Chapter 6

307 10 0
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

Continuation..

Kada pumupunta kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria 'twing break time ay nakikita namin si Justin, minsan kasama nya ang mga kaibigan nya, minsan naman ay sya lang mag isa. Pakiwari ko tuloy ay sinusundan nya ko. Ayokong maging assuming pero minsan hindi ko lang talaga maiwasan isipin.

*There's a huge difference between they like me and I like you Tarra. Di ako maapektuhan sa mga sinasabi at ginagawa mo. Just so you know I am the most persistent guy. -Justin*

Simula ng mabasa ko ang note na ito ay hindi na nawala sa isip ko ang mga tanong.

He likes me?
Pero bakit ako?
Marami namang iba, hindi ba?
Bakit ako pa?

Napasinghap ako ng tuluyan na kaming makapasok ng cafeteria. Nang makaupo kami sa usual spot namin sa may bandang gilid malapit sa bintana ay nakatinggin pa rin ang mga kaibigan ko sa lamesa malapit sa may pintuan, probably they're thinking kung bakit sa inaraw araw na papasok kami ay nandoon na agad si Justin at nakatingin na kaagad sa akin. Hindi sya nakatingin kapag nakatingin ako pero madalas ay nahuhuli sya ni Daisy, tatapikin nito ang kamay ko at ingunguso si Justin, kapag tumingin naman ako ay iiwas ito na para bang nahihiya na nahuli ko sya.

He is so weird, ang astig nya sa paningin ng iba pero ang torpe naman nya, ni hindi man lang maging straight forward at idinaan pa sa sulat ang gusto nyang sabihin. Sakin lang ba sya ganyan? O tactics na talaga nya yon noon pa?

Other girls will find it cute, especially yung mga may gusto sakanya. Baka mangisay pa nga sila sa kilig dahil pinupursue sila ng isang Justin Brook. But for me? Walang epekto ang mga pagganyan nya.

I never told my friends about the note but they're always concluding about Justin liking me. Especially si Daisy na halos punitin na ang damit ko at sabunutan na ko sa sobrang kilig. Masyado syang natutuwa dahil kaibigan nya ang gusto ni Justin. Dapat ba kong matuwa dahil gusto ako ng lalaking yon? On the other hand walang reaction si Matthew, titingin lang sya sa akin tapos kay Justin tapos sa akin ulit na para bang may sinasabi sya pero hindi nya masabi ng malakas. Si Jasmine naman, pangiti ngiti, titingin tingin sa malayo. Ewan, masyado akong nawiwindang sa mga nangyayari, masyadong mabilis, masyadong hindi makatotohanan.

"Nakatingin nanaman sya." Bulong ni Daisy. Ganoon ba sya kaobvious? Talaga bang hindi nya gagawin ang mga ginagawa ng ibang typical type ng sikat na hearttrob ng school na lalapit at sasabihing

'You're my girlfriend now. Like it or not.' Natawa ako sa naisip ko. I'm too addicted to those hopeless romantic novels para isiping mangyayari yon sa akin. As if? Tsaka as if naman na magugustuhan ko sya at magbabago ang isip ko tungkol sa kanya at sa prinsipyo ko kung gagawin nya nga yon. May isa akong salita at hindi na mababawi yon.

Siguro kung ako rin naman ang walang alam sa nararamdaman nya ay mapapansin ko rin ang pagiging stalker type nya sa akin. Sa kabila ng alam kong nararamdaman nyang 'kalokohan' para sa akin ay panay pa rin ang pagtanggi ko, panay ang iling ko kapag nagtatanong ang mga kaibigan ko o ang kahit na sino at hindi nalang sila iniintindi. Jumping onto those conclusions is not my usual thing. Kahit pa may patunay na ko na gusto nya nga ako. Gustong gusto ko pa rin isipin na biro lang ito at hindi totoo.

Who knows baka lahat ng babae sinabihan nya na ng 'I LIKE YOU'.

Baka hindi lang ako ang niloloko nya at isa lang ako sa mga biktima nya. Who knows baka pinapaikot nya lang ako at pinagpupustahan kagaya ng mga napapanood at nababasa ko. I can't take a high risk kahit pa gusto ko na sya physically kahit hindi ko aminin.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon