Chapter 8

50.4K 1.1K 9
                                    


NATITIYAK niyang alam ng bisita niyang nagluluksa siya. And though she didn't feel like mourning ay pinili niya ang isang navy blue na damit dahil iyon ang inaasahan sa kanya ng makakaharap. Nasabi na marahil ng agent niya na dalawang linggo pa lang namamatay si Melvin kaya naipasyang ipagbili ang condo.

Short sleeves ang damit, V-necked na bagaman mababa nang kaunti ang neckline ay hindi lalampas sa border of decency. With gold buttons hanggang sa ibaba. Lalo siyang nagmukhang slim sa dark na kulay ng suot niya.

Kinuha ang isang velvet headband at binatak patungo sa likod ang buhok. Naglagay ng isang simpleng push-and-pull diamond earring. Nag-polbo at nagpahid ng isang bronze lipstick sa mga labi. Muling sinipat ang sarili sa salamin. A respectable twenty-four-year-old widow. Almost twenty four, pagtutuwid niya sabay ngiti nang tipid.

Sinulyapan niya ang relo sa braso. Sampung minuto para alas-singko. Lumabas na siya ng silid at bumaba upang hintayin ang pagdating ng buyer.

SI Rafael ay nagsalubong ang mga kilay nang ipasok ang kotse sa maluwang na bakuran ng bahay ni Mrs. Winters. Halos tatlong taon siyang nawala pero hindi siya maaaring magkamaling ito ang lumang buhay ng mga... Carreon.

Katrina. Sa isang maiksing sandali ay isang alaala ang pumasok sa isip ng binata. Of happy childhood days long gone. Memories of bits and pieces. And regret...

Muli niyang itinuon ang mga mata sa malaking bahay. Right after her graduation sa high school sa kolehiyo sa San Ignacio ay nag-migrate ang pamilya nito sa America. At hindi na muling nagbalik. Naiwan sila ni Moana. He smiled at the thought. His foolishness over Moana. How he thought he was madly in love with her.

He smiled at himself. Alam niyang maligaya ang buhay ng kababata sa piling ni Vincent Saavedra. Vince was Moana's first and last love. Bago siya babalik sa Maynila'y dadalawin niya ang dalawa at kukumustahin. The last time he saw them both ay noong mamatay ang mama niya. At iyon ang huling pagdalaw niya ng San Ignacio.

Katrina. And while everyone else called her Katie, he insisted on calling her Kate. At may kung anong usig ng budhi ang biglang sumundot sa dibdib niya.

Marahan siyang lumakad patungo sa bahay. Nagtatalo pa rin ang isip kung tama ang address na ibinigay ng ahente sa kanya. O baka naman nirentahan ni Mrs. Winters ang ancestral home ng mga Carreon sa pamamagitan ng mga katiwala.

Isang marahang katok ang ginawa ni Rafael sa lumang pintong narra. Mula sa loob ay narinig niya ang tunog ng sapatos palapit sa pinto. Naririnig din niya ang pagpihit ng seradura. At natuon ang mga mata niya sa unti-unting pagbubukas ng pinto.

"Good afternoon..." bati ni Rafael na inihanda na ang ngiti sa mga labi.

Lumuwang ang pagkakabukas ng malaking pinto at pormal na tumango si Katrina. Ang ngiti ng binata ay lumapad nang mabungaran ang pinakamagandang mukhang nakita sa buhay nito. Subalit hindi magawang magtagal ng ngiti nito nang matitigan nang husto ang kaharap, humalili ang pagkunot ng noo.

"R-Rafael...?" tulad nito'y nagsalubong din ang mga kilay ni Katrina.

"Kate? Is it really you, Kate?"

Sa isang matagal na sandali'y pareho silang nakatingin sa isa't isa. Unable to take their eyes off each other. Parehong hindi makapaniwalang ang isa'y kaharap ng isa. While Kate's heart started to pound furiously ay agad namang nakabawi si Rafael.

"It's wonderful to see you again, Kate," nakangiting wika nito at inabot ang nabiglang si Katrina at mahigpit na niyakap. "Hindi ko inaasahang makita ka dito," pinakawalan nito si Katrina at tinitigan. "My, you're beautiful! Kailan ka pa dumating mula Amerika? Kasama mo ba ang mga magulang mo?"

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon