"Anooooo ang sinabi mo??" gulat na gulat si Fai sa kinwento ko sa kanila.
"So do you mean you're the new manager of EXO? omygee!! Shei!! how lucky!" sabi niya hyper na hyper!
"Lucky para sayo? Pero para kay Shei badluck!" commento naman ni Heyt.
"Omygee Shei, anu naman ang nangyari sa pagkikita niyo?" Tanong naman ni Song
"Ano pa edi tinadyakan ni Shei yung hayop na yun diba?"
comento naman ni Heyt
"May hayop ba na ganun kagwapo? Mag-aalaga nalang pala ako ng hayop kung ganoon." sambat ni Song
"Tumigil nga kayo sigurado ako na hindi ganun ang ginawa ni Shei noh ang gwapo na kaya ni Junmyeon ngayon diba Shei? Ano mas lalo siya gumwapo diba? inlove ka ulit noh? Shei ikaw ang pag-asa ko
ky Luhan my gosh!"
sambit naman ni Fai.
"Oh my God. Naalala ko pa dati kung paano mo binuhos ang lahat para lang makausap si Junmyeon tapos ngayon nahire ka as their manager. Tadhana nga naman. Kung saan hindi ka na naghahabol siya pa ang kusang lumalapit." pagsabi ni Heyt
"hep hep hep! Alam niyo si Shei. Nakamove on na! Hindi na siya affected!!" sabi naman ni Lexy
"Alam niyo ang EX para yang history..Di na pwedeng balikan." sambit naman ni Chae habang nagbabasa ng history book.
Ang ingay nila graveh di ako makapag isip ng magandang rason para makapagresign bukas na bukas din! Andito sila ulit ngayon sa bahay namin gulat na gulat sila nang kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina.
"Eh ano ang sinabi mo ng nagkita kayo?" nagsalita si Kayne habang tutok sa kanyang phone at nagsoundtrip.
natahimik ang lahat at hinihintay ang sagot ko.
Kanina pa ako tahimik dahil busy ako kakaisip ng paraan paano para makalipat ng work habang nagkakagulo ang mga ohorat sisters pagkatapos ko ikinuwento ang bad news sa kanila kaya hindi ko pa nakuwento sa kanila ang nangyari pagkatapos naming magkatitigan kanina lamang.
Sinabi ko? Ano nga ba yung sinabi ko sa kanya?
Ngayon ko pa naalala ulit ang nangyari pagkatapos ng nakakatunaw na titig niya sa akin.
Feeeckk ngayon ko lang napagtanto. BAKIT KO BA TINANONG IYON SA KANYA? At ano ang ibig niyang sabihin sa sinagot niya sa akin?
*Flashback*
"Manager?" tanong ng lalaking nasa harapan ko habang nakatitig pa rin sa akin.
Ako ay nakayuko at di malaman ang gagawin. Iniisip ko na sana ay mawala na lang ako bigla sa lugar na iyon na parang bula pagkat di ko na kaya pa ang manatili doon. Ngunit paano ako makakawala doon kung kulong na kulong ako sa mga titig niya!
Sa di malamang kadahilanan ay iniangat ko ang ulo ko nagsmile ako sa kanya at sinabing...
"Kumusta?"
Nagulat siya sa bati ko at nagdadalawang isip sa isasagot niya.
"Oh halina kayo sa loob. Sumunod ka na rin Miss Su Okay?" Pumasok na si Manager Jang doon sa loob ng practice room habang naiwan kaming dalawa doon nanatili pa rin sa position namin.
Ako na nakafake smile pagkatapos siyang kamustahin at siya naman ay nakatitig pa rin sa aking mga mata na puno ng pagtataka ang reaksyon ng kanyang mukha.
Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsalita na rin siya, pero nagulat ako sa sinabi niya.
"Ito......okay na sana, kaso....... nakita ulit kita.." marahan niyang sabi habang nakatingin pa rin sa aking mga mata ngunit napalitan na ang kanyang mukha na may pananabik.
Naramdaman kong punong puno ng emosyon ang mukha niya at sa mga titig niya ay naramdaman ko ang sinseridad ng mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sapagkat di ko rin maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig. Ok na sana siya? kaso nakita niya ulit ako? So ang ibig sabihin ay nasira ko ang araw niya? YUN BA YUN???? ABA!!
"Hyung! Halika ka na!" may biglang umepal sa momentum namin. Dahil dun ay lumipat ang tingin ni Junmyeon sa lalaking tumawag sa kanya.
"Ha? ah oo nariyan na." sagot niya sa lalaki.
"Ano ba ang pinag-uuthapan niyo diyan ha. Noona? Tinatawag ka na din ni Manager Jang eh." dagdag pa niya.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang isang gwapong lalaking.matangkad. Si Sehun.
"Ahh oo. nariyan na.!"
pagkatapos ay pumasok na siya pabalik. Sumunod na din ako sa kanya at pumasok na sa loob ng dance practice room. Kilala nila akong lahat! Oo alam nila ang tungkol sa nakaraan namin ni Suho ngunit maliban sa EXO M.
Pagkapasok ko ay sumunod na din si Junmyeon at nakiupo na din sa benches kung saan umupo ang lima pang mga nagagwapuhang mga lalaki.
*End of flashback*
"pagkatapos?" tanong ni Lexy
"pagkatapos nun ay ipinakilala lang ako tas yun na yun umalis na ako at the end!"
sabi ko.
"Pero ano ang ibig niya sabihin sa sinabi niya?" tanong ni Song
"Duh!! edi ang ibig sabihin nun hindi siya masaya na nakita niya ulit si Shei. pishh." galit na sabi ni Heyt.
"Nooo!! Ang ibig niyang ipahiwatig ay ganito. Nakamove on na sana siya kaso nakita ka niya ulit kaya bumalik ulit sa kanya yung sakit. Ganun yun!" pagpupumilit ni Fai.
"Aba eh sino ba ang nang iwan diba siya? Sa tingin ko natatakot siya na masira ang career niya dahil kay Shei." sabi naman ni Lexy.
"Excuse me hindi naman ganun ang pagkakakilala natin sa kanya ah! Mabait siya!" sagot ni Fai.
"At mahal ni Kuya Junmyeon si Shei." dagdag naman ni Song
"Mahal niya? eh bat niya iniwan?" dagdag ni Heyt
"hay ang ingay niyo! Namimiss ka niya. Kasi ang love like history, though you are already living in the present you can still never forget because it has been already recorded in your heart." sagot naman ni Chae nakatutok pa rin sa isang history book. Taray nito ah may pinanghuhugutan talaga ito.
"Nooooo!! Hindi ka niya namimiss ayaw ka niyang makita!" pagoppose ni Heyt.
"Hindi nga!! Nasasabik siyang makita si Shei!" sigaw ni Fai
"Hindi siya nasasabik! Natatakot siyang masira ang career niya!" pagdepensa ni Lexy
"Thats not it. Kuya Junmyeon is not like that I know him.!" pagtatanggol ni Song
"PWEDE BA TUMAHIMIK NA NGA KAYO!!.Namiss o hindi wala ako pakealam!! Hindi na ako babalik dun TAPOS!" Grabeh nag-aaway sila dahil lng sa sinabi ni Junmyeon sa akin. My goodness!!
Natahimik sila at nagbulong bulungan pa din. Jusko.
"wag kang umalis, mahal ka pa din niya." biglang pagsalita ni Kayne habang nakatutok sa phone at nakaheadset pa din.
Natahimik ang lahat.
Ano ba itong si Kayne sa tuwing nagsasalita sya napapatahimik niya ang lahat. At sa bawat salitang binabanggit niya hindi mo matukoy kung may sense ba o wala dahil kung titingnan mo siya parang out of this world siya.
Ahh basta bahala na sila!
hindi na ako babalik dun!
-------------
follow me on twitter and IG
----> phannah143
X.O.X.O.
Hannah♡
BINABASA MO ANG
My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)
FanfictionSuho, the leader of the famous Kpop group EXO-K dated a girl named Su Shei for almost 7 years yet due to his debut as part of EXO he broke up with her. Shei hates him so much throughout her life and wishes not to see him anymore. But one day, Su Sh...