TRUE to her promise, she didn't complain. Pero hindi siya nangakong hindi iiyak. Raffy tasted the tears.
"Kat—" si Raffy makalipas ang mahabang sandali. Inabot siya at banayad na kinabig at hinagkan sa buhok. "I'm so—"
"Don't talk," agap niya at pinahid ng kamay ang mga luha. Damn. She didn't intend to cry. What made her so maudlin she didn't know.
Inaayos ang sarili sa dilim sa loob ng sasakyan. Ang tanging liwanag ay ang kislap ng mga alon ng dagat sa dalampasigan at ang malamlam na liwanag mula sa ilaw sa bahay ng mga Barrios labinlimang metro mula sa kinalalagyan nila.
"You're—only seventeen," naroon ang pagsisisi sa tinig nito. Remorse came later after the passion. "Lord, can we be married?" walang kasiguruhang wika nito.
"Shut up, Raf," she gave a false calm. "And take me home. Ang sabi ko, I'll take the consequences..."
"Paano kung... magbunga ang nangyari, Kat?" He was nineteen at bagaman hindi iyon ang unang pangyayaring nakipagtalik ang binata, Katrina was his first virgin. Somehow, he was so proud of it. At hindi katulad ang dalagita sa mga babaeng nakatalik na nito. At litong-lito ang binata.
"I will be thousands of miles away from you, Raf, should that happen. Three weeks from now ay paalis na kami patungong America."
"Fat chance..." pagdiriin niya. Ang isa sa mga paboritong charity work ng Mommy niya ay ang family planning sa center sa San Ignacio. Maraming brochures sa bahay nila sa pagpaplano ng pamilya at kung kailan safe ang isang babae. At bagaman hindi niya pinlano ang nangyari ay alam niyang malayong mangyaring magbunga ang naganap sa kanila.
"I've ruined you!" nanlulumong wika ni Raffy.
"You did not!" hiyaw niya rito, wanting to hate him. Sa kabila ng dilim ay alam niyang sising-sisi si Raffy sa nangyari na tila ba mapipilitan itong panagutan siya kung igigiit niya. "Ano ba, iuuwi mo ba ako o hindi?"
"Paanong hindi ka naliligalig sa nangyari sa atin?" magkasamang kalituhan at galit ang nasa tinig ng binata.
Nangibabaw ang pride kaysa sa sakit ng damdamin. Itinaas niya ang mukha. "Raffy, what happened was nothing but a physical joining of our bodies. Nothing more. So calm down."
Kung hindi lang madilim ay nakita na niya sana ang galit sa mga mata ng binata sa pagkakatingin sa kanya. But his voice said it all.
"So after all these years, I don't really know you at all," wika nito sa sarkastikong tinig. "Sweet and shy Katrina. Initiated the seduction, not that I am denying my part of it. I'm as much to blame as you, but to take it as if nothing important happened, ay hindi ko maintindihan, Katrina," narinig niya ang matalim nitong paghinga. "Nothing but a physical joining of our bodies," ulit nito sa sinabi niya. "Shit!" At saka pinaandar ang sasakyan.
Ilang sandali pa'y wala silang kibuan pauwi sa kanila. Si Katrina'y nanatili sa backseat. Bukas pa ang ilaw sa silid ng mga magulang niya nang iparada ni Raffy ang kotse sa harap ng bahay nila.
"Good-bye, Rafael," gumagaralgal ang tinig niya nang sabihin iyon. Binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas.
"Kat..." tawag ng binata subalit hindi lumingon ang dalagita at tuloy-tuloy.
"Damn, damn!" Pinukpok nito ang manibela ng kotse. Pagkatapos ay mabilis na umalis sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung ano ang iisipin at gagawin. Ano na ang mangyayari? Paano kung magbunga ang ginawa nila. Hindi sa hindi niya gustong panagutan si Katrina kung sakali pero tama bang mag-asawa sila? Ang babata pa nila at wala siyang trabaho. Paano niya sasabihin sa mga magulang niya ang lahat kapag nagkataon?
Ano ang gagawin niya? Hindi niya maaaring pabayaan si Katrina.
Ilang sandali na siyang nagda-drive nang wala sa loob na nalingunan ang malaking kahong nasa katabing upuan. His gift for Katrina sa graduation nito. Nalimutan na niyang ibigay sa dalagita. He intended to give it to her after the party kapag ihahatid na niya ang kababata, sa halip ay iba ang nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/149948062-288-k537643.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...