GRADUATION. Katatapos lang niya ng valedictory speech. Sinalubong siya ni Rafael sa ibaba ng stage at kinamayan. Nauna ito sa mga magulang niyang lumapit. And she was so glad for that.
"Congratulations, sweetheart," bulong nito at agad ding binitiwan ang kamay niya. Ganoon lang. No gift, no nothing. Lumakad na ito palayo at hinanap ng mga mata si Moana.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang init na nadama ni Katrina. Gusto niyang umiyak. Nakita niyang inabutan ng regalo ni Rafael si Moana at hinagkan ito sa pisngi. Kung hindi sa paglapit at pagbati ng mga magulang, she would have burst into tears.
PARTY sa mansiyon ng mga Lang. Kung hindi sa pagpipilit ni Moana na dumating siya'y wala sana siya roon. Alam niyang higit siyang masasaktan sa pagpipilit ni Rafael na makuha ang atensiyon ni Moana.
She was wearing her most seductive dress ever. Nasita pa siya ng Mommy niya dahil medyo nakikita nang bahagya ang cleavage niya at miniskirt pa ang yellow dress niyang hapit sa katawan. But she was so daring tonight. Gusto niyang kahit paano'y mapansin siya ni Rafael.
Totoo namang napansin siya ni Rafael subalit hindi sa paraang gusto niya. "Ano ba iyang suot mo? Kulang na lang ay ihantad mo iyang dibdib at binti mo, ah. Bakit hindi ka na lang naghubad," patuyang sabi nito sa nakakunot na noo kasabay ng paghagod ng tingin sa kanya.
"You're such a friend. Alam mo ba iyon?" matalim ang mga matang wika niya rito.
"Kaya nga sinisita ko iyang damit mo dahil kaibigan kita. Kung hindi ba'y ano ang pakialam ko kung nakikita na iyang bituka mo diyan sa damit mo..." muli siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at saka naiinis na umiling. "'Pag nakita kitang nakikipagsayaw kahit na kaninong classmates mo o kaibigan natin ay hihilahin kita, Katrina."
"Wala kang karapatang gawin iyon!" she stamped her foot sa matinding inis.
"Oh, I have all the rights. You are my friend and hindi ko papayagang pagpiyestahan ng mga lalaki iyang katawan mo!" Akma siyang magsasalita nang hawakan siya nito sa baba at mahigpit na itaas ang mukha niya. "I'm warning you, Katrina. Kung gusto mong makipagsayaw, nagbihis ka sana nang matino."
She sighed in frustration lalo na nang mabaling ang pansin ni Rafael kina Moana at Vince na nasa gitna ng dance floor at nagsasayaw. Nasa mukha ng binatilyo ang iritasyon dahil nakayakap na halos si Moana kay Vince.
"Ano ba ang nakita niya diyan sa Vince Saavedra na iyan, ha, Katrina?" tanong nito at tuluyan nang nawala ang pansin sa kanya.
"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo ang tanong na iyan, Raf?" Nanggigigil niyang sabi at mabilis na lumakad patungo sa loob ng mansiyon. Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael na sinundan siya.
Inabutan siya nito sa bar na nagsasalin ng alak.
"Ano ang ibig mong sabihin?" galit nitong tanong at inagaw ang bote ng brandy sa kamay niya. "At ano iyang ginagawa mong iyan?"
"Paano nakakainis ka na!" baling niya rito at muling kinuha sa kamay nito ang bote at padabog na sinalinan ang baso niya at bago pa siya napigil ni Rafael ay ininom niyang lahat ang laman niyon. Sunod-sunod ang ubong ginawa niya. Parang napaso ang buong lalamunan at tiyan niya sa kalahating basong alak na na-straight niya.
"Stupid girl," bulong nito habang hinahagod ang likod niya. "Bakit ka ba nagkakaganyan, ha? Nakakahiya sa mga magulang ni Moana 'pag nakita ka nilang ganyan..."
"Shut up!" nanlilisik ang mga mata niya. "Manhid ka ba? Nakita mo nang walang gusto sa iyo si Moana pero sige ka pa rin! Si Vince ang mahal ni Moana, naintindihan mo ba, si Vince!"
Tinalaban na siya ng matapang na brandy. Noon lang nasayaran ng alak ang sikmura niya. At kahit nahihilo'y kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Rafael.
"Bakit sinasaktan mo ang sarili mo, Rafael?" patuloy niya. "Hindi ka gusto ni Moana. Kaibigan lang ang turing niya sa iyo at wala nang iba pa! And you're making a fool of yourself!"
"You're wrong, Katrina," sagot nito sa marahang tinig pero alam niyang naroon ang galit. "Infatuation... hero worship. Iyon lang ang nararamdaman ni Moana para kay Vince. Lilipas din iyon."
"Then you're a bigger fool than I thought," tinabig niya ang binata upang lumabas na muli nang bumuway siya. At kung hindi siya naagapan ni Rafael ay babagsak siya sa bar stool.
"Son of a bitch!" galit na wika ng binata. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Now, who's making a fool of one's self?"
Tinabig niya ang binata. "La—yuan mo ako! Ba—balik na ako sa... party..."
"I'll be damned if I will let you go back there sa ganyang ayos mo," sapilitan nitong inakay si Katrina sa tagiliran ng mansiyon kung saan walang mga tao. "Mabuti na lang at nag-iisa kang ganyan sa mga kaibigan ko..." he murmured on their way to the back door.
Sa parking area ay binuksan ng binata ang likuran ng kotse nito at isinakay siyang pilit doon. Nagtangka siyang bumangon subalit itinulak siya ng binata at napahiga siya.
"Ano ba!"
"Subukan mong lumabas diyan 'pag hindi nakatikim ka sa akin," singhal nito and pointed a finger at her. Isinarang muli ang pinto ng kotse at umikot sa driver's seat at sumakay. Pinaandar ang sasakyan.
Ilang sandali pa'y malayo na sila sa mansion.
"Saan mo... ako d-dadalhin? A-ayoko pang umuwi," nahihilo niyang protesta at hinawakan sa braso ang binata mula sa backseat.
"Huwag kang magulo! Gusto mo bang mabangga tayo?" singhal nito sa kanya. In half-amusement, half-irritation. "Nag-iisip ako kung saan kita dadalhin. Hindi kita puwedeng iuwi nang lasing at tiyak palo ang abutin mo sa mommy at daddy mo."
Sa lasing niyang diwa ay lalong nagalit si Katrina. "Hindi ako p-pinapalo ng mga... magulang ko! B-but I don't wanna go home yet..."
Umiling si Rafael at sinulyapan siya sa rearview mirror. Naroon ang distaste sa mukha. "Puwes, ako ang papalo sa iyo! Para kang loka diyan sa ginagawa mo. Hindi kita maintindihan kung bakit bigla ka na lang nagagalit at sukat mo ba namang ubusin lahat ang isinalin mo."
"Manhid!" paangil iyon but she slurred her words kaya hindi naintindihan ni Rafael. At kung naintindihan man ay itinuring nitong itinukoy ni Katrina iyon para rito at kay Moana.
Ilang sandali pa'y tinutumbok na ni Rafael ang private beach ng mga magulang nito at ipinarada ang sasakyan sa dilim. Bumaba ng kotse at binuksan ang pinto sa tagiliran ni Katrina.
"Pahanginan mo iyang mukha mo at kukuha lang ako ng bimpo at maligamgam na tubig sa bahay. Sana'y tulog na ang Mommy at Daddy. Hindi kita puwedeng dalhin sa loob dahil 'pag nakita ka ng mga katulong at ng mga magulang ko, malaking eksplanasyon ang gagawin nating pareho," pagkasabi noo'y iniwan na siya nito sa loob ng sasakyan at sa dilim.
Humaplos sa mukha niya ang lamig ng panggabing hangin mula sa dagat. Nakadama siya ng ginaw at kawalan. Lasing siya at vulnerable. Bigla'y humagulhol siya ng iyak.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
Storie d'amoreMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...