26. When eyes met.

716 18 0
                                    

5 years later....

SU SHEI P.O.V.

"Ms. Su isang order pa nga ng ramen." Pagtawag sa akin ng isa naming suking customer.

"Yes sir. Coming!" Dahan dahan kong hinahanda ang ramen na inorder niya.

"Ito na po sir!" Sabi ko dun sa suki namin na customer.

"Grabeh nakakaadik talaga itong ramen niyo Shei! Katulad mo nakakaadik!" Bola naman niya.

"Naku Darren ha! Ako ay tigil tigilan mo kahit anong gawin mo ay ang korny mo pa rin." Sabi ko naman sa kanya. Oo si Darren ang isa sa mga suki kong customer dito sa Ramyun Sushi Bar Shop na itinayo namin ng Ohorat sisters apat na taon na. Actually ito yung Sushi Bar Shop ni mama nilagyan lang namin ng Ramyun xD

Sa Pilipinas ko ipinanganak ang baby ko. Doon muna ako tumira kina Papa. Tinanggap naman ako at ang baby ko ng lubos ng pamilya ni Papa sa Pilipinas. Pagka one year old ni Junsu ay bumalik kami dito sa Korea at naisipan na dito na manirahan kasama ni Mama.

Masaya na ako ngayon sa buhay ko. Nakamove on na ako at nakalimutan ko na ang bigo kong pag-ibig. Kontento na ako sa presensya ng mga pamilya at kaibigan na nagmamahal sa akin lalo na ang pagdating ni Junsu sa buhay ko. Mas lalo aking nagmature at naging matatag para buhayin ang anak ko ng mag-isa.

Masaya din naman ako dahil andyan lang palagi ang Ohorat sisters sa tabi ko.

"Assuuss nagpaparamdam na naman yan!" Pagtutukso ni Heyt.

"Sagutin mo na kasi." Pagdagdag ni Chae.

"Sa pag-ibig kahit minsan nasa harapan mo na hindi mo pa rin siya nakikita." Pagsalita naman ni Kayne.

"Wow Kayne! Quotes yun ah hahaha!" Heyt.

"Woooh Thanks guys! Salamat sa pagsuporta." Sabi naman ni Darren.

3 years na ako nililigawan ni Darren. Ewan ko ba mabait siya, gwapo, mayaman at mahal niya ang anak ko pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya kahit anung gawin ko.

Minsan ko nga siya sinabihan na wag na akong ligawan dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at baka ako ang dahilan kung bakit hindi siya makapag-asawa. Kaso maghihintay daw siya. Kakabilib rin yung pasencia niya noh?

"Tumigil nga kayo dyan! Pinagtutulungan niyo ko eh." Sabi ko naman sa kanila.

Si Heyt, Kayne at Chae lang ang nakakasama ko lagi sa Shop habang yung iba ay nag-iinvest lang ng money dahil busy sa sariling trabaho. Si Lexy ngayon ay busy sa World Tour nila, Si Song naman ay nasa Paris para sa fashion show niya, siya na ngayon ay isang sikat na fashion designer and still traveling around the world.

Habang si Fai? Ayun nasa New York umattend ng Academy Awards. Pero hindi naman si Fai nanominate doon model yun di actress haha. Nandoon siya para suportahan ang love of her life na si Luhan. Madami ang nangyari sa loob ng limang taon. Nung taon ding yun kasabay sa pag-alis ni Kris ay ang pag-alis din ni Luhan sa EXO na siyang ikinagulat ng lahat maging kay Fai.

Umuwi si Luhan sa China nang di nagpaalam kay Fai. Lagi umiiyak si Fai nun dahil nasaktan siya. Galit na galit siya kay Luhan. Hindi na ito nagparamdam sa kanya. Tinry niyang kontakin si Xiumin na kaclose ni Luhan sa EXO para malaman kung ano na ang nangyari sa kanya.

Sinabi ni Xiumin na dahil daw sa health reasons ay umalis si Luhan at napagdesisyunang magsolo sa China. Binigay ni Xiumin ang address ni Luhan sa China.

Pumunta si Fai noon sa China para puntahan si Luhan sa address na ibinigay ni Xiumin. Kaso nang dumating na siya roon ay nakita niya kung gaano kasaya si Luhan. Ibang iba yung aura niya. Naramdaman ni Fai ang magmove on and i-let go si Luhan.

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon