27. The meet up.

831 18 0
                                    

SU SHEI P.O.V.

"Whaaaatt???! Nagkita kayo ni Suho? And worst nandoon pa si Junsu? Omamamay! What a coincidence." Sigaw ni Heyt.

"Shhh baka marinig ka nung bata." Tama nga ang nabasa niyo. Nagkita muli kami. Akalain niyo yun. Ngayon masasabi ko na talagang what a fate!

"Kwento mo muna ano ang nangyari sa pagkikita niyo? Sinabi mo ba sa kanya na may anak kayo?" Excited na tanong ni Heyt

Halerrr? Paano ko masasabi iyon sa kanya ng ganun kadali??

*flashback*

"Kasi eomma yung piano...gusto kong tugtugin." sabi ni Junsu at tinuro ang isang piano. Ngunit sa halip na piano ang titingnan ko ay nagulat ako nang makita ko si...si.... Suho. As in grabeh! Pareho kaming nagkatinginan na dalawa. Ano ang ginagawa niya dito? At t-teka bakit sila magkasama ni Junsu.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sasabihin ko ba oy kumusta? Oy anak natin pala..Noooo i cant do that! Huhu!

"Shei.." sabi niya.

"Ahhh... Junsu halikana." Sabi ko at hinila na si Junsu. Nang hinawakan ako ni Suho sa braso..

"Shei sandali!" pagpigil niya sabay tumingin kay Junsu.

"May...anak ka na pala?" Anak mo siya loko ka nabuntis mo ko! Syempre di ko pwede sabihin yun :(

"Ahh oo! Nag-asawa na kasi ako eh." Sabi ko at kinarga si Junsu. "Ahh sige ahh babye." Sabi ko naman at kumalipas sa pag-alis.

*end of flashback*

"Gaga ka pala eh bat yun ang sinabi mo. Iisipin niya nga na anak mo si Junsu sa ibang lalaki!" Sabi naman ni Heyt. Oo nga!! Arghh bahala na!

"So wala ka nga talagang balak sabihin sa kanya ang tungkol sa anak niyo." Sabi nmn ni Kayne.

Balak? Ewan...siguro.. sinabi ko na rin yun kasi di rin na naman kami magkakabalikan eh. So what's the use of telling him at isa pa masaya na kami na wala ang isat isa.

Sa sumunod na araw ay inihatid ko si Junsu sa school niya.

"Junsu..yung sinabi ko sayo. Dont talk to strangers okay?" Sabi ko sa kanya. Bilin yun. Ay hindi. Utos yun!

"Arraseo." Sabi niya at nagmano na sabay pumasok na sa entrance gate ng school nila.

Hayy natatakot kasi ako na baka malaman ni Suho ang totoo tapos kukunin niya sakin si Junsu. Nooo i cant let that happen.

"Mag-usap tayo." Biglang paghila sa akin ng isang lalaki na nakahoodie.

"Uy sino ka bitawan mo nga ako." Pinasok niya ako doon sa car niya. Siya sa driver's seat at ako katabi ng driver's seat. Tinanggal niya ang sombrero nung hoodie niya kaya namukhaan ko siya.

"S-suho? Anong..ginagawa mo dito??" Sigaw ko.

"Aminin mo nga..." pagsalita niya. Kinakabahan ako kasi mukhang seryoso ang mga mata niya.

"si Junsu... anak ko ba siya?" Nagulat naman ako sa biglang tanong niya.

"Ha?" Speechless ako hindi ko alam ano ang sasabihin ko.

"P-paano mo naman nasabi yun? Kapal mo naman." Sabi ko. Syet paano niya nalaman.

"Kung ganoon sino ang ama niya? Sabihin mo nga? Kung may ama talaga siya. Dahil sinabi sakin ni Junsu na wala siyang ama." Sinabi ni Junsu yun? Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Junsu. Never kasi siya nagtatanong about sa papa niya. Ngunit di ko naman sinabi na wala siyang papa. Pero nagkausap sila tungkol sa bagay na yun?

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon