Chapter 25

47.6K 920 19
                                    

LUMIPAS ang isang linggo na hindi tumawag o dumalaw uli si Rafael. Naiuwi na niya sa bahay ang bata mula sa ospital. Nakakuha siya ng isang private nurse na siyang mag-aalaga rito habang wala siya sa bahay at inaasikaso ang negosyo niya.

Lunes ng umaga nang sumunod na linggo'y ipinasya niyang tawagan si Rafael sa Baguio. Babae ang nakasagot. Sandali siyang nag-alangan.

"Hello, sino ito?" Nairita si Marie.

Tumikhim siya. "Gusto kong makausap si Rafael. Si Mrs. Winters ito."

Nagsalubong ang mga kilay ni Marie at sinulyapan ang binatang nakatulog na sa ibabaw ng drafting table.

"Ikinalulungkot ko pero katutulog lang niya. Any message?"

"P-pakisabing tumawag ako. T-thank you," iyon lang at ibinaba niya ang telepono. Nanlalambot na napaupo siya sa sofa. Tila may patalim na humihiwa sa dibdib niya at napakakirot ng dulot niyon.

Si Marie sa kabilang dako ay nagkibit ng mga balikat at muling ibinalik ang CP ni Rafael sa ibabaw ng mesa nito. Umiiling na hinaplos ang buhok ng binata na hindi nagising sa tunog ng telepono.

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon