11. Pulang Rosas

986 23 2
                                    

Nagulat ako sa sinabi ni Suho sa akin. Pagkatapos nun ay hindi na niya ako pinapansin buong araw. Tumitingin ako sa kanya pero siya iniiwasan niya ako ng tingin.Bahala siya sa buhay niya!

Pagod at stressed akong umuwi ng bahay gawa na din ng busy schedule ng EXO buong araw.

"Andito na po ako."

"Shei!!! Ohmyghaaad I miss you!" pagyakap sa akin ni Fai.

Pagdating ko sa bahay bumungad sa akin ang ohorat sisters sa living room namin.

"Oh Shei bakit haggard ka?" tanong ni Lexy sa akin.

"Ganun ba kahirap ang maging manager ng EXO Shei?" tanong ni Heyt.

"Uyy sshh... baka marinig ni Tita." sabi ni Song

"Sheiiiii!! Bakit di mo ko sinasama gusto ko makita si Luhan!!!! naman ehhh " pagwawild ni Fai.

"Fai ang ingay mo." sabi ni Chae na nagbabasa ng ebook sa phone niya. Napatigil si Fai sa pagwild.

"Si Chae talaga KJ. hmp. Eh Shei yung mga pictures ni Luhan na nakahubad, natutulog, naliligo and all oh myghaaad yung mga sinasabi ko sayooo!" sabi ni Fai.

"Bakit naman makikita ni Shei si Luhan na nakahubad at naliligo? Akala ko ba manager siya? May banyo access na pala ngayon ang mga manager? " pagtataray ni Chae.

"Pwede ba Chae wag ka nga epal.! syempre minsan nakatopless si Luhan ko pag pinagpapawisan ganuun tsaka malay mo naman aksidentally makikita niya waaa oh myghaad." Ang ingay ni Fai

Sa totoo lang bad mood talaga ako ngayon wala akong gustong gawin kundi ang matulog na. Bakit nga ba kumpleto silang lahat ngayon dito? At napansin ko ang mga nakahandang pangmeryenda sa mesa.

"Teka sandali anung meron? Bakit andito kayong lahat?" tanong ko.

"Omyghaad Shei nakalimutan mo bang 7th anniversary natin ngayon?" sabi ni Heyt

Ay boom oo nga ngayung araw nato nabuu ang barkada namin.

"Naku guys mukha atang masama ang pakiramdam ni Shei." sabi ni Lexy.

"Okay ka lang ba Shei?" Tanong ni Song

"Pasensya na talaga kayo ah. Pagod lang kasi talaga ako sa trabaho eh. Magbibihis lang muna ako ah." sabi ko at iniwan na sila at pumasok na sa kwarto ko.

Napahiga ako sa kama at napagbuntong hininga sabay hinawakan ang aking dibdib. Hindi ko alam pero pag mabait sa akin si Suho ay nasasaktan ako pero ang pag-iwas niya sa akin ng buong araw ay mas nakakapagpasikip sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Naalala ko ang mga nasabi ko sa kanya kanina. Pinaalala ko sa kanya ang ginawa niya sa akin. Nagalit sya dahil dun pero sabi din naman niya na gusto niya lang maging magkaibigan kami. Naguguluhan ako! Sa sarili ko, sa kanya at sa aking nararamdaman.

Bumangon na ako at kumuha na ng damit pampalit sa cabinet ko nang nahulog ang isang box at tumilapon ang mga laman nun. Mga cute hairbands, teddy bears, tshirt na may nakalagay na Myoonie Ko at isang red rose na nakaipit sa isang libro na lanta na.

Pinulot ko ang mga ito at ibinalik sa kahon. Nang pinulot ko ang lanta na pulang rosas kasama ang nakabukas na libro ay napangiti ako.

May bigla akong naalala.

"Flashback!"

Andito ako ngayon sa library at may hinahanap akong libro para sa aming thesis sa Filipino. Habang naghahanap ako ay nakita kong muli yung lalaking nakita ko sa music room na may hinahanap ding libro. Ang gwapo niya talaga. Pasimple akong kumuha ng libro at binabasa iyon kunyari at sumisilip ng tingin sa kanya. Nang nakita na niya ang hinahanap niyang libro ay lumakad na siya paalis at sinundan ko siya. Umupo siya sa isang bakanteng upuan doon. Umupo ako sa kabilang upuan sa magkaparehong table sabay binabasa kunyari ang librong hindi ko alam ang pamagat at pasimple siyang tinitingnan.

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon