Chapter 4

333 9 1
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

Continuation..

Ako ang favorite ng mga teacher na pagbantayin dito sa detention room sa hindi ko mawaring dahilan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil sa may dagdag daw ito sa extra curricular ko o maiinis dahil nakakabagot manood ng mga pasaway na estudyante na mukhang hindi naman nagsisi dahil mga wala naman talagang mga magawa sa buhay.

Imbes na nag aaral o nakikipagkwentuhan ako sa mga kaibigan ko sa library o cafeteria nandito ako at binabantayan ang mga pasaway na to. Sana palitan na nila ko dito bilang tagabantay.

Maliban kay Justin Brook, ang limang pang mga lalaki na nandito ay suki na rito sa detention room. Kabisado ko na ang mga pangalan nila at ang mga kadalasang ginagawa nila kaya sila napupunta dito. They're popular here pero imbes na sa mga bar sila naglalagi, madalas ay nag-sta-stay pa sila dito sa University at kadalasan kaya gusto nilang gumawa ng mga minor na kalokohan o gulo ay para lang makahanap ng tahimik na lugar malayo sa mga nagtitilian babae at sa mga titig ng lahat.. at iba pa. Sa tingin yata nila ang detention room ang pinaka peaceful na lugar kaysa sa library, kaya panay ang bisita nila dito.

"Hey Tarra!" Nakangiting bati sa akin ni Pipo. Inirapan ko lang sya dahilan para mapatawa sya. I know them, but I'm not fond of them being around me. Nakakailang at nakakairita sila kapag magkakasama kahit hindi naman sila nag uusap usap.

Ewan ko, I'm not even attracted on them even a bit kahit lahat sila ay gwapo at sikat sa hindi ko mawaring dahilan na ayoko ng alamin. Kung ibang babae siguro ako na may gusto sa kanila ay masaya kong tatambayan nila itong detention room kahit araw araw pero hindi eh.

Dumeretso na ko sa pwesto ko at umupo sa silya sa harapan ng lahat.

"Parati nalang ba kayong lima ang makikita ko dito sa dentention? Try nyo kayang tumambay sa ibang lugar huwag dito." Naka poker face na sabi ko, tumawa ang iba at sinabihan ako ng 'Masungit' samantalang si Justin ay tahimik lang na nakatitig sa akin, minsan naiinis ako sa sarili ko dahil kahit ayokong tignan ang isang tao, ang sariling mata ko na ang nagkukusa para sa akin. Ayokong tignan si Justin pero namamagnetized nya talaga ang mga mata ko papunta sakanya. Sa lahat ng nandito sya lang ang gustong tignan ng mga mata ko, sya lang ang gusto kong kausapin kahit in reality hindi ko kayang gawin yon at ayoko.

"Justin bakit ka nandito?" Tanong ni Mon. Tumingin ako pasimple kay Justin at hinintay sumagot ito. Oo nga pala. Magkakakilala sila dahil magkakabarkada sila.

"Sa ating anim ikaw ang pinaka good boy, himala at napadpad ka rito sa detention?" Sabat ni Pipo. Nakikinig lang ako habang nakatingin sa kahit sinong magsasalita. Now I know na sila ang magkakasama nung time na sinabi sakin ni Jasmine na tinitignan daw ako ni Justin nung nasa cafeteria kami. Grupo ng mga troublemakers.

"Parang nagturo lang naman ako sa klase nila doon sa terror na prof tapos dinetention ako." Parang batang reklamo nya, I fight myself not to smile dahil ayokong mapansin ako ni Justin at mapansin nya na nakukuha nya ang atensyon ko. Nagtawanan sila Mon, Terry at Pipo samantalang ang dalawa naman na sina Vaughn at RK ay tahimik lang na nakikinig. Sa kanilang lima, maliban kay Justin, ay ang dalawang iyon lang ang hindi palakibo. Masyado silang tahimik kumpara sa tatlo na panay ang pangungulit sa akin kada magbabantay ako dito sa detention room, ngumingiti lang sila at minsan ay nakikitawa.

~~
Isang oras lang ang penalty ng lima, kaya nauna ko na silang napalabas kaysa sa naiinis ng si Justin. Napansin ko ang pagkunot ng noo nito ng lumabas ang lima na nagtatawanan sa sinabi ko, hindi ko rin mapigilang hindi tumawa dahil makukulit sila.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon