"KAMUKHA ba ni Melvin ang bata, Kate?" tanong ni Moana na pinagmasdan ang natutulog na sanggol sa crib nito.
Umiling siya. "Hindi ko matiyak. Pero ang buhok niya'y nakuha niya kay Melvin."
"Tita Kate, the baby's smiling at me," wika ni Jason, ang tatlong taong gulang na anak ni Vince at Moana.
Sinikap niyang ngumiti sa bata. "Did he really, sweetheart?"
"Oh, yes, Tita Kate. He likes me..." at saka muling pinagmasdan ang sanggol.
"Ano ngayon ang plano mo?" patuloy ni Moana.
"Dito ko palalakihin ang bata sa San Ignacio," paniniyak niya at tumanaw sa bintana. Mula roo'y kitang-kita ang malawak na karagatan. "Ipagbibili ko ang unit ko sa Maynila. Inaasikaso ko ang pagtatayo ng branch ng pizza station sa bayan. Nakakuha na ako ng lupang pagtatayuan ng two-storey building. Ang ibaba'y ang pizza house."
"Alam ba ni Raffy ito?" muli nitong tanong. Dalawang linggo nang mahigit mula nang makauwi si Katrina at ang sanggol sa San Ignacio.
"Sinubukan kong tawagan siya, MM. B-babae ang nakasagot sa tawag ko," alas-siyete ng umaga siya tumawag at katutulog lang ni Rafael ayon sa babae. Marahil ay ginugol ng mga ito ang buong magdamag sa pagtatalik. Tulad din ng ginawa nilang dalawa noong huli silang magkita.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula noon subalit ang sakit ay hindi man lang nababawasan.
"At hindi rin niya alam na naglilihi ka?" patuloy ni Moana, ang mga mata'y nasa likod ng kaibigan.
Matagal bago siya sumagot. Nakailang hugot siya ng malalim na paghinga. "Paano kong sasabihin sa kanya?" Her eyes filled with misery. "Na payag na akong pakasal kami dahil naglilihi ako... na nagkamali naman pala ang doktor na tumingin sa akin sa Nevada..." umiling siya. "I don't think so. Ano na lang ang iisipin sa akin ni Rafael."
"Na mahal ka niya... at lalo ka niyang mahal ngayong magkakaanak kayo at lalong higit na magpakasal kayo," ani Moana na hindi malaman kung maiinis o maaawa sa kaibigan.
"It isn't easy as that, MM." Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.
Umikot ang mga mata ni Moana. "Oh, dear. Why can't you be like me, Kate. Kung sinabi mo noon kay Raffy na mahal mo siya, di sana'y natigil na ang kahibangan niya noon pa man. Di sana'y hindi ka na nag-asawa pa. Di sana'y... oh, damn. Puro di sana..."
Hindi niya mapigil ang hindi mangiti sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...