21. You're Mine- I am yours

777 11 0
                                    


Nung sumunod na gabi ay nagyaya ang mga kaibigan ni Suho sa industriya na lumabas at mag inuman. Sinama ako ni Suho, kaibigan ko rin naman yung mga kaibigan niya. Umiinom naman ako pero konti lang. XD

"Hi Shei!" Pagkaway sakin ni Donghae.

"Alam niyo bagay talaga kayong dalawa! Naalala ko pa nung trainee pa itong si Junmyeon lagi kita nakikita sa labas ng building naghihintay sa kanya. Ayeee" pagtukso naman ni Siwon. Alam na alam ng mga kaibigan ni Suho ang tungkol samin noon at alam din nila na nagkabalikan kami ngayon ngunit tahimik lang din sila at sinusuportahan kami.

"Hahahaha alam mo ba Shei nung umalis ka? Gusto nito si Junmyeon na umatras sa pagdebut buti nalang nakombinsi namin na hindi pa huli ang lahat." Sabi pa ni Donghae bago ininum yung beer niya.

"Wag niyo na ibalik yun hyung ang mahalaga kasama ko na si Shei ngayon." Nakangiti namang sabi ni Suho sabay hinawakan ang kamay ko.

"Hahahaha Shei alam mo ba muntik na yan magpakamatay?" Pagpatuloy ni Siwon at ininum yung beer niya.

"Ha?? Talaga?" Nagulat naman ako sa nalaman ko. Hindi ko alam yun ah!"

"Uyy Hyung! Ano ba pinagsasabi mo?" Pagpigil ni Suho.

"Muntik na yan tumalon sa Han river eh dba? Ahahaha!" Paghigh five nmn ni Donghae at Siwon. Natatawa pa sila ah.

"hoy mga lasing na siguro kayo kung ano yang pinagsasabi ninyo eh!" Suho

"Totoo ba iyon? Muntik ka na magpakamatay?" Tanong ko naman kay Suho.

" 'Wala na si Shei wala nang saysay ang buhay ko! Mabuti pa magpakamatay nalang ako!' Yun pa yung sabi niya nun nung naglasing siya woooooh hahaha". Lasing na nga siguro itong si Donghae at Siwon. Pero totoo ginawa ni Suho yun?

"Umuwi na nga tayo lasing na kayo eh!" Pagsalita naman ni Suho na pilit inaawat ang dalawa sa pag inom.

-------------

"Totoo ba talaga na muntik ka na tumalon dito sa Han river?" Tanong ko ky Suho. Pagkatapos namin maihatid yung dalawang lasing ay dumaan muna kami ni Suho dito sa Han river. Matagal tagal na din na di kami nakakapunta dito ng magkasama.

"Galit talaga ako sa sarili ko nung time na yun. Feeling ko wala akong kwenta. Nagawa kitang iwan dito sa lugar na to... Shei..... hindi na kita iiwan ulit. Pangako yan! Mamatay man si Batman! Peksman. Ayoko nang magsisi ulit." Sabi niya sabay kinuha ang kamay ko at pinisil pisil ito. Hindi ko inasahan na ganun din pala kahirap sa kanya ang pag-iwan sakin. Akala ko ako lang ang naghirap ako lang ang nasaktan yun pala siya rin. Masyado akong naging selfish nung time na yun kinamuhian ko siya gayong pareho lang kami nahihirapan.

"Kalimutan na natin iyon okay? Tao lang din tayo nagkakamali. Naiintindihan naman kita eh. At mas lalo kitang iintindihin ngayon. Ayoko na rin na magkawalay pa tayo ulit. " Sabi ko sa kanya na nakangiti at mas lalo pa hinigpitan ni Suho yung pagkakahawak niya sakin.

"Hindi na kita bibitiwan pang muli." Tapos hinalikan niya yung kamay ko.

"Hindi ko rin bibitawan ang kamay mo. Kaya wag ka na magselos kay Darren ah?."

"Aish nakakaselos talaga yung Darren na yun eh! "

"Hindi nga! Friends lang kami."

"Oo na oo na! Friends lang ah!"

Umuwi kami sa condo niya at napagdesisyunan na doon matulog.

Kakatapos ko lang magshower. Nakasleeveless lang ako at nakapajama. San galing tong mga damit na to? Nagdala ako ng iba kong gamit dito sa condo niya. Parang bahay na din kasi naming dalawa ito. Pero hindi ko pa rin ito matatanggap bilang akin. Nagulat naman ako ng tumingin ako sa desk ng kwarto niya!

My EX Boyfriend is a Kpop Idol (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon