Chapter 37

198 4 1
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

Continuation..

"Wala ka na bang nakalimutan?" Umiling ako at sumakay na sa passenger seat pagkabukas nya ng pintuan ng kotse. Umikot na rin sya papunta sa driver seat at sumakay dito.

Papunta kami ngayon sa airport para pumunta sa Japan. Sinabi nyang maganda doon dahil tagsibol doon ngayon. One week vacation para sa amin ni Justin. No work. No other girls. A vacation without distractions. Just us.

Finally.

Hopefully.

Ng makalapag ang eroplanong sinakyan namin sa airport ng Japan ay napangiti ako. Bumungad ang kakaibang bango ng hangin. Halatang wala kami sa bansa kung saan kami nanggaling dahil sa simoy ng hangin.

"Marami tayong pupuntahang mga tourist spots dito. But for now sa hotel muna tayo para makapagpahinga." I nod at what he said at napatingin sa kamay naming magkahawak.

God. Just leave this to me. Let us be happy while we're here. Don't ruin it for us please.

Gagawin ko ang lahat para kahit hanggang pagbalik namin ay maayos pa rin ang lahat.

Dumating kami sa hotel makalipas ng 30 minutes. May 8 oras rin ang byahe kaya hilo ako dahil sa jetlag. Ganon rin sya alam ko.

Pabagsak na humiga si Justin sa kama. Pupunta sana ako sa bathroom para makapagshower muna bago mag pahinga pero hinila nya ang kamay ko pahiga sa tabi nya. He pull me closer and make me embrace him on his waist. Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib nya at napangiti sa sarili ko.

"Let sleep first." Bulong nya sakin. Sabay halik sa noo ko. Hinigpitan ko ang braso ko sa bewang nya at pumikit.

Bakit kailangan umalis pa kami ng bansa para maramdaman ko ulit ang ganito mula sakanya? Bakit hindi pwedeng araw araw ganito kami sa isa't isa? I am not complaining. Masaya ako kung tutuusin. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi manghinayang. Marami na masyadong panahon ang nasayang.

"I love you Tarra Brook."

'I love you more Justin.' I mentally utter.

~~
Ng magising ako ay wala na sa tabi ko si Justin. Nilibot ko ang paningin ko sa buong suite at napansin ang anino na nagmumula sa bathroom. Naririnig ko rin ang lagaslas ng tubig mula roon. Tumingin ako sa wall clock at nakitang 6pm na pala. Mahaba haba rin pala ang naitulog ko.

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang pag ring ng phone ni Justin sa ilalim ng unan sa tabi ko. Tumingin ako sa bathroom at ng makasiguradong hindi pa sya lalabas ay kinuha ko ito at tinignan.

'Missed call from Jas.'

Jas? Sinong Jas?

Biglang may pumasok na text at nakita ko ulit ang pangalan ng nag miss call.

*I hate the fact that you are with her right now. I miss you. Call me back. - Jas.*

Bumilis ang paghinga ko. Binura ko ang misscall at ang mismong text message. I want to read more from their conversation pero ayokong maging masokista. Nilapag ko ang phone kung saan ko ito kinuha at bumalik ulit sa paghinga.

Who's Jas?

Ako yung tinutukoy nya na 'her' hindi ba?

Who is she for Justin? Seryoso ba si Justin sakanya kaya ganoon nalang sya magsalita?

Sinarado ko ang mga mata ko ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng bathroom.

I don't want to ruin other vacation. I don't want to break down in front of him. I don't want him to know na pinapakialamanan ko ang gamit nya.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon