"GOODNIGHT, Mrs. Winters," ang elevator boy nang lumabas ng lift si Katrina. Nginitian niya ito. Tahimik ang buong pasilyo sa bahaging iyon ng sixth floor. Malapit na siya sa unit niya nang mapunang may taong nakasandal sa tabi ng pinto niya. Bahagya pa siyang nagtaka nang mapagsino ito.
"Rafael?"
"So you're home at last," galit nitong bungad sabay tingin sa relo. "Saan ka nanggaling? I've been trying to reach you since four o'clock this afternoon at dalawang oras na ako rito."
Tumaas ang isang kilay niya. "Dalawang oras kang nakatayo rito?" She tried to humour his anger kaysa magalit din siya. Ano ang karapatan ng lalaking itong usisain siya nang ganito. Dinukot niya ang susi sa bag at binuksan ang pinto.
"It isn't funny, Katrina," puno ng iritasyon ang tinig nito lalo na nang mapuna ang amusement sa mukha niya.
"You are funny, Raf," aniya at binuksan ang ilaw at pumasok sa loob. Sumunod si Rafael. Ito na mismo ang nagsara ng pinto. "You'll make a nagging husband," huli na para bawiin niya ang sinabi.
"Really? And you're a lousy wife," angil ng binata. Huli na rin para bawiin ang sinabi. Nakita nito ang pagkawala ng ngiti ni Kate kasabay ng paglingon sa kanya. Itinaas nito sa ere ang dalawang kamay. "Sorry about that... didn't mean it..."
She sighed. Inihagis sa sofa ang shoulder bag at nagtuloy sa maliit na kusina. Inalis sa box ang pizza na dala at ipinasok sa oven. "Have you eaten?"
"Nagkape ako sa ibaba habang nag-aabang sa iyo."
"Puwede na ba sa iyo ang pizza at kape o pizza at juice o pizza at beer?" Inabot niya ang tasa ng kape sa pantry. "I'll have coffee."
He smiled. "Pizza and beer," wika nito at dumiretso sa ref. Kumuha roon ng canned beer, binuksan at ininom. "Now, where have you been all day?" muling tanong nito at sumandal sa ref. Sinuyod ng tingin si Katrina habang nagtitimpla ng kape. Very chic and dignified in cream tailored suit, cream high heeled shoes at nakapusod na buhok. Gusto niyang isiping pagod ang nakikita niya sa mga mata nito. "I called the hospital, hindi ka nagpunta doon ngayong araw na ito." Muli niyang dinala sa bibig ang lata ng beer.
Matabang na ngumiti si Katrina. Hinila ang upuan at naupo. "Dumaan ako roon bago umuwi. He's gaining weight," sa pagkakataong iyon ay nakita ni Rafael ang kislap sa mga mata niya. "Sabi ng pedia niya baka puwede ko na siyang iuwi two weeks from now."
Tumango ang binata. Muling dinala sa bibig ang beer. Pagkatapos ay muli ring nagtanong. "Bago ka nagpunta ng ospital, saan ka galing?"
"Rafael!" bulalas niya kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay. "Bakit kailangan kong sabihin sa iyo kung nasaan ako."
"Because I am your friend at nag-drive ako mula Baguio patungo rito dahil lang hindi kita makausap. Now, is it too much kung sasabihin mo sa akin kung bakit wala ka maghapon?"
She held her temper. Kilala niya si Raffy. Hindi ito titigil hangga't hindi nito nalaman ang gustong malaman. And she's too tired to argue with him.
"Nasa Winters Garment ako kaninang umaga," she sighed at inihilig ang ulo sa sandalan. "I really don't know what to do with the company. Tiningnan ko ang libro at nakausap ko ang accountant, hindi kumikita ang kompanya sa nakalipas na mga buwan. Gusto kong ipagbili ang patahiang iyon. Hindi ko linya ang negosyong napili ni Melvin."
"Sell it," mabilis na susog nito. "Hindi mo kailangan ang kompanyang palugi. Remember you have his inheritance."
Hindi pinansin ni Katrina ang panunuya sa tinig nito. "I'm not interested with Melvin's money, Raf. Pag-aari iyon ng bata, hindi sa akin. And even without it, I have enough of my own to raise a child and send her to the best schools."
"If you live a simple life perhaps. Pero hindi ganyan ang nakikita ko sa loob ng unit mo, Kate," inikot nito ang mga mata sa karangyaang laman ng unit niya. "And you're wearing expensive clothes, expensive jewelry," sinulyapan nito ang hikaw niya. Hindi magarbo pero hindi biro ang halaga ng batong naroroon. Ganoon din ang designer's watch niya. "And expensive perfumes."
Nagbuntong-hininga si Katrina. Tumayo siya at pinatay ang oven. Kinuha ang pizza at inilapag sa mesa. Pagkatapos ay tumingala kay Rafael. "Kung mayroon nito sa San Ignacio, sa palagay mo'y tatanggapin ng mga tagaroon?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael sa biglang pagbabago ng usapan. Dinampot ni Katrina ang isang slice at kumagat. "I've been thinking about putting up a branch in San—"
"A branch?"
"Uhuh," wika niya, taking her time in chewing. "I bought a franchise months after we came back. May dalawa akong branch dito sa Manila. One in Taft and one in Carriedo. Puwede ko sigurong ilipat ang isa sa atin at—" ibinitin niya ang huling sinabi at ipinagpatuloy ang pagkain.
Ilang sandali muna ang pinalipas ni Rafael bago nagsalita. "All right, I got the point." Nasa mukha ang respeto para sa kanya. "I'm sorry."
She smiled. "You're forgiven. Eat and then leave. I really had a tough day, Raf, at gusto kong magpahinga."
"Can't I sleep here?" birong-totoo ng binata.
"Yes." Umiwas siya ng tingin.
"Yes I can't or yes I can?"
She gave a humourless smile. "Goodnight, Raf. Lock the door when you leave." Nang akma siyang tatalikod ay hinawakan siya ni Rafael sa magkabilang balikat.
"I'm tired too. A good-night kiss is nice..." his eyes caressed her face and then moved to her lips.
Umiwas ang mga mata niya. "P-please, Raf, I'm tired..."
"Goodnight," pabuntong-hiningang sabi nito at binitiwan siya. Humakbang patungo sa pinto at binuksan ito. "Isara mo lahat ang mga lock," utos nito at saka lumabas.
She closed her eyes for a while. Alam kaya ni Rafael ang tunay niyang damdamin para rito? Hindi na siya ang disi-siyete na dalagita at natitiyak niyang hindi halik para sa magkaibigan ang hinihingi ni Rafael. There was something in his eyes na hindi niya gustong bigyan ng pangalan.
Pero bakit? Mula nang magkita sila uli'y nagbibigay siya ng distansiya para sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...