8. SUHO = Protector

1.1K 21 0
                                    

Leshe umagang umaga pa lang ay nakita ko na ang mukha niya!! Yung mukha niya ang unang bumungad sa opisina ni Manager Jang! May pagmemeetingan ata ang EXO para sa comeback nila.

Ay mali may mask pala siya sa bibig kaya di klaro ang mukha niya. Ano to may nakakahawang sakit ba siya? Nakita kong may binabasa siyang isang papel.

"Goodmorning po Manager Jang.Goodmorning Suho." And i gave my sweetest smile na siyang nagpabigla sa kanya. Tiningnan niya lang ako at bumalik lang sa ginagawa niya.

ABA DINEDMA AKO?

"Goodmorning Shei."  pagbati sakin ni Kai pagpasok niya.

"Goodmorning Kai." sabi ko

"Goodmorning Noona." pagbati din ni Sehun na pumasok sumunod kay Kai.

"Goodmorning din Sehun." sabi ko

Sumunod na din sina Yeol, D.O. at Baek.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?" biglang pagtanong ni Kai na nagpalingon kay Junmyeon sa akin.

"May isa kasi na hindi nakatulog ng mahimbing kagabi!" sabi naman ni Sehun.

"Nakatulog naman ako ng mahimbing salamat sa paghatid Kai ah." pagkasabi ko nito ay si Junmyeon ang tiningnan ko sa inaasar na tono atsaka ngumiti ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Wala yun. " sabi ni Kai

"Kung ikaw kaya sinampal ng pagkalakas lakas makakatulog ka kaya?" biglang pagsalita ni Junmyeon na ngayon ay nagbabasa na nung binasa niya.

HALA Oo nga pala nasampal ko siya eh kasi naman

"Ikaw kaya binastos di mo kaya masasampal?" sabi ko na nagpalingon sa lahat sa akin.

Tiningnan niya lang ako na naka eks ang kilay.

"Ahhh ehemmphh magsimula na tayo" pagbasag ni Manager Jang sa namumuo na namang tensyon naming dalawa.

Nagmeeting lang sila para sa comeback at sinabi na rin sa kanila na padating na ang EXO M sa korea. Pinakilala yung choreographers nila, producers at iba pa.

Nung natapos ang meeting ay naiwan ako sa office dahil inasikaso ko ang legal papers para sa album nila.

"Oo padating na daw sila!" sabi ko sa kabilang linya.

Aba kausap ko lang naman si Fai. Bigla siya tumawag nung meeting kaya sabi ko pagkatapos na ng meeting. Hay jusko ang hyper ayaw ako tatantanan gusto daw niya sumama sakin dito.

"Hindi nga pwede ang kulit. Bawal ang fan!"

Gusto niya talaga makita si Luhan yung asawa niya. Hay ang adik talaga nito ni hindi pa nga naging sila kasal agad? Kaloka.

"Oo na!! Itetext kita. Sige babye." pagbaba ko sa phone. Pumayag nalang ako ang kulit ee. As if isasama ko talaga siya noh! Ang ingay pa naman nun baka maheart attack yun pag makita si Luhan. xD

Palabas na sana ako nang nakita ko andoon pala si Junmyeon sa pinto nakatingin sa akin nagulat tuloy ako.

"hay jusko akala ko multo. Bakit ka ba nangugulat?" sabi ko.

"Ang gwapo ko namang multo." sabi niya. Aba confident.

"Oh bakit ka pa andito?" tanong ko.

"May atraso ka sakin." sabi niya sabay lumalapit sa akin. Napansin kong hindi na siya nakamask at OMG napansin ko ang kulay violet niyang pisngi!!

Tapos naalala ko yung tungkol doon sa sampal. Ay syet! Kaya pala siya nakamask. Malakas ba talaga yung pagkasampal ko????

Ngayon ay papalapit at papalapit siya sa akin at napapaatras ako hanggang sa napasandal na ako sa table.

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon