Chapter 10

46.2K 1K 11
                                    

MAY isang oras nang nakaalis si Rafael ay nanatiling nasa bintana si Katrina. Ipinagkaloob ni Camille ang bata sa kanya nang matiyak nitong hindi na mabubuhay. Sa dokumento ng bata ay siya na ngayon ang ina nito. Kung gaano ka-legal ang ganoong dokumento ay hindi niya matiyak.

At hindi niya gustong aminin ang dahilang pilit na isinisiksik ng kabilang bahagi ng isip kung bakit kailangang sang-ayunan niya si Rafael sa mungkahi nitong sumama dito kinabukasan paluwas sa Maynila upang dalawin ang bata sa ospital.

Dahil kay Rafael. The child could be her link to him after all these years. And she knows she's a fool. Bakit gusto niyang masaktan gayong matagal nang naghilom ang sakit na naranasan niya noon? Huminga siya nang malalim. Bukas ay sasabihin niya kay Rafael na hindi niya gustong tanggapin ang bata. Hindi niya gagawing dahilan ang anak ni Melvin sa ibang babae upang muli silang magkalapit ni Rafael.

Subalit hindi pa man lubusang rumirehistro ang ideya ay agad na binura ng kabilang bahagi ng isip at kinatigan pa ng puso. Eh, ano kung masaktan siya. Eh, ano kung sa ikalawang pagkakataon ay gamitin siya ni Rafael. Gusto niya iyon, 'di ba? Tulad din ng kung paano niya ginusto noon.

"You've hurt me once, Raf. Hurting me again doesn't matter."

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon