"Ah Manong? Sigurado ba kayo na dito yun?"
Andito na ako sa building na sinasabing pagtatrabahuan ko. Ngunit nagulat ako kung sang building ako inihatid ng taxi driver. Hindi maaari! Nagkamali lang si manong driver.
"Opo miss, yan po yung building na nakasulat dyan sa address mo." Sabay turo dun sa hawak kong phone na nakalahad ang text ni Prof. Kim tungkol sa address.
Tiningnan ko ulit.
*********-Dong, SM Building
WHAT THE!!! SM BUILDING?? BUILDING? Hindi SM MALL? Bakit ngayon lang nagsink in sa akin na wala nga pala SM MALL sa Korea nasa Pinas pala ay boba! SM ENTERTAINMENT PALA AKO MAGTATRABAHO noooooo
Kung nagtataka kayo kung bakit ang O.A. ko magreact alam niyo na yun. Ito ang company ng hayop kong ex argghhh i dont even want to think his ugly face in my mind!! EVEN TO UTTER HIS DIRTY NAME. Ang bitter ko noh? Well basahin niyo ang Prologue para malaman niyo kung ano ang ginawa niya sakin. Wait nakamove on na ako noh. Galit nlang ang nararamdaman ko ngayon.
BACK OUT!!
"Mworago?? Anong sinabi mo?"
Natigilan si Lexy sa pagsip sa kanyang chocolate coffee.
Gulat na gulat si siya sa sinabi ko sa kanya. Magkasing gulat kaming dalawa.
Bwinisita ko siya dito sa agency kung saan siya ay isang trainee. Ahh di ko pa pala nabanggit sa inyo na si Lexy ay trainee sa Cube Entertainment 1 month palang siya dito. Nadiskubre siya sa isang talent competition sa mall. Magaling kasi siya sumayaw. At ito nga nilabas niya ako sa practice room nila at nagcoffee muna para ibalita ko sa kanya ang pagtatrabahuan ko.
"Wait wait!! Paano nangyari yun? Teka sinadya ba ni Prof Kim na doon ka ipasok?."
dagdag niya.
"Hindi ko alam okay!! Basta ang dapat ko gawin ngayon ay maghanap ng ibang mapapasukan!" Problemadong problemado na ako. Nag expect pa nmn si Mama na may work na ako para matulungan ko na rin siya sa gastusin. Ang tanging pinagkikitaan lang kasi ni Mama ay ang pagbebenta ng Sushi. May Sushi Bar Shop kami ngunit hindi naman ito ganoon ka patok.
"Gaga!! Bakit ka pa maghahanap eh andyan na ang grasya!" sabi ni Lexy
"Grasya? Disgrasya kamo. My God paano kung magkita kami doon? Ano ang mangyayari?" Iniisip ko pa lang pag magkita kami feeling ko makakapatay ako ng tao.
"Hello. Long time no see. Ganyan lang. Anu ka ba." At inact pa talaga niya sa harapan ko ang dapat maging reaction ko.
"Hello ka din! Loka loka! No way!" sabi ko
"O.A. ka rin ano. Hindi naman ibig sabihin na pag doon ka nagtatrabaho eh magkikita kayo. Malaki ang SM Building and maraming branch. So baka hindi diyan nakadestino ang EXO noh." paliwanag niya.
May point siya.
"Sabagay!! Sang building ba andun ang EXO? " Tanong ko.
"Malay ko. Ahh tanungin natin si Fai. Alam niya yun. Wait text ko."
Tinext ni Lexy si Fai. Fan si Fai so dapat alam niya yun.
"Aahh sa ****** daw andun sila ngayon."
lumiwanag ang mukha ko.
"Talaga? Kung ganoon hindi kami magkikita? Sure ka? Gaga pano kung pupunta sila doon sa building na pinagtrabahuan ko? Ayoko Lexy. Ayoko talaga."
pagpupumilit ko. Ayoko talaga siyang makita promise.
"Alam mo sa ginagawa mo na yan feeling ko may feelings ka pa din sa kanya." dagdag ni Lexy.
"hoy excuse me..GALIT. Yun ang aking feelings para sa kanya." naiinis talaga ako sa kanya T.T hindi ko alam pero nakakainis talaga siya.
"Alam mo kung gusto mo mamuhay ng tahimik dapat wag ka ng magalit sa kanya. Nakamove on ka na diba sabi mo? Edi be happy na for him, for you, for me and for everyone. Enjoy life. Oh mag Goya ka muna."
Loka loka to binigyan talaga ako ng Goya.
"Sis.. set that anger in ur heart free na. Ipakita mo sa kanya na hindi ka na apektado!" dagdag pa niya aba kung makapg advice parang may pinanghuhugutan.
"So ano gusto mo gawin ko?"
sabi ko sabay kagat sa goya na binigay niya.
"Face your fear. Kung magkita kayo mag Hi ka. I congratulate mo siya nang marealize niya na hindi siya kawalan smile girl!"
Oo nga..Hindi na ako apektado noh. Bahala siya. Pero wait ako icongratulate siya? No way!
"OMG sis. Tama ka!! Kung magkita man kami bahala siya.!! Hindi ko siya papansinin. Hindi ko kaya magHi sis baka mahigh kick ko lng siya. Dededmahin ko nalng siya siguro. Hindi pwede masira ang future ko dahil lang sa kanya noh. If he is successful I am also successful more successful!"
pagyayabang ko
"Thats my sis nakalimutan mo na ba? we are the ohorat sistars so everthing will be alright!"
tapos naghi 5 kami.
"Oh pano balik na ako sa loob ah. Tawag o text ka nalng sa barkada pag may prob."
Sabay tayo at nagpaalam na.
"Okay sistar!! salamat talaga i super love you!!"
"Haha labyu too sige alis na ako. Baboo.!" lumayo na siya pero humarap ulit sa akin sa malayo.
"GoodLuck!!!" sigaw niya
Baliw!. Parang sasabak ako sa giyera nito ah. xD
Mabuti nalang at nagpunta ako ky Lexy. Tumpak siya.. Kung magkikita kami alam na ng paa ko ang misyon niya jokes di naman ako ganyan kabrutal. Bahala na.
------------
Hello po. pafollow po sa IG at twitter phannah143 thanks
X.O.X.O.
Hannah ♡
BINABASA MO ANG
My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)
FanfictionSuho, the leader of the famous Kpop group EXO-K dated a girl named Su Shei for almost 7 years yet due to his debut as part of EXO he broke up with her. Shei hates him so much throughout her life and wishes not to see him anymore. But one day, Su Sh...