Chapter 41

254 10 0
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

A/N: sorry for the typos and xgrammars.

Continuation..

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Papa. Hindi ko alam kung paano ko pa maitatago ang tungkol sa bahay. I'm doing everything to get that back but it's not easy knowing na isang kilalang pamilya ang bumili nito sa akin.

I tried to convinced Mr. Darios -the one who bought it from me- pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang response, I even offer him to double the price but now na alam na ni Papa ang tungkol sa ginawa ko natatakot na ko sa paraan ng pagsigaw nya.

Parang kahapon lang okay pa sya. Parang kahapon lang nakikipag usap, nakikipag biruan at nakikipag tawanan pa sya. Pero ngayon?

"Why did you do that Tarra!" Bulyaw nito sa akin.

Yumuko nalang ako. Maski ako hindi rin sigurado kung bakit ko ginawa ang pagkakamaling yon noon.

"Alam mong ayon nalang ang tanging alaala ng Mommy mo sa atin nagawa mong ibenta? God!"

"Dad I'm trying to buy it back." Depensa ko.

"That's not my point here! Bakit mo binenta ayon ang point ko. Hindi ka ba nag iisip? Hindi naman tayo naghihirap pero bakit mo binenta?" Palakad lakad si Papa habang minamasahe ang sentido nya. I'm stressing him I know. Pero anong gagawin ko? Nangyari na yon. Hindi na mababago ang nangyari na.

Naglakad si Papa papunta sa hagdanan na sinundan naman ni Tita Tori. She gave me a reassuring smile. I know Tita will calm him down. But I'm not sure if he can convince Papa not to be mad or disappointed at me. Damn I'm damn frustrated.

Kay Justin at ngayon naman kay Papa. Ano pa bang susunod? May mas lalala pa ba dito?

God I'm damn tired of these bullshits.

"Everything will be okay." Sabi ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim. Pumasok ako sa pansamantalang kwarto ko at nag ayos. I can't just be here with nothing to do. I can't stay here knowing my Dad despise me because I did something stupid.

Matapos akong mag ayos at makalabas ng kwarto ay naabutan ko si Tita na kakasarado lang ng kwarto ni Papa.

"How is he Tita?"

"Not fine, nakatulog dahil sa sama ng loob pero wag kang mag alala. Hindi ka naman matitiis ng Papa mo and I believe mababawi mo rin ang bahay nyo."

"Sana nga Tita." Buntong hininga ko. Hinimas nya ang braso ko para ikalma ako.

"Where are you going by the way?" Tinignan nya ang damit na soot ko.

"Sa company po. I'll ask Drew for help. Baka makatulong sya sa pagkumbinsi ko kay Mr. Darios tungkol sa bahay." Tumango ito at nginitian ako.

"Hindi ko dapat binenta yung bahay Tita. Hindi ko rin malaman ang dahilan ko noon eh. I thought pag naibenta ko yon mawawala na yung mga memories. Nakasama pa pala."

"Alam kong wala kang masamang intensyon. Pero nangyari na Tarra. You can't always blame yourself. Lahat naman tayo may nagagawang pagkakamali." Dahan dahan akong tumango at yumakap sakanya. I'm glad she's my Tita. At least wala man si Mommy may nakakaintindi pa rin sa akin.

"Thank you Tita."

"Anything hija."

Nagpaalam na ko kay Tita at nagpahatid sa driver papunta sa company.

Inilabas ko ang phone ko, I scroll through my contacts and debate with myself whether to call Justin or not. Nakailang dial ako pero hindi pa man ito nag riring ay tinatapos ko na ang tawag.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon