Chapter 28.1

278 6 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche

Continuation..

"How are you Tarra?" Bungad na tanong sakin ni Tita Tori sa gate palang ng malamansyon na bahay nila. I suddenly miss our old house kung saan kumpleto pa kaming tatlo ni Papa at Mama.

"I'm fine Tita." Yumakap ako dito at agad nakita ang parehas nakangiti na sina Drew at Kuya Drey.

Pumunta ako rito kagaya na rin ng sabi ni Drew. Masaya si Tita na nakumbinsi ako ng anak nya na magpakita sa kanila. I miss them too. Matagal rin akong namuhay ng mag isa ng hindi man lang nila nalalaman kung nasaan ako at ano ng kalagayan ko.

Nag alala si Tita sa akin dahil na rin sa biglaan kong pagkawala after ko ibilin ang kompanya sakanya. Tinanong nya rin kung nadalaw ko na ba ang Papa ko pero sinabi kong hindi pa dahil hindi ko pa kayang makita ang Papa, maaawa lang ako dito at matatakot.

Justin know about this. Alam nya na dadalaw ako ngayon dito. Sinabi nyang ihahatid nya na ko pero hindi ako pumayag dahil ayoko syang maabala -ayoko rin naman malaman nya kung gaano kakumportable ang buhay ng mga kamag anak ko samantalang ako nakatira lang sa isang maliit na apartment ng mag isa-. Ayoko na rin naman malaman nya pa ang tungkol dito. Kung iiwan ko sya o iiwan nya ko dapat ay wala na syang malaman sa background na meron ako.

"Hi Tito Fred. How are you." Bati ko sa lalaking nakaupo sa wheelchair. He's Tita Tori's husband. Na stroke sya at ngayon ay paralisado ang kalahating katawan. Sya ang dating humahawak ng kompanya kasama ni Papa ng hindi pa sya napaparalized.

"Still not okay hija. Ikaw? I haven't seen you in a long time." Nakangiwing sabi nya dala na rin ng pagkaparalisa.

"Same Tito. Marami ring problema."

"Anong problema Tarra?" Tanong ni Kuya Drey. Bihira syang magsalita pero kagaya rin sya ni Drew pagdating sa pagiging concern sakin.

"Marami Kuya. Mahirap isa isahin. Kamusta ang kompanya?"

"It's okay. Well, more than okay dahil may another branch na naipatayo si Mom sa Canada last year lang. Kami ni Drew ang nagmamanage."

"Wow that's great."

"Pagkagraduate mo Tarra itetrain kana ni Mom. It's either you'll manage the main here or sa Canada ka." Sabad ni Drew. Ewan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko mag manage ng ganon klaseng negosyo.

"And I'm not getting any younger Tarra. In time pag kaya mo na kayo na ng mga pinsan mo ang bahala sa lahat. I want to spend more time with your Tito." Nakangiti syang hinawakan ang kamay ng Tito Fred. They really love each other. Pero hindi ko pa rin alam. I'm still doubting about the company and besides I don't want them to know my plans. Not yet. Malayo pa naman bago ako grumaduate at bago ko matapos ang course kong business management. Marami pang pwedeng mangyari. Hindi ko nga alam kung umuunlad ba ko academically sa dami ng iniisip ko na hindi related sa major maski na sa minor subjects.

~~

"This is my fiancee Dominique. Dom cousin ko si Tarra." Ngumiti kami parehas sa isa't isa at nag beso. I once saw her on a model search sa isang chanel sa cable. I wonder kung paano sila nagkakilala ni Kuya Drey.

Maganda sya, balengkinitan at masyado syang matangkad na kahit nakasoot na ko ng four inches na wedge ay hanggang leeg pa rin nya ko. She looks like a carefree type. Nakakaintimidate ang ganda nya pero mabait nga sya kagaya ng papuri sakanya ni Tita Tori ng hindi pa sya dumadating. Maswerte nga si Drey sakanya.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon