NANG sumunod na araw ay kasama ni Katrina si Louie del Prado, ang ahente ng unit niya, sa isang cafe sa ibaba ng building.
"May buyer na ako, Kate," wika ng binata na inabot ang card mula sa waiter. "When are you available to meet these couple?"
"Let me see, bukas ng umaga ay may meeting ako sa mga empleyado ko sa food station. How about tomorrow afternoon?"
"Deal," tumayo na ito, ganoon din si Kate na hindi na hinintay ang paghila ng lalaki sa upuan niya. Inilahad ng lalaki ang kamay. "I'll see you tomorrow then."
"Okay," sabay na silang lumabas. Si Louie sa parking lot at siya naman ay sa elevator.
Paglabas niya ng elevator sa floor niya'y dere-deretso si Katrina sa pasilyo. At sa ikalawang pagkakataon ay nakita niyang nakasandal sa pinto niya si Rafael. A surge of joy rush through her. At nagsimulang magkarera ang pulso niya pagkakita dito.
"Hi." Bati niya kasabay ng paglabas ng susi sa bag.
"Hi yourself." Ganting-bati nito na ngumiti. Inabot ang susi sa kamay niya at ito na ang nagbukas ng pinto.
"Hindi ka pa ba umuuwi sa apartment mo?" tanong ni Kate na sinulyapan ang katamtamang bag nito bago pumasok.
"Dito ako tumuloy," itinulak ni Rafael pasara ang pinto.
"Baka puro agiw na ang bahay mo, Raf," pinakaswal niya ang tinig at sinabayan ng mahinang tawa.
"Have you missed me, Kat?"
"Kagabi lang tayo nag-usap," aniya na lumingon. Gusto niyang mapaso sa titig na itinuon nito sa kanya. "Bakit kita mami-miss. Isa pa'y abala ako sa pakikipag-usap sa ahente ko para sa pagbibili ko nitong unit."
Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Sinong ahente? Iyong nagturo sa akin sa iyo sa San Ignacio?"
"Exactly," sinabayan niya iyon ng kibit. "In fact may appointment ako sa kanya bukas ng hapon..."
"That's one hell of a good looking guy," nairitang sabi nito.
"He sure is."
"If you're making me jealous then you're doing a very good job, Katrina." Matalim nitong sabi.
"Nagseselos?"
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...