Prologue

1.7K 33 8
                                    

"I am breaking up with you."

Mejo nabingi ako at matagal nagsink in sa aking utak at kalaliman ng aking puso ang sinabi niya.

"ha?" Napalunok ako naghihintay na ulitin niya ang mga katagang nagpapasikip sa aking dibdib at umaasang mali lang ako ng dinig.

Tumingin ako sa kanyang mga mata at ganoon na rin siya sa akin. Nakikita kong di siya mapakali at kinakabahan sa kanyang sasabihin.

"Shei.... naisip ko kasing hindi na-"

"Oppa, ang ganda ng mga bituin oh." Pagputol ko sa kanya.Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa kalangitan. Natitiyak ko na ang gusto niyang mangyari!  Ayokong marinig ang kanyang sasabihin. Natatakot ako. Andito kami ngayon sa lugar na madalas namin pinupuntahan para magdate. Ang Han River. Espesyal sa amin ang lugar nato.

"Shei.."

"Oppa, pagkadebut mo magiging bituin ka rin kagaya ng mga bituin sa langit. Mahirap ka nang abutin. Pero kahit ganun gagawin ko lahat para abutin ka. Hmmm sasakay ako ng eroplano para maabot ka? hahahaha". Plastic kong pagtawa. Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang mga mata nyang kay lungkot na nakatitig sa akin. Kumirot ang puso ko.

"Oppa. Hindi mo ako iiwan diba? Sabi mo walang iwanan diba? Dito mismo sa lugar nato ipinangako mo sa akin na tayo forever. "

Tumingin siya sa kalangitan. At ako ay naluluha na. Hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit gusto niyang makipagbreak sa akin.

"Malapit na ang debut stage ng EXO at sinabi sa amin na magiging busy na daw kami pagkatapos nun.."

"Okay lang sa akin yun. Magiging understanding ako hindi kita kukulitin. Oppa, maghihintay ako sayo."

"I'm sorry Shei..pero... maghiwalay na tayo."

At ayon na nga rinig na rinig ko sa kanya iyon. Ang sakit! Tumulo na yung mga luha ko. Pagtataka, sakit at galit ang mga namuo sa dibdib ko.

"May mga bagay na hindi na pwede ngayon-"

"Ano bang problema mo?. Sabihin mo nga sakin dahil lang ba magiging busy ka kaya ayaw mo na? My God Junmyeon for 7 years kasama mo ako para tuparin ang mga pangarap mo tapos ngayon pa tayo susuko? Expected naman talaga na magiging busy ka na dahil gusto mo maging singer diba? pero expected na rin ba na hihiwalayan mo ko pag mangyari na yun?"

Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay nailabas ko ang mga salitang yun.

Tiningnan ko siya ng madiin.

"Hindi ganoon yun. Kailangan ko lang makipaghiwalay sayo."

"Pero bakit nga??? "

"Dahil..."

"ANO? Hindi mo na ako mahal? Pagkatapos ng lahat na ginawa ko para sayo iiwan mo lang ako. Ah! Porket sisikat ka na ganun na lang yun?"

"Sabing hindi ganun iyon!"

"Ganon na rin yon!" Basang basa na ang mukha ko sa luha. Gusto ko siyang sapakin. Galit na galit ako sa kanya! Paano niya nagawa sa akin ito.!!

Namayani ang katahimikan. Tinitigan ko siya ngunit siya ay nakayuko lamang. Gusto kong makita ang sinasabi ng mga mata niya. Gusto kong makita na nasasaktan din siya. Na hindi totoo yung mga sinabi niya.

 

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay bigla siyang nagsalita na nakayuko pa rin.

"Oo. Hindi na kita mahal."

Parang sasabog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko na siya kilala. Parang ibang tao siya. Kanina ay masaya pa kami na nagbobolahan at nagtatawanan. Pero bakit nahantong sa ganito??

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Sabihin mo sa akin yan nang nakatingin sa akin."

"Shei wag mo na akong pahirapan please!" Tumingin siya sakin at nakita ko ang mga mata niyang may mga luha na pinipigilan niyang lumabas.

"Tapos na ang sa atin."

"SHUT UP!!!!!!" sigaw ko. "Oppa please!! Wag mo ko iwan!!"

Nabibingi na ako sa lagi niyang pagsabi na tapos na ang sa amin. WTH is wrong with him!!

Biglang tumunog ang phone niya at tiningnan niya ito.

"Kailangan ko ng umalis..Goodbye Shei."

Patalikod na siya ng hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"Oppa please wag mo akong iwan! Hindi ko kayang wala ka.!"

Pero inalis niya ang kamay ko sa braso niya at lumakad papalayo.!!

"Junmyeon! You cant do this to me!!! Junmyeon!!!"

Tinatawag ko siya pero patuloy pa din siya sa paglalakad. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dun sa pagsigaw ko pero wala akong pakealam. Hinabol ko siya at hinarap nang maabutan ko siya.

"Junmyeon wag mo ko iwan please nagmamakaawa ako. Maawa ka naman sa akin."

"Im doing this for you."

"Doing this for me? Sinasaktan mo ako.!"

Please Junmyeon!! Wag mong gawin sakin to. Mahal na mahal kita!

Hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"I am really sorry Shei...... But I am choosing my dream over you."

Umalis na siya sa harapan ko at lumakad papalayo. Naiwan akong nakatulala doon at luhaan.

Pagkatapos nun ay gumuho ang mundo ko. Oo, inlove na inlove ako sa kanya sa loob ng 7years. Mabait siya, gwapo, matalino, gentleman lahat na! Perfect boyfriend na siya.

Ngunit mas mahal ko pala siya kaysa sa pagmamahal niya sa akin. Nagawa niya akong iwan para lang sa kasikatan! Masakit para sa akin pagkat kasama niya ako sa pag-abot nun.

Nung mga oras na nawawalan na siya ng pag-asa para magdebut ako ang ngpapabangon sa kanya at hindi ko siya iniwan.

Naalala ko pa nung sobrang lungkot niya ng nagdebut na ang iba pang kasama niyang trainees pero siya hindi pa. Puno sya ng insecurities nun ngunit ako ang nagbibigay sa kanya ng lakas para magpatuloy. Pangarap niyang maging singer. Nagtraining siya sa loob ng mahabang panahon at kasama niya ako doon. At sa wakas after 7years ay magdedebut na siya.

Naalala ko pa ang saya saya niya nun na tinawagan niya pa ako sa gitna ng training para ibalita sa akin iyon. Masayang masaya ako para sa kanya. Pero bakit nahantong sa ganito? Hindi ako makapaniwalang lahat ng mga pangako niyang hindi niya ako iiwan ay napako.

Ngayon ay kinamumuhian ko siya! Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya o pangalan ng grupo niya ay kumukulo ang dugo ko.!!! Para sa akin ngayon ay sya ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa!!

Lahat ng mga masasayang memories namin ay napalitan ng pagkamuhi. Hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa niya sa akin dahil kahit saan ako magpunta ay lagi ko siyang makikita o makarinig ng balita tungkol sa kanya. At marinig ko lang ang tungkol sa kanya ay babalik na sa aking alaala ang sinabi niya sa akin nung gabing yun.

Ngayon ay masayang masaya siya. Naiinis ako sa pagmumukha niya.

Kung makangiti siya ay para siyang anghel ngunit akala lang nila yon! Dahil para sa akin lahi siya ni satanas leche siya!!  Nabulag siya sa kasikatang natatamo niya.

Inaamin kong sikat na sikat na siya ngayon, dinudumog at pinapangarap ng karamihan.

Oo, kilala niyo siya. Siya si Kim Junmyeon o mas kilalang Suho ng KpopGroup na EXO. Siya ang Ex- boyfriend ko.

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon