WAI FAI P.O.V.
"Miss halika samahan mo naman ako dito." Pagtawag sa akin nung lalaki na sinervan ko ng bote ng beer.
"Sorry po pero kung gusto niyo po tatawagin ko nalang po yung ibang girls dito. Di ko po kasi trabaho iyan." Pagsabi ko doon sa lalaki. Excuse me lang di ako bayarang babae noh! Taga serve lang ako dito!
"Pero ikaw ang gusto ko. Wag ka na kasi pahard to get!" pagpupumilit sa akin nung lalaki sabay tumayo siya at hinila ako at pinaupo sa tabi niya.
"Ayoko nga sabi sir!hindi ako kagaya ng iniisip ninyo sir!" Sabi ko at nagpupumiglas na tumayo ngunit hinawakan niya ang dalawang kamay ko at kinukulong ako.
"Pumayag ka na kasi malaki naman ang ibabayad ko sayo eh." Aba leche akala niya talaga mabibili niya ako ah bago ko po naisipang kagatin ang kamay nung lalaki, iyun kasi ang ginagawa ko pag may humahawak sakin ay nagulat nalang ako nang bigla ako hinila ng isang lalaking nakacap at nakashades na nakasuut ng black polo long sleeves.
"Bitawan mo nga siya! Fai! Halika ka na!" Paghila nung lalaki sa kamay ko palayo dun sa manyak na lalaking nambastos sa akin.
"S-sino ka?" Aba sino na naman ba to? Ganyan ba ako kaganda at pinag-aagawan ako ng mga lalaki myghaaad pero sorry sila hindi ako nabibili noh!
"Basta sumama ka sakin!" Bago pa ako nakapagreact ay hinatak na ako nung lalaki palabas ng bar.
LU HAN P.O.V.
"Ito na po ang cocktail drink niyo sir." Sinabi sa akin ng bartender sabay buhos sa baso ko ng inorder ko.
"Thanks." Sabi ko naman sa kanya.
"Iyang si Fai? Naku desenteng babae po iyan sir hindi iyan katulad ng mga ibang babae dito." Sinabi sa akin ng bartender.
"Ha? Paano maging desente kung in the first place she is working here? This place is not a decent place for a girl to work for." Sabi ko naman.
Kung kayo ay nagtataka kung ano ang aking ginagawa dito ay actually hindi ko rin talaga alam. Ewan ko ba pero pagkatapos ng araw na iyon hindi na mawala sa isip ko ang sasaeng na yun. Nacucurious ako sa kanya. Parang naging interesado na ako sa kanya? Pero oy oy wag kayo assuming hindi ko siya type noh! Curious lang talaga ako sa kanya aaahhhhhh!! Ewan ko ba basta yun na iyon. Dahil hindi ako makatulog tuwing gabi kakaisip sa kanya na hindi ko malaman kung bakit. Pasimple ko tinanong si Manager Shei kung saan ko siya pwede mahanap. Ang dinahilan ko ay para makapagsorry ako sa nasabi ko sa kanya oh ang talino ko diba. Pero hindi ako magsosoryy ha bakit naman ako magsosorry?!
Hindi ko alam na dito pala siya sa isang bar nagtatrabaho! Sabi ko na prostitute itong babaeng ito.
Para makasigurado ako kung anong klasing babae ba talaga siya tinanong ko itong bartender na umentertain sa akin. Mga positive things naman ang sinasabi nito tungkol sa kanya which I find weird kasi ano ba ang ginagawa ng isang babae sa isang bar malamang ... arghhh !!!
"Ito na po yung order niyo sir. Enjoy.!" Nakita ko si Fai na nagseserve sa isang lalaki na nakaupo sa table. Nakita ko kung paano ngumingiti si Fai doon sa lalaki ewan ko pero naiinis ako dahil siguro baka mabastos siya ng lalaki sa ginagawa niya. Pasimple ako sumusulyap kay Fai dahil baka makita niya ako. Nakita ko kung paano siya tinitingnan ng mga manyak na lalaki na ineentertain niya. Sa ikli ba naman ng damit niya imposible hindi siya mabastos. Bakit ba kasi dito siya nagtatrabaho bakit dito pa??
"Ahmm sir boypren ba kayo ni Fai? Hindi ba niya sinabi sa inyo ang tungkol sa trabaho niya?" Nagulat naman ako sa tanong ng bartender.
"Ha? Naku naku hindi ah!" >_<¦¦¦
BINABASA MO ANG
My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)
FanfictionSuho, the leader of the famous Kpop group EXO-K dated a girl named Su Shei for almost 7 years yet due to his debut as part of EXO he broke up with her. Shei hates him so much throughout her life and wishes not to see him anymore. But one day, Su Sh...