28. Starting over again

902 19 3
                                    

Nagising ako kinaumagahan. Nakahiga ako sa kama nakatagilid at minulat ang aking mga mata ng makakita ako ng magandang view. Isang anghel sa harapan ko. Hindi pa rin siya nagbabago. Ganoon pa din ang itsura niya matulog. Ang tangos ng ilong niya, ang kinis ng mukha niya ang red niyang nakangusong lips....

Pinagmamasdan ko siya habang tulog pa nang bigla niyang dahan dahan minulat ang mga mata niya at tumingin sakin. Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo nang hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti siya sabay sinabi ang mga katagang alam kong magpapalambot ulit ng aking puso.

"I love you Shei..." Nabalik ako sa aking tamang pag-iisip sabay dali daling bumangon. Napabangon din siya.

"Shei-"Paglapit niya ngunit tumayo ako at binalewala siya.

"Umaga na umalis ka na baka hinahanap ka na nila." Sabi ko at inayos ang aking sarili sabay lumabas na ng kwarto at tumungo sa kusina. Nakita ko naman si Junsu doon na nag aalmusal.

"Goodmorning Junnie.. ang halmeoni mo?" Sabi ko sabay hinawakan ang kanyang ulo.

"Goodmorning eomma. Pumunta na si Halmeoni sa Ramyun Shop." Sabi niya habang sinusubo ang kanyang egg sandwich.

"Ahh ganun ba ang aga niya naman." Sabi ko at umupo na din kasama niya.

"Goodmorning Appa!" Nagulat ako nang binanggit ito ni Junsu. Hindi ko alam pero nakakahiya yung nangyari kanina.

"Aalis na ako." Sabi niya in a cold tone.

"Aalis ka na appa? Di mo ba ako ihahatid sa school?" Tanong ni Junsu. Hindi ako lumingon kay Suho at patuloy padin ako sa pagkain.

"Sorry Junsu, may trabaho pa kasi ang papa mo. Pero hayaan mo pagkatapos ng schedule ko ako ang susundo sayo school yun ay kung ok lang sa mama mo."

Lumapit si Suho kay Junsu at ginulo ang buhok nito.

Tumingin naman si Junsu sakin.

"Eomma?" Pagtawag ni Junsu sakin.

"O-oo naman." Tipid kong sabi.

"Ayan appa pumayag na si eomma! Hihintayin kita." Ngiting ngiti namang sabi ni Junsu. Aba mas gusto niya ata makasama ang papa niya kaysa sa akin ha!

"Sige. Junsu magpakabait ka ah? Alis na ako." Sabi ni Suho at umalis na nang hindi nagpaalam sakin well who cares!

------------------

Gabi na nang umuwi ako samin galing sa shop. Sinundo na rin naman si Junsu ni Suho sa school.

Pagkadating ko sa bahay ay nadatnan ko ang maraming laruan na nakakalat sa sala namin. Uminit ang dugo ko.

"Anoo tooo?? Junsuuu yaaaah! Diba sabi ko-" Sigaw ko nang makita ko si Junsu at Suho na may pinanood sa ipad.

"Oh ang gwapo ni papa dyan diba?" Sabi ni Suho habang tinuturo ang screen ng ipad. May pinanood ata silang video ng EXO.

"Appa di naman ikaw yung pinakagwapo sa kanila eh!" Sabi naman ni Junsu dahilan para mapatawa ako.

"Anong hindi? Tingnan mo nga oh galing ko pa nga sumayaw oh." Pagyabang ni Suho.

"Appa naman eh! Ito kaya yung magaling sumayaw sa inyo." Sabi ni Junsu sabay turo sa screen.

"Yah Junsu-ya! Akala ko ba love mo si Papa bakit iba yung pinapansin mo?" Natawa ako sa ginagawa nila. Nakiupo ako sa sofa at nakisali.

"Totoo yan Junsu agree ako. Di naman talaga magaling sumayaw itong papa mo." Sabi ko at natatawa. Naglare naman si Suho sakin.

"Sige sabihin nalang natin na hindi nga ako magaling sumayaw. Pero Junsu alam mo bang nainlove ang mama mo sakin dahil sa malaanghel kong boses?" Sabi naman ni Suho.

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon