Chapter 16

43.6K 987 5
                                    


"YOU'RE early, Kate," si Mr. Ricardo Carreon na nasa bungad ng hagdan. "Huwag mong sabihing tapos na ang party ni Moana..."

"S-sumakit ang ulo ko, Dad," kaila niya. Iniwas ang paningin sa ama.

Nagsalubong ang mga kilay na tinitigan ni Mr. Carreon ang dalagitang anak. "Are you all right? Bakit gulo iyang buhok mo?"

Halos mawalan ng kulay ang mukha ng dalaga na kung hindi siya nakatalikod sa ama'y baka nakita na nito ang guilt sa mukha niya.

"I—I... slept at the back of... of Raffy's car all the way here, Dad. M-masakit talaga ang ulo ko. Could be my migraine again. N-nakakahiya nga kay Moana at sa... sa father niya..."

Isang buntong-hininga ang narinig niya mula sa ama. "Siya, sige, magpahinga ka na at uminom ka ng gamot. Ang mommy mo'y kanina pa tulog," nagmamadali siya sa pagpasok sa silid nang muling tawagin ng ama.

"Y-yes, Dad..."

"On the contrary, mabuti na ring nakauwi ka nang maaga, hija. Baka hindi ka magising nang maaga. Aalis tayo bukas patungong Maynila. Doon na muna tayo sa bahay ng Ninong Daniel mo habang inaasikaso ko ang huling mga papeles paalis."

Isang tango ang isinagot niya at pumasok na sa silid. Ibinagsak ang sarili sa kama at umiyak nang umiyak. Hindi niya gustong umalis ng San Ignacio. Hindi niya gustong malayo kay Raffy sa kabila nang masasaktan siya. Pero marahil ay mabuti na rin ang nangyari. Hindi niya alam kung kaya niyang manatiling matatag kapag nagkaharap sila. At hindi niya gustong maobliga si Raffy na pakasalan siya.

Si Moana ang mahal nito at natukso lang ito sa ginawa niya kanina. At alam niyang nagkasala siya. Hindi niya dapat ginawa iyon. Ikinahihiya niya ang sarili sa nangyari. She promised herself never to indulge in pre-marital sex. Ipinangako niya sa sariling ang magiging asawa lamang ang pagkakalooban niya ng sarili. Pero nang dahil lang sa impulse na tinulungan ng alak ay nasira niya ang moral values niya.

Sana'y mabaling ang pansin ni Moana sa binata at hinahangad niya ang kaligayahan ng dalawang taong mahal niya sa buhay. Then Raffy would soon forget about it.

"HI," bati ni Moana kay Raffy nang labasin nito ang binata sa may verandah. "Mukhang hindi ka pa natutulog, ah. Ang pagkakaalam ko'y maaga kayong umalis ni Kate sa party ko kagabi," wika nito at hindi na idinugtong na ito man ay pumanhik na rin nang malamang umalis si Vince matapos kausapin ng ama.

"Bakit walang sumasagot sa telepono sa bahay ng mga Carreon, Moana?" sagot ng binata. "Kanina pang tanghali ako tumatawag sa kanila..."

Hindi siya mapalagay at halos hindi siya nakatulog kagabi. Magkakaibang damdamin ang nag-uunahan sa dibdib niya. Ang eksperiensyang iyon kay Kate na nagdudulot pa rin ng init sa buong pagkatao niya sa sandaling sumasagi sa isip ang katawan ng kababata at kaibigan. At guilt. Hindi niya dapat ginawa iyon. Magkababata at magkaibigan sila. Parang magkapatid ang turingan sa isa't isa. Bakit ginawa ni Kate na mag-initiate nang ganoon kagabi? At bakit naman siya nagpatukso? Anong klaseng tao siya at nagawa niyang pagsamantalahan ang kaibigan? And to top it all, he really enjoyed it that he wanted to do it over again with her!

Oh, damn him.

Nagsalubong ang mga kilay ni Moana. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Kate ang tungkol sa pag-alis nila, Raf?" Ibinaba nito sa harap ng binata ang isang baso ng juice.

"Pag-alis?" Lalong lumalim ang kunot sa noo ng binata. "Ano ang ibig mong sabihin? Saan sila pupunta?"

"Sa States. Huwag mong sabihin sa aking hindi mo alam na balak ng pamilya nilang mag-migrate sa Amerika?" nagtatakang wika ni Moana at saka idinagdag: "Of course, you knew that."

Napaungol si Raffy. May panibagong damdaming nadagdag sa dati ng nadarama. Relief, dahil nasagot ang suliraning kagabi pa bumabagabag sa kanya. And anger, dahil hindi man lang sinabi sa kanya ni Katrina na ngayong umaga na sila aalis. Kaya ba ipinagkaloob ng kababata ang sarili sa kanya? But what made her do it?

"Are you all right, Raf?"

No. I am not! Gusto niyang ihiyaw subalit sa halip ay iba ang lumabas sa bibig: "I'm... fine, Moana," pinilit niyang ngumiti. "Alam kong balak ng mga Carreon na mag-migrate sa ibang bansa but I never expected it to be this soon. Hindi sinabi sa akin ni Katrina kagabi iyon..." at kung may bahagya mang sakit siyang nadama sa dibdib ay hindi iyon pinag-ukulan ng pansin ng binata at isiniksik sa sulok ng dibdib.

It is much safer to entertain anger. He considered it betrayal on Katrina's part na huwag ipaalam sa kanyang ngayong araw na ito ang alis ng pamilya niya.      

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon