ako noon," nakakaunawa at nagsisimpatyang tingin ang ibinigay ni Moana sa kanya. Nanatili siyang nakamata rito.
"W-was I that obvious?"
"Sa akin marahil dahil babae ako at sa ibang mga malalapit ninyong barkada ni Raf. Maliban kay Rafael na sarado ang mga mata para makita iyon. At isa iyon sa dahilan kung bakit noong mga panahong iyon ay hindi ko magawang isama si Raf sa mga strings ng boyfriends ko. I don't want to hurt you bukod pa sa talagang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."
Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Tinanaw ang dagat sa di-kalayuan. Ang property ng mga magulang ay isa sa mga mapapalad na nasa malapit sa dagat.
"Hindi ko pa napag-uukulan ng pansin ang bahaging iyan ng damdamin ko, MM," she half-lied. Wala siyang intensiyon hukayin sa dibdib niya ang damdaming matagal na niyang naibaon roon. "Nasasaktan pa rin ako sa ginawa ni Melvin sa akin and I am still in shock na may anak sila ng babae niya at na ibinilin ni Camille na ibigay sa akin ang bata," nahahapo siyang umiling.
Nakakaunawang tumango si Moana. "Then I hope na muli mong pag-ukulan ng pansin ang sarili mo, friend. There's no sense mourning a man like your husband was, I am sorry to say that. You're still very young, only twenty four. Kung hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng buhay mo kay Melvin ay hindi nangangahulugan iyong magiging ganoon din sa susunod na pagkakataon."
Hindi niya alam kung paniniwalaan iyon. Her heart failed her twice. Totoong hindi niya minahal si Melvin sa tunay na kahulugan ng salita. But she had been a good wife to him.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...