3. The New Manager

1.1K 36 0
                                    

"So you are miss Su Shei?"

sabi ng isang babaeng naka eyeglass na hindi naman katandaan ang mukha mga nasa 40's pa siguro. Nakatali ang kanyang mejo wavy black hair at wagas makamake up. Red leps mga ateng. Sa tingin ko siya ang HR manager ng SM Entertainment. Pagkarating na pagkarating ko kasi ay dito na ako inihatid nung front desk kanina.

"So ikaw pala ang pinagyayabang ni Mr. Kim."

sabay tingin sa akin from head to toe.

Aba ano ito? beauty pageant! Bakit ganyan siya makatingin? Nakakainsulto naman.

Kung makalitis sa body ko eh wagas ah!

Well hindi naman ako ganoon kasexy. May konting curve lang ang aking katawan hindi rin naman ganun kataba at payat nababagay lang sa tangkad ko. Matangkad ako at maputi namana ko sa Mama ko. Ngunit hindi ako mukhang Koreana. Pilipina ang beauty ko namana ko sa papa ko kaya hindi ako chinita.

Hindi rin naman ako ganoon kaganda dahil dyosa ako haha joke lang po. Sinasabi ng mga tao na "Yeppeuda!" pretty daw ako. Siguro kasi maganda ang combination ng mama at papa ko. Pero ewan ko hindi naman ako nagagandahan sa sarili ko katamtaman lang haha humble ako eh xD De joke lang totoo yun.

Mahilig ako sa skirts at hairbands o kahit anung cute stuffs at yun nga ang suut suut ko ngayon. Nakapink bubble dress ako na above the knee at nakalugay ang aking shoulder length straight hair with yellow hairband habang naka white blazer. Naka pink dollshoes ako with 1 inch heel at nakablack sling bag.

Bale girly ako manamit.  Isa din ito sa namana ko sa mama ko.

Pero...

May problema ba sa suut ko?

"Ahmm Maam is there a problem?." sabi ko

"Oh sorry. I just didn't expect that you're young pala.

And most of all you're just too young for this position.  Wait are you a korean?"

pagsasabi niya habang binabasa ang aking resume.

"Ahmm. I am a half korean filipino maam." sagot ko.

"Oh i see so your father is a filipino. And you just graduated last week."

patuloy pa rin sa pagkilitis sa resume ko.

Mukha atang di ako matatanggap. Anubeyen!

"Maybe you're just too young but your credentials are great. Now I understand why gusto kang ipasok ni Mr. Kim dito."

Mukha ata malaimpluwensya si Prof. Kim dito ah. Siguro magbestfriend sila nung may-ari ng SME aba bigtime!

"But the problem is..."

tumingin ulit siya sa damit ko.

"may problema po ba sa suut ko?"

pagtatanong ko ulit.

"Ahmm I am just thinking ....."

nag isip siya ng malalim bago pinagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"never mind. Okay Miss Su Shei you're hired."

at tinabi na niya ang resume ko at inilahad ang kanyang kamay.

"Talaga po?. Thank you po. Thank you. Thank you. "

inabot ko ang kamay niya para magshake hands kami.  Ilang beses ako nagbow, ang sarap sa pakiramdam na natanggap ka noh.

"You may now start tomorrow. But before you'll start you will have your orientation today would that be okay with you?"

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon