Chapter 2

58.5K 1K 5
                                    


KINSE minutos makalipas ang alas-diyes ng gabi. Bumukas ang pinto ng bachelor pad ni Rafael. Kinapa niya ang ilaw.

"There's no need to turn the lights on, darling," si Marie habang nakapulupot sa binata. "We'll see each other in the dark anyway," at humagikgik ito ng tawa.

"There you are," wika ng binata nang makapa ang switch at lumiwanag. Akbay si Marie na pumasok at isinara ng paa ang pinto.

"I'm hungry, Marie," wika niya at lumakad patungo sa adjacent kitchen.

"Me too, Raf," malambing nitong sabi sabay tanggal sa mga butones ng polo niya.

"C'mon," natatawang wika ng binata sa kasama. Si Marie ay isang Civil Engineer at isang taon pa lang sa kompanyang pinapasukan niya. And has been his bed partner for almost seven months now. "You want us to go straight home from the meeting, so let me eat first..." binuksan niya ang ref at naglabas ng cold cuts.

"All right, all right," natatawang itinaas ng babae ang mga kamay. "Bahala ka sa kusina mo and I'll take a shower."

"Hindi mo ba ako gustong tulungan?" lingon ng binata sa babae na unti-unting naghuhubad ng damit.

"I hate preparing meals, Raf, darling. Kaya nga sa labas ako kumakain, eh," wika nito at nagtuloy-tuloy na sa banyo.

Isinalang ni Rafael ang frying pan nang tumunog ang telepono. Tahimik na nagmura ang binata. Sino ba ang tatawag sa kanya sa oras na ito. Everyone was at the meeting this evening at napag-usapan na nila ang dapat pag-usapan. Wala siyang balak sagutin ngunit patuloy sa pag-ring ang telepono.

"Damn!" Inis niyang muling pinatay ang kalan. Sa malalaking hakbang ay pahablot na dinampot mula sa craddle ang mekanismo. "Hello, Barrios here..." he answered impatiently.

"Mr. Barrios," ang kabilang linya. Lalaki. "Quezon City General Hospital..." patuloy nito sa pagsasalubong ng mga kilay ni Rafael. Napahugot ng paghinga si Rafael, nagsimulang bayuhin ng kaba ang dibdib.

Makalipas ang ilang sandali'y halos pabagsak na ibinaba ang telepono, tumayo at mabilis na dinampot ang susi ng sasakyan sa mesa.

"Marie, I'm leaving!" sigaw niya. "There's an emergency..."

"What?" sumungaw ng banyo si Marie subalit likod na lang ni Rafael ang nakita nito.

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon