Chapter 17

232 5 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche


Continuation..


Hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi nya. Sinabi nya na kahit buhatin pa daw nya ko magdamag at iikot ikot gagawin nya. Nakakatawa lang pero at the same time nakakakilig rin


"O.A mo na." Sabay hampas ko ng mahina sa braso nya. He catch my wrist and smile again na para bang hindi sya nagsasawa sa pag ngiting ginagawa nya.


"Masaya lang ako Tarra, sobrang saya." Nagsasayaw pa sya bigla habang naglalakad kami sa parking lot nitong University. He's a good dancer, para bang parati nyang ginagawa yon. Pero ng huminto ako sa paglalakad at tinitigan sya sa ginagawa nya ay napahinto sya. He scratched the back of his head and walk towards me, hinapit nya ang bewang ko papalapit sakanya at hinalikan ako bigla sa labi.


Nagulat ako at hindi ko alam kung anong irereact ko. My instinct tells me to slapped him but I stopped myself from doing it, instead ay tinulak ko sya palayo sakin.


Napaatras sya mula sa akin at hinawakan ang labi nya. "Damn it. Sorry." Ng makabawi ako sa pagkabigla sa ginawa nya ay napangiti ako sa sinabi nya. He don't need to apologized. Kami na pero nagsorry pa rin talaga sya dahil sa naging reaksyon ko.


Lumapit ako sakanya at nakangiting hinawakan ang magkabilang pisngi nya sa maliliit na kamay ko. Inilapat nya ang noo nya sa noo ko at tinitigan ako sa mga mata.


"No, you don't need to, sorry rin kasi tinulak kita." Mahinang sabi ko. I want to say more things pero hindi ko na ginawa.


"Let's date?" Pambawi ko sa awkward aura na namumuo na sa pagitan namin. Gumuhit ulit ang masayang ngiti sa labi nya, I slowly tangle my fingers on his na mas nakapagpalawak ng malawak nyang ngiti. Simple gestures palang ang ginagawa ko ang saya saya nya na, hindi ko tuloy maiwasang hindi mahawa sa kasiyahan nya.


Alam kong mali, but I can't help it. He's happy dahil sinagot ko na sya. Kapag nakikita ko syang masaya para bang nalilimutan kong ginagawa ko lahat ng ito para tantanan lang ako ni RK.


I can't let Justin down. I like him at alam ko na hangga't nagpapanggap pa ko dapat kong iparamdam sakanya kung gaano ako nagsisisi sa kasalan ko sakanya, kahit hindi pa naman nya alam ito. I'm starting to take the risks that inside of this relationship. Natatakot lang ako na sa oras na sobrang hulog na ko tsaka sabihin ni RK na ihinto ko na lahat to at pwede ng kong umalis.


Hindi ko alam kung kakayanin ko pa yon. Kaya sana.. sana bago pa ko tuluyang mahulog ay matapos na lahat ng to.


~~

"Hindi mo pagsisisihan to Tarra." Ngiting ngiting sabi nya habang hawak ang kamay ko at nakatingin sa kulay orange na langit at sa pababang araw na nagrereflect sa dagat. Nakaupo kami sa ibabaw ng trunk ng kotse nya habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.


Palipat lipat ang mga mata ko sa kamay naming magkahawak at sa mukha nyang nakangiti tapos babalik ang tingin ko sa orange na langit tapos ganoon ulit.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon