14. Fight for Love

926 22 1
                                    

"T-talaga? Kung ganoon hindi siya natulog dito?" sabi ko.

"Hindi. Teka..... nagseselos ka ba?" sabi niya na nakangiti.

"Excuse me hindi noh as i said gulo kasi yan pag mahuli kayo." sabi ko. Hay thank you Lord kung ganoon ay virgin pa ang Junmyeon ko.

"Kaya nga wag ka muna umalis baka may sumunod na sasaeng fan tapos makita ka galing dito sige ka magkaissue pa. Gamutin mo nalang kasi ako." sabi niya

wow nice palusot sabagay may point siya.

Bumalik ako sa loob at umupo sa living room. Kinuha niya ang first aid kit at inilapag sa lamesa.

Binili niya ba talaga itong bahay para sakin? Pero bakit? Matagal na kaming wala ah. Napangiti tuloy ako.

"Pagkatapos kitang gamutin uuwi na ako ah." sabi ko.

"Pwede din dito ka matulog ngayong gabi." sabi niya.

"Ano?" sabi ko.

"Joke lang." sabi niya at umupo na sa tabi ko sa sofa.

"Alam mo ang gulo mo. Bakit ngayon mabait ka na naman sakin. Tapos minsan bitter naman. Ang gulo mo noh." sabi ko sa kanya at kumuha na ng cotton nilagyan ng betadine at inilagay iyon sa gilid ng labi niya na may pasa.

"Ano ba ang mas gusto mo ang maging mabait ako sayo o ang hindi ka pansinin?" sabi niya sa akin sa malalim na titig.

Napaisip ako ng konti sa tanong niya.

"Alam mo Shei. Namiss kita." sabi niya. Dugdug dugdug!! Naghaharumentado ang puso ko. Syet baka marinig niya!

"Wag mo nalang pala ako pansinin mas bet ko yun!" wag kang maging mabait baka sasabog ang puso ko.

Kumuha ako ng bandage at nilagay ito sa gilid ng labi niya.

"Pag hindi kita pinapansin namimiss kita. Pag mabait naman ako sayo... natatakot ako.... na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko..." sabi niya sa akin na nakatingin sa aking labi. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na ngayoy nilalagyan na ng betadine ang gilid ng mata niya.. Nagulat ako sa ginawa niya.

Napatigil ako at nakita ko ang mukha niyang papalapit ng papalapit sa mukha ko. Papalapit ito ng papalapit hanggang sa naglapat ang mga labi namin.

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko. Matagal nagsink-in sa akin ang nangyayari kaya nang marealize ko ang posisyon namin ay dali dali ko siyang tinulak gamit ang kamay ko ngunit pinigilan niya ako. Hinawakan niyang maigi ang mga kamay ko para di niya ako mabitawan at dinidiin pa din ang labi niya sa akin.

"Mmm-mmmm-jmmyn" pagsasalita ko at tinutulak siya pero dinidiin niya pa rin ang labi niya sa akin. Naramdaman ko ang pagalaw ng labi niya sa labi ko. Bumilis ang tibok ng aking puso at napapikit nalang ako. Napatianod ako sa ginagawa niya. Napaluha ako at nakulong sa halik niya.

Nanlambot ang mga kamay ko at ang pagkakawak ni Junmyeon dito hanggang sa tuluyan niya itong nabitawan. Naramdaman ko na rin ang sensasyon at pagnanais na tugunan ang halik niya. Hinalikan ko na din siya. Hanggang sa napahiga ako sa sofa na hindi pa din napuputol ang paglapat ng mga labi namin.

Naramdaman ko ang kamay niyang papunta sa loob ng aking damit at doon ako naalarma na hindi tama ang ginagawa namin. Mabilis ko siyang tinulak ng pagkalakas lakas. Sabay napabangon siya at ganun na din ako.

Pareho kaming naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang mga labi namin. Napahawak ako sa aking labi. Nagkatitigan kaming dalawa. Nagulat siya sa nangyari at ganun din ako.

"Shei-" pagsalita niya.

"Hindi tama to." pagputol ko sabay tayo at dali dali lumabas ng condo niya. Tumakbo ako hanggang sa elevator door. Hinawakan ko muli ang labi ko.

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon