Chapter 12

286 5 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche


Continuation..


RK do crazy things para baliwin ako at sumunod lang ako sa mga utos nya.


Ibinagsak ako ng Philo professor ko sa subject nya kahit alam ko naman sa sarili ko na wala naman akong ginagawang mali at nag aaral naman ako ng mabuti roon.


*Im capable of doing everything Tarra, just so you know. -RK*


Napahinga ako ng malalim, I'm stuck here, in RK's trapped. Hindi pwedeng humindi, hindi pwedeng tumakas, hawak nya ko sa leeg. Bakit ba sa dinami dami ng tao ako pa? Bakit hindi nalang iba? Napakaswerte ko naman talaga.


Kung pwede lang sana akong lumipat ng University, ginawa ko na. Kaso pati ang pagtatransfer ko ginawan nya na ng paraan, he blocked all of my requests sa lahat ng University na hinanap ko nung isang linggo. Hindi na ko tinatanggap sa mga University na paglilipatan ko sana, pati na rin yung mga University na gustong kumuha sa akin ng sapilitan noon hindi na rin ako pinapansin. Marami na silang rason ngayon para wag akong tanggapin, keso ganito, keso ganyan.


Kung hindi ko lang talaga alam na kayang gawin to ni RK, iisipin kong malaking coincidence lang ang lahat. Pero hindi eh, panigurado ay tinakot pa nya ang mga to kung humindi man sila sa gusto nya. Sabagay sino nga lang ba ko, kumpara kay RK? Isa lang naman akong average type ng estudyante, hindi ako gaanong matalino, sakto lang ang mga grades ko pati ang scores ko sa mga entrance examinations, hindi ako kagaya ni RK na kahit hindi na mag aral ng mabuti ay mayaman na at makapangyarihan. Sino nga lang ba ko sa University na to, hindi ba? Sana pala ay sumama nalang ako sa mga pinsan ko.


Nakakainis lang dahil wala na kong kawala, wala na kong choice kung hindi ang um-oo nalang. Wala na kong choice kung hindi ang sundin nalang sya. Walang options man lang na pabor para sa akin. Lahat puro sakanya.


Inosente man o hindi si Justin, masama pa rin ang gagawin ko. Lolokohin ko sya para masatisfied lang ang.. ang gusto ng demonyo?


Kahit anong isip ko. Hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ba ginagawa nya yon kay Justin. Mukha silang close. Mukhang sila ang pinakaclose sa kanilang anim. Mukhang sila ang pinaka malapit pero ganoon pala sya kagalit kay Justin para gamitin nya ako.


I feel like I'm living in hell, RK is Satan at hindi na ko makakalabas sa gulo na to depende nalang kung susundin ko ang utos nya. Baka sakaling makawala ako.


Wala na kong choice, dahil wala na kong malalapitan. Ayoko namang huminto sa pag aaral dahil lang sa pinagbabantaan ako ni RK. I know he'll not going to hurt me physically, ibablock nya lang mga achievements na pwede kong makuha kapag hindi sa ako sumunod sakanya.


Dati wala akong dahilan para umalis dito. Pero ngayon napakadami na, ang mga tao sa paligid, ang frat, si Justin lalo na si RK. Pero ngayong hindi ako makakaalis siguro ay dapat nalang akong maging masaya dahil nandito pa ang iilang kaibigang meron ako. Kahit papaano may makakapitan pa ko. Pero sasabihin ko ba sakanila to? Anong iisipin nila? Anong irereact nila? Knowing Daisy and Jasmine, alam kong may gusto sila kay Justin, paano kapag nagalit sila sakin? Paano kung hindi sila maniwala? Paano kung pati sila idamay ni RK sa kalokohan nya? And Matthew? Pwede ko ba syang pagkatiwalaan? Pwede ba kong maglabas ng sama ng loob sakanya? Galit rin sya kay RK, di ba? Ibig bang sabihin matutulungan nya ko sa problema ko?

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon