Chapter 3

353 11 0
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

Continuation..

"Omg! Kinausap ka nya?!"

"Talaga?! Eh anong sinabi mo?"

Bungad sa akin nila Daisy at Jasmine hindi pa man din ako nakakaupo sa silya ko.

"Tinanong nya lang ako kung sa akin daw ba yung libro at panyo na hawak nya, nakita daw nya doon sa table namin Jasmine sa cafeteria kaya akala nya sa akin yon. Nagtaka nga ako kung bakit nagconclude syang sakin yon e, dalawa kami ni Jas na nandoon, sakin sya agad lumapit, tsaka nagtaka din ako kung bakit nya ko kilala." Nakakarinding tili ang ginawa ni Daisy kaya napatakit kami ng tenga ni Matthew at Jasmine.

"Parang baliw lang?" Sarcastic na tanong ni Matthew kay Daisy. Binelatan lang sya nito bago binaling ulit sa akin ang atensyon nya.

"He's not that type. Sa tatlong taon ko ritong estudyante ay updated ako sa kilos ng grupo nila Justin well specifically kay Justin, Rick at Pipo and never syang may hinabol para lang magsoli lang ng gamit." Sabi ni Daisy, she's a 3rd year student here pero madalas kasama sya sa amin dahil may mga subjects kami na pareho naming pinapasukan, pareho sila ni Matthew at itong advance algebra lang ang subject na kung saan kami kompletong magkakasama.

"Kahit pa nasa harapan nya pa ata yung gamit at kilala nya kung sino ang nakaiwan hindi nya ibabalik yon personally, ipapautos nya lang yon, kung tinatamad naman sya bahala sila. So just so you know." Jasmine paused and look at Daisy. Tumili nanaman to kaya napatakip nanaman kami ni Matthew ng mga tenga namin, sumama na rin si Jasmine sa pagtakip ng tenga nya dahil mas malakas ngayon ang boses ni Daisy.

"He's interested on you!" Nanghahampas na sigaw nya. I just gave her a 'Shut-your-mouth-look' na ikinahinto nya.

"So anong ginawa mo?" Tanong ni Jasmine. Binuksan ko ang libro ko at nag umpisang magbasa kahit hindi ako makapag focus sa pagbabasa dahil sa ingay nila.

"Edi nagwalk out."

"How dare you to turn your back on him and walk out Taharra Smith! How dare you!" Bulalas ni Daisy na ikinatawa ni Jasmine. Lumipat ako sa front row dahil na rin sa ingay nilang dalawa. Si Matthew naman ay sa likod umupo habang yung dalawa ay nagdadaldalan pa rin.

I want to focus on this subject since major ito at advance algebra. Mahina pa man din ako sa math at hindi ako makakapagfocus kung magkakatabi kami.

Nang dumating ang professor namin at pinagsolve kami nito ng isang problem sa note, lumabas sya at sinabing pupunta lang sa isang short noticed meeting.

Tahimik ang buong klase dahil na rin sa terror ang prof namin na yon, kada may klase kami sakanya ay magpapasolve sya ng problem at pagbalik nya tatawagin nya ang isa sa amin para ipakita ang solution sa buong klase sa white board mismo. Hindi ko alam ang mga ganito kaya hindi ako pa easy easy, sa katunayan ay wala akong interes sa math bata palang ako. Kahit pa ata mag aral ako ng math buong taon ay singko pa rin ang makukuha kong grades. Nakakainis naman eh, bakit ba nauso tong Math! Sana hindi ko nalang kailangan pag aralan to.

Nawala ang concentration ko sa ginagawa ko ng biglang magbulong bulungan ang mga kaklase ko, ang iba pa sakanila ay mahinang tumitili. Napaangat ako ng mukha ko dahil sa kyuryosidad at bumungad sa akin ang mukha ng lalaking kanina lang ay tinalikuran ko. Nasa table ito ng professor namin habang tinataktak nya ang marker na syang gumagawa ng ingay sa ngayon ay tahimik na room.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya ng mapansin ko ang titig nya deretso sa mukha ko. Hindi sya nakakasindak o nakakatakot man lang. Kapag tinignan mo sya ay para ka lang tumingin sa isang inosenteng anghel dahil na rin sa amo ng mukha nya at mapupungay nyang mga mata. But with all his piercing and tattooes iisipin mo nalang na anghel nga sya pero nalihis ng landas.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon