SUHO P.O.V.
"Suho magsmile ka naman! Ano bang problema mo?" Sabi ng PD sakin.Kanina pa ako pinapagalitan nito. Pilit kasi nila ako pinapangiti gayong wala ako sa mood na ngumiti.
Paano ba naman bigla bigla sila gumagawa ng storya na may relasyon daw kami ni Krystal. Hiniwalayan ko na ang babaeng mahal ko ano pa ba ang gusto nilang mangyari? Hindi ko na nakakayang pang hayaan nalang sila sa gagawin nila sa akin. Baka sa susunod ay mas grabe pa ang gagawin nila.
Nagpunta ako ky Manager Kang umagang umaga at doon ko nilabas ang aking galit!
"Ano ba ang gusto niyong mangyari? Sinunod ko na ang gusto ng shit na company na to. Ano pa ba ang gusto niyo ha?" Sigaw ko ky manager Kang. Nawawalan na ako ng manners dahil galit na talaga ako.
"Paano niyo nagagawang gumawa ng storya na di naman totoo? Ni hindi niyo ko tinatanong kung okay lang ba sa akin na gawin niyo yun!" Naiinis na talaga ako kulang nalang talaga idemanda ko itong kompanyang ito!
"Suho huminahon ka! Pakinggan mo muna ang sasabihin ko. Pilit kong pinipigilan ang gusto nila mangyari ngunit wala ako magagawa. Binabayaran lang din ako. Kailangan daw nila na mailabas ang tungkol sa inyo ni Krystal para daw sa promotion ng music video niyo. At para daw matigil ang rumours na may karelasyon kang isang manager." Mahinahong sabi ni Manager Kang.
Ano? Para sa promotion lang ng music video namin? Meron kasi kaming music video na OST ng isang KDRAMA na kakantahin namin nina Krystal, D.O. at Baekhyun. Dahil lang doon gumagawa na sila ng storya na makakasakit sa lahat ng fans? I can't believe this!
"This is the showbiz world Suho. You know that already!" Yun lang ang huling sabi ni Manager Kang sa akin!!
"SUHOOOOOO!!" Narinig kong sigaw ng PD na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Hyung okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Baekhyun na nakatayo sa gilid nakahawak ng MIC stand at nakaheadset.
"Oppa! Okay ka lang po ba?" Napatingin naman ako kay Krystal na ngayon ay katabi ko sa piano. Labag din sa kalooban ni Krystal ang nangyari.
"Nasanay na ako sa kanila oppa! Pwede naman natin sabihin na hindi totoo yun after ng promotion ng Music Video eh." Iyon lang ang tanging nasabi ni Krystal sa akin.
Andito kami ngayon sa music room at nagsimula ng magshoot nung music video namin.
"Sorry sonsaengnim!" Sabi ko doon sa PD.
"Hyung magconcentrate ka galit na si PD." Sabi sakin ni D.O.
Kahit na labag sa aking kalooban ang ngumiti ay pilit ko pa rin nilabas ang anghel kong ngiti.
"Ok CONCENTRATE! Lights CAMERA ACTION! Music Cue!" Sabi ng PD
Umarte naman kami ni Krystal na masayang nagkukwentuhan. Tinuturuan ko siya magpiano habang sweet na sweet kami sa isat isa. Nang bigla ko maalala si Shei...
"Cut cut! Suho! You cant act if you're mentally disturbed! Ok break muna ng 20 minutes!" Galit na sabi ng PD
"Sorry sonsaengnim!" Pagbow ko.
"Hyung parang nakita ko si Shei kanina sumilip dito." Sabi sakin ni Baekhyun
"Ha? Saan?" Nandito si Shei? Nalaman na niya kaya yung tungkol sa amin ni Krystal?
"Hindi ako sigurado baka namalikmata lang ako." Sabi iyon ni Baekhyun sakin.
Lumabas muna ako sa music room na iyon. Naisipan kong lumabas nang tuluyan sa building at binalot ang aking sarili para di ako mamukhaan ng mga fans. Naisip kong bumili ng makakain sa labas nang madaanan ko ang Sweety Scent Cafe.
BINABASA MO ANG
My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)
FanfictionSuho, the leader of the famous Kpop group EXO-K dated a girl named Su Shei for almost 7 years yet due to his debut as part of EXO he broke up with her. Shei hates him so much throughout her life and wishes not to see him anymore. But one day, Su Sh...