Chapter 36

207 5 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche

Continuation..

Huminga sya ng malalim at marahang tinanggal ang kamay kong nakapulupot sakanya mula sa likod.

Naglakad ulit sya pabalik sa couch at umupo rito. Napabuntong hininga ako bago inalis ang mata ko sakanya at maglakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng icepack sa fridge at first aid kit sa bathroom.

I want to know what happened.

Who beat him but I know hindi naman nya sasabihin kahit pilitin ko pa sya ng pilitin. Mas lalo lang syang magagalit. And I don't want that to happen. I want him tamed as possible.

Bumalik ako sa living room at naabutan ko nanaman syang tumutungga ng alak mula sa bote na hawak nya. Dahan dahan akong lumapit sakanya at kinuha sa kamay ang bote. Huminga sya ng malalim bago tangkang kunin ito sakin. Pero ng maintindihan nyang hindi ko na ibabalik sa kanya iyon ay bumuntong hininga nalang sya at hinayaan na ko.

"Minsan naman mag ingat ka." Kinagat ko ang ibabang labi ko. I know my tears will betray me anytime. Naaawa ako sa itsura nya. His lower lip is busted, may black eye sya sa kaliwang mata, pulang pula rin ito and he have this plenty of wounds on his perfect face.

Ayoko sa lahat ay ang nasasaktan sya. Pisikal man o emosyonal ayoko.

Pakiramdam ko mas nasasaktan ako pag nasasaktan sya. I caused too much pain on him at ang masaktan pa sya dahil sa kagagawan ng ibang tao ay mas masakit sakin. Kung nandoon lang ako sa kung nasaan sya ay baka naawat ko pa sila ng nakaaway nya at hindi ganito ang inabot nya.

"What happened?" Biglaan nyang tanong. Alam kong ang pinuntahan ko ang tinutukoy nya. I should be happy to tell him what happened pero hindi ako makangiti dahil sa kondisyon nya. Masyadong hindi akma ang pagiging masaya dahil ganito sya.

"Ayon naging maganda naman ang resulta." Sagot ko.

Nag iingat ako sa mga salitang sasabihin ko, alam kong wala naman syang pakielam sa mga detalye dahil nalalaman nya rin naman iyon kay Thine. I just hope hindi maging madulas ang dila nila ni Thine at masabi kay Justin ang mga nalaman.

"Magbabakasyon tayo for two weeks. Pack your things." Natulala ako sa mukha nya dahil sa narinig ko.

"Talaga?" Medyo patili kong sabi. Tinakpan nya ng daliri ang dalawang tenga nya at tinignan ako ng masama. Yumuko ako. Ginamot ko nalang ang duguan nyang kamao at hindi na umimik. Ayokong mainis sya dahil sa kung ano mang gagawin ko at hindi na ituloy ang sinabing bakasyon namin.

"Yeah, sa Japan tayo."

Pinipigilan kong hindi ngumiti. I can't smile when I'm literally in front of him. Baka isipin nya na nababaliw na ko. Masyado akong masaya, kung pwede lang tumalon sa tuwa ay ginawa ko na. But I will hold myself for now. Tsaka na ko magtatatalon sa tuwa pag nasa kwarto na sya at hindi na ko makikita.

Sa wakas. Sa loob ng apat na taon ay ngayon lang nya ko isasama sa isang bakasyon. Ngayon lang nya ko niyaya sa ganito. My happiness makes me feel insane. Naeexcite na ko ng sobra.

"Tarra?" Umangat ako ng tingin sa mukha nya. Inayos nya ang takas na buhok na nakaharang sa mukha ko at inilagay ito sa likod ng tenga ko.

"Hmm?"

"Sa lahat ng ginawa ko sayo. Bakit hindi mo pa ko iniiwanan?" Nailapag ko ang kamay ko sa ibabaw ng lamesang inuupuan ko at napabuga ng hangin.

Hindi nya na dapat tinatanong ang isang bagay na alam na alam nya naman ang sagot.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag isip ng isasagot kahit pa pwede ko naman sabihin sakanya ang sagot na alam nya na.

"Kasi gusto ko bumalik tayo sa dati. Y-yung dati tayo na masaya. Y-yung dating ikaw bago ko ginawa ang mga kasalanan ko sayo. I'm still believe that were going to be there. Soon. B-babalik rin tayo sa dati."

"Hindi ka ba nasasaktan sa mga ginagawa ko sayo? Hindi ka ba napapagod?" Tanong nya. Ayoko ng sagutin ang mga tinatanong nya. Gusto kong maging masaya nalang pero masyadong depressing ang mga ibinabato nyang tanong sakin. Masyadong depressing ang aura na meron kami.

Gusto ko syang tignan. Gusto kong makita ang itsura ng mukha nya habang naghihintay sya ng sagot sa tanong ko. Pero natatakot ako. Ayoko ng ganito sya. Ayoko ng masyado syang seryoso at ayoko sa mga klase ng tanong na meron sa utak nya pag ganitong nagseseryoso sya. Ayoko talagang umiinom sya.

"Nasasaktan. Napapagod. Oo. Pero kaya ko pa naman Justin. I still have faith on us." Kinuha ko ang kamay nya at binalutan ito ng gasa. Bumuntong hininga sya at ng matapos ako sa ginagawa ko sa kamao nya ay tumayo na sya.

"Pagod na rin ako Tarra."

Tired in what way?

"J-justin?"

Tawag ko sakanya kahit pa natatakot ako na dagdagan pa nya ang sasabihin nya. I don't want to end up crying again. Pwede akong umiyak ng paulit ulit dahil sa ginagawa nya pero ayokong iwan nya ko. Ayoko pa. Hindi ko pa kayang mawala sya. At hindi ko alam kung kaylan ko kakayanin pero ayoko talaga. Isipin ko palang na iiwan nya ko pakiramdam ko mamamatay na ko.

"Gaano mo ko kamahal Tarra?" Nakatalikod sya mula sakin. I want to hug him but I'm frozen here. I can't even stand on my feet dahil nanghihina ako.

"Sobra Justin. Sobrang mahal..." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at binuka ang bibig ko para sabihin sakanya ang mga gusto ko pang sabihin pero natigilan ako dahil sa sinabi nya.

"Pero bakit sa paulit ulit na panaginip ko? Bakit tuwing ipipikit ko yung mga mata ko. Nakikita at naririnig ko pa rin mula sayo na si Vaughn ang mahal mo at hindi ako?" My heart drop on my feet. My face is soak with so much tears with my eyes widen and my mouth form a big O. Pakiramdam ko sinaksak nanaman ako ng paulit ulit. Ng ilang beses. Ng sobrang lalim. Ng sobrang sakit. Ng nakakamatay.

Narinig ko ang pagsinghap nya at sumunod ang yabag ng mga paa nyang paakyat sa hagdanan.

His nightmares about that scene ruining every chance and everything that I thought we gained.

Akala ko ay magiging maayos na ang lahat. Pero mali nanaman ako. It's fucking hurts like hell to feel this! This pain is beyond than worst. Sobra sobra.

Tahimik akong pumunta sa kusina at inayos ang pagkain para sa dinner namin mamaya.

I want to change his mind in every way possible. I want him to feel the love that I have for him. I want him to see how I regret what I've done to our relationship. I want him to understand how eager I am to get the normal us back. Not this. I don't want to be like this forever. I don't want us to be like this forever. I want us to get back. I want him to come back to me. I want him to love me and trust me and forget everything and start something new again.

Pero ang hirap. Ang hirap hirap. Sobra.

--
To be continued..

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon