NAKITA niyang humugot ng malalim na buntong-hininga si Rafael.
"H-how did your... cousin get involved with my... my husband?" inulit niya ang tanong nang hindi agad ito sumagot. "Bakit hinayaan mo siyang pumatol sa may asawang tao?" Hindi niya mapigilan ang galit sa bahaging iyon.
"Makinig ka muna bago mo ako akusahan, Kate," banayad nitong sabi sa kabila ng talim sa ilalim ng tinig. "Hindi tinapos ni Camille ang kolehiyo. She hated school. Kaya nagtataka rin ako kung paano siyang natanggap bilang assistant manager sa store outlet ng asawa mo. Pero nang magsama sila ni Melvin ay nawala na sa isip ko iyon."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "I've been there twice pero ang pagkakaalam ko'y may asawa ang assistant manager ng store outlet, si Mrs. Lopez."
"Pinag-resign siya ni Melvin makalipas ang dalawang buwan at itinira sa isang rented apartment sa Quezon City," sagot ni Rafael na may dinukot sa bulsa. Katrina gave a frustrated groan.
"Here, read this," iniladlad nito ang nakatuping papel sa harap niya. "Marriage contract. I never bothered to check kung fake ang dokumentong iyan nang ipakita ni Camille."
Subalit tinitigan lang ni Katrina ang dokumento. May palagay siyang mapapaso siya kapag hinawakan niya iyon. Bukod pa sa hindi siya interesado.
"I never liked Melvin though he was polite. Hindi ko alam kung bakit. But Camille was so in love with him and so happy. Isa pa'y tuwing dinadalaw ko siya ay naroon si Melvin. I never thought for one moment that she was his mistress."
Bakit nga ba hindi gayong sa loob ng isang linggo ay isa o dalawang beses lang naroon sa kanya si Melvin. Kunwa'y lalabas ng bansa at kung ano-ano pang alibi. She thought bitterly.
Marahas na tumayo si Katrina. "Gusto kong tigilan na ang usapang ito, Raf. My husband is dead at ganoon din ang... ang pinsan mo. Wala na sigurong halaga kung pag-uusapan pa natin ang mga bagay na iyan. Gusto kong kalimutan ang lahat." Wika niya sa nahahapong tono. Nasasaktan siya, hindi dahil sa nag-uumapaw na pag-ibig para sa asawa. But she was betrayed. At pinagmukha siyang kaawa-awa sa mata ng mga kakilala nang mamatay itong kasama si Camille.
Hindi sumagot si Rafael at matiim siyang tinitigan. He saw the pain in her eyes and in one fleeting moment ay gusto nitong lapitan si Katrina at yakapin at pawiin ang sakit na nasa puso nito.
"Hate me for this, Katrina, but you didn't deserve a bastard like Melvin!" Ang sa halip ay nasabi nito. Naniningkit ang mga mata.
She gave a faint and bitter smile. "And I'm sorry about your cousin," marahan siyang tumayo at humakbang palapit sa may pinto. "M-masakit ang ulo ko, Rafael, gusto kong magpahinga..."
Hindi tumitinag sa kinatatayuan si Rafael sa disimuladong pagtataboy. Nanatiling nakatitig sa kanya. Makalipas ang ilang sandali'y humakbang palapit. Huminto ito sa harap niya.
"Please, sit down, Mrs. Winters," sandaling nilinga ng binata ang sofa bago muli siyang tinitigan. "Hindi ko pa nasasabi sa iyo ang dahilan ng pagpunta ko rito."
Nagtaas ng naguguluhang mga mata si Katrina. She would have said something nang malanghap niya ang woodsy cologne ng binata. It reeled her senses that she was momentarily shock. Lord, kamamatay lang ng asawa niya at heto siya sa damdaming maraming taon na niyang isiniksik sa ilalim ng puso niya.
"Kat," tumaas ang mga kamay ni Rafael sa balikat niya. Lalo nang hindi kayang pakitunguhan ni Katrina ang bumabangong emosyon sa pagkakalapit na iyon ng binata. "Alam mo bang may anak ang asawa mo kay Camille?"
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...