24. Please don't go!

604 13 0
                                    

SU SHEI P.O.V.

Andito na ako ngayon sa pagdarausan namin ng meeting. Akala ko managers lang andito. Nandito din pala ang board of directors mas lalo akong kinakabahan. Kasabay nang di ako mapakali dahil kinakabahan ako sa pagmemeetingan namin ay hindi rin mawala sa isipan ko ang nagawang pag iwas sakin ni Suho kanina. Alam kong may problema ngunit bakit ganun siya?

"We need to end your contract as EXO's manager Ms. Su. Im sorry!" Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ang pangalan ko.

What? Tama ba narinig ko? Im fired? Hindi ko namalayan na pinag uusapan pala nila ang tungkol samin dalawa ni Suho. Galit na galit sila dahil sa issue namin ni Suho. Kaya ba hindi ako pinansin ni Suho kanina?

Pagkatapos ng ilang pagtatalo ay napag desisyunan ng karamihan na ipatanggal nga ako sa trabaho.

"It is not good to see an idol dating his manager. So we need to let you out." Sabi nung iba pang manager na andun. Tumingin ako kay Mr. Kang. Kay Mr. Jang at sa iba pang exo managers malungkot lang silang nakatingin sakin na para bang wala sila magawa kundi ang kaawaan ako.

"Pero... mag walang galang lang po. 3 years pa po yung kontrata ko dito. Hindi niyo po ako pwede paalisin." Tumayo ako at sinabi iyon.

"Thats why we're terminating it." Sabi nung isang member ng board of directors.

"Pero... sonsaengnim! You cant just fire me." Sabi ko

"And why? Do you know how slut you are? Dating your artist when infact you should be the one who is guiding them? You're just a big embarrassment in our company and you're ruining Suho's image. You're destroying his dream." Doon ako napatahimik. OUCH! Me slut? Ang kapal naman ng mukha nilang sabihin sakin yun.

Destroying his dream?

Am i really destroying his dream? But Junmyeon is my dream too. Ano ba ang dapat kong gawin? Gusto ko siya makasama. Bakit ba ganun sila? Hindi ba pwedeng maging masaya kaming dalawa ni Suho habang inaabot niya mga pangarap niya?

"Or let me give you an option." Pagsalita nung CEO.

"If you will resign...... you can date Suho freely as you want." Sabi ni CEO Kim na siyang nagpaliwanag at nagbigay ng pag-asa sakin.

------

Nagdesisyon akong magresign dahil sa sinabi ng CEO na malaya daw kami ni Suho na makipagdate. Doon ko napagtanto na mabait din naman pala iyong CEO. Magandang pakiusapan.

Masaya ako sa desisyon ko. Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho. Ang mahalaga makakasama ko na si Suho.

Pagkatapos ng meeting na iyon ay nagmamadali akong pumunta kay Suho ngunit hindi ko na sila naabutan at pumunta na sila sa schedules nila.

Gabi na nang nakauwi na ako samin pagkatapos ko tinapos ang mga papeles na kinakailangan para materminate ang contract ko nang may tumawag. Napatalon ako nang makita ko sa screen 'EXO K SUHO calling...' kanina ko pa kasi siya kinokontak pero out of line siya.

"Hello?" Sabi ko.

[Shei.. mag usap tayo may sasabihin ako sayo. Nandito ako sa harap ng bahay niyo.] Sabi niya sa mahinang boses

"Ha?? Sige sige papunta na may sasabihin din ako sayo." Sabi ko sabay inend na ang call.

Buti nalang at tulog na si Mama. 11:25 na rin ng gabi.

Paglabas ko ng gate ay hinila agad ako ni Suho sa isang park.

--------

Nakaupo kami sa swing na dalawa.

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon