Chapter 27

238 6 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche

A/N: sorry sa mga masyado ng nahahabaan sa flashback. Itatype at isusubmit ko nalang ang hanggang chapter 30.2 tapos present time na tayo. Naiistress ako dito kaya sana maramdaman nyo rin kung gaano ako ka frustrated by reading this.

Continuation..

Pumasok ako kinabukasan na magang maga ang mga mata. Masakit pa rin ito hanggang ngayon dahil sa magdamag na pag iyak ko kagabi. Kailangan ko tuloy mag soot ng salamin para maitago lang ang mga mata ko.

Masyadong sarado ang utak ko kagabi. Kahit anong paliwanag ni Justin hindi ko pinapansin at iniintindi. I'm fuming mad. Until now, ganon pa rin. Kahit pa umiyak sya at lumuhod sa harap ko ay nagdadalawang isip pa rin akong patawarin sya. Madalas hindi nya na ko iniintindi, madalas rin syang mawala ng walang dahilan at wala man lang paliwanag pagbalik. Kaya nakaalis nalang sya ay hindi ko pa rin sya napatawad. Tamang hinala na kung tamang hinala, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mainis. Hindi ko mapagdugtong dugtong ang mga sinabi nya at ang mga nalaman ko. Nakakabobo mag isip pero kahit anong pahinto ko sa utak ko hindi pa rin ako matitigil sa pag iisip ng mga ganong bagay. It is all so frustrating.

Hindi ko pa nga rin lubos maisip kung bakit pinaniwalaan ko si RK at kung bakit ganito ako kagalit kay Justin dahil sa sinabi ni RK. Hindi ko maintindihan kung saan ba nanggagaling ang galit ko.

RK is a deciever. Maaaring kasinungalingan lang lahat ng sinabi nya. But still a big part of me believe on him. There is still a part of me wants to be mad because of the thought Justin was or still is cheating on me.

Huminga ako ng malalim at lumabas ng kwarto sa kakatapos lang naming klase.

Bumungad sakin ang assorted na kulay ng roses na nakaayos sa isang bouquet. Ibinaba nya ang bulaklak at nakita ko ang mugto nyang mata at pagod nyang mukha. Mukhang wala syang tulog simula pa kagabi at umiyak rin sya ng umiyak kagaya ko.

Naaawa ako sa itsura nya pero hindi ko ibababa ang pride ko at papatawarin agad sya ng ganon ganon lang.

Kailangan nyang malaman na galit ako at ganito ako magalit. Dapat syang madala.

"Oh itsura mo Tin?" Biro ni Pipo sakanya na kalalabas lang ng kwartong katabi ng pinanggalingan ko.

Hindi nya ito pinansin dahil sakin lang nakatoon ang buong atensyon nya.

"Baby?" Bulong nya. Umatras ako at iniwasan sya. Napahinto sya sa paglalakad palapit sakin at napayuko.

"Sorry."

Nangilid nanaman ang luha ko dahil sa narinig. Yeah, nasaktan ako eh. Sorry lang talaga kaya mong gawin.

Sa pag amin nya kagabi na galing nga sya sa bar ay nainis agad ako. How did he kept that from me? Iintindihin ko naman sana sya kung sinabi nya ang totoo. Kung totoo man ang sinabi nya at hindi lang alibi.

Tinalikuran ko sya at naglakad palayo ng hindi sya nililingon. Batid kong nakasunod sya sakin pero ayoko pa ring lingunin sya.

If it's one of the signs para matapos na lahat ng to hindi ko alam. Yeah, maybe I'm mad at him. But I still love him despite of this fight.

Nag explain naman sya kung tutuusin eh. Inexplain nya kung nasaan sya from this time to this. Sinabi nya na pumunta sya sa bar dahil sinundo nya si Surene na wala na sa wisyo nung mga panahon na yon nung tumawag ito sakanya. Hindi nya raw mahindian si Surene dahil nag aalala sya dito at hindi naman yon basta kung sino lang kundi bestfriend nya rin.

But when I asked him about not informing me about that. Not calling or even texting ay hindi ako nakakuha ng sagot mula sakanya. That's why I am mad at him. Get me?

Paranoid ba ko?

Ganito ba talaga pag may ginagawa kang masama sa isang tao at natatakot kang balikan ng karma ng doble pa sa inaasahan mo?

"Baby please. Sorry okay. Sinabi ko na sayo lahat. Sa susunod sasabihin ko na sayo lahat ng galaw ko. Tetext na kita. Patawarin mo na ko." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang paghikbi nya. Ayokong lumingon at harapin sya dahil panigurado ay mayayakap at mapapatahan ko lang sya. Ayokong mahing ganon kahina. Ayokong makita nyang ganoon lang ako kadaling suyuin. I love him, yeah, but I won't let this passed.

"J-just give time to think Justin. Space, please. Mag iisip lang ako."

"No baby, you don't need to. Please. Patawarin mo na ko."

"Baby please. Space." Tumakbo akong palayo ng umiiyak. God, please stop this pain.

~~
Pumunta ako sa field at naabutan si Vaughn sa bench kung saan palagi akong umuupo. Hahanap pa sana ko ng ibang mauupuan pero dahil sa sakit ng paa ko ay umupo na rin ako doon at hindi na inintindi kung katabi ko pa sya. Hindi naman ako sa tabi nya mismo umupo, kundi sa kabilang banda ng bench.

Deretso ang tingin ko pero batid kong nakatingin ito sa akin.

"Please don't let anyone know." I utter.

Tumango sya sa sinabi ko at dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. "Di ko naman gawain yon." Sabi nya.

"Hindi halata." Tumingin ako at napansin ang mahinang pagtawa nya. Hindi ko napigilan ang hindi mapangiti dahil sa nadala na rin ako ng nakakahawa nyang tawa.

"Okay.. Let's be friends then."

Tinitigan nya ko sandali. Kinikilatis kung sya ba ang kinakausap ko o kung hindi ba sya namali ng rinig. "But the last time I asked you, ayaw mo?" Nakakunot noo nyang tanong.

"Ayaw mo na?" I shrugged. This is bullshit. I know. Befriending him is a stupidity but I need to moved on. Nangyari na yon at kahit lumuhod ako papasok at palabas ng simbahan ay hindi na mawawala sa utak namin parehas na nangyari na ang nangyari. Ang magagawa ko nalang ngayon ay ang masiguradong hindi makakarating yon kay Justin.

"Not like that, kala ko lang kas-" aniya.

"Narealize ko lang kasi na masyado ng mabigat yung dinadala kong luggage na may lamang problema.. kaya babawasan ko." Hindi nya na tinuloy ang dapat sasabihin nya. Tumango sya at ngumiti nalang.

He's cute lalo na sa unang tingin. Pero pag tinitigan? Well gorgeous is the perfect word to describe him. Ngayon ko lang nakita dahil ngayon ko lang naman sya natitigan ng maigi. Lahat naman sila pare parehong gwapo eh. That's why marami ang papatay na babae makuha lang ang isa sa kanila. Kaya napaka swerte ko raw dahil nakuha ko si Justin.

Ayun nga lang ay magkakaiba sila ng dating. Justin have this angel like features na nawawala bigla at napapalitan ng kaastigan pag nakita mo na ang piercing nya at mga tattoos sa katawan. Si Pipo boy next door at carefree ang dating. Si Terry? Mas mukha syang mabait kay Justin, dahil na rin siguro ay ni isang tattoo ay hindi lumilitaw mapasando man ang soot nya. Mon? He's the serious type pero pag ngumiti sya madadala ka. RK? Besides sa pagiging demonyo nya sa buhay ko, misteryoso rin sya kung titignan mo. Para bang marami syang iniisip at gustong gawin. Intimidating rin sya.

Etong si Vaughn, maybe I can tell that he's the combination of that five. He's intimidating too like RK. Kaya siguro sa kanilang lima ay sya lang ang hindi ko ka close -they thought RK and I were close- dahil hindi kami nag uusap kahit madalas akong sinasama ni Justin pag may lakad ang buong frat.

"Thank you."

"Your welcome." Inalis ko ang tingin ko sakanya dahil na rin sa titig nya. Nawala sya ng panandalian -na sana mawala na talaga- sa listahan ko ng problema pero marami pa rin akong problema bukod sakanya. Si RK, si Surene lalo na si Justin.

Napansin ni Vaughn ang itsura ko at inofferan ako ng panyo. Umiling ako at kinuha ang panyo sa bulsa ko, ng inangat ko ang tingin ko ay nakita kong nakalahad ang kamay nya sa harapan ko hawak ang cellphone nya.

"Number mo?" Nagdalawang isip akong kunin yon pero ng inisip ko na wala namang mawawala ay kinuha ko na agad yon sa kamay nya at itinype ang number ko na hinihingi nya.

Besides kailangan ko rin ng kausap maliban kay Matt. Ayokong maging pabigat sa tao. Ayoko na dahil sa sya nalang ng sya ang tinatakbuhan ko twing may problema ako kay Justin ay iwan nya na ko at magsawa nalang sya. Ayokong dumating sa point na hindi nya gustong makinig sa issues ko at iwasan nalang ako.

But?

Can I trust Vaughn like how I trust Matthew? Can I trust him with this?

'Yeah right! Trust her stupid. He drugged and raped you. Go ahead trust him.' my subconcious said.

Umiling ako at tinanggal sa isip ang bagay na yon. I need to forget that nightmare. I need to befriend him para malaman ko kung pwede ko ba syang pagkatiwalaan sa mga issues ko tungkol kay RK at Justin. Kailangan kong sumubok kung mapagkakatiwalaan ko ba sya at itatago yong nangyari samin o kung pwede nya rin ba kong tulungan tungkol kay RK.

Nag sorry na naman sya eh. Paulit ulit pa nga kung tutuusin. Sa twing magkikita ang buong frat at kasama ako ay bumubulong sya ng sorry sa hangin.

And I want to know RK too. Maybe Vaughn know things about him na pwede kong malaman. Baka alam nya kung bakit galit si RK kay Justin. Maybe I can tell Vaughn about RK's plan and maybe.. just maybe we can convince him or he can convince him. I don't know. Basta.

Tumayo na sya at nagpaalam sakin. Pero nakakalimang hakbang palang sya palayo ay nilingon nya na ko.

"Wag mo masyadong parusahan si Justin. Kagabi pa yon nababaliw. Wala pang kain at tulog rin yata. Panay lang ang iyak. Gumanti ka sa ibang paraan hindi sa ganyan. Wag mong konsensyahin ang sarili mo." Ng marinig ko yon ay nakonsensya agad ako. Shit. Alam ko naman na ganoon ang mangyayari ganito pa ang ginawa ko.

Agad kong dinial ang number ni Justin. Makalipas ang tatlong ring ay sinagot nya na rin ito. Napakunot ang noo ko ng babae ang bumungad na boses sakin.

"Is this Taharra Smith?"

"Yes, who's this? Where's Justin?"

"Nandito sya sa clinic ngayon. Hinimatay sya kanina sa hallway kaya dinala sya dito ng mga nakakita sakanya. Can you come over?" Tumango ako at patakbong pumunta ng clinic. Nangingilid ang luha ko dahil sa kaba. What happened?

Ng makalapit ako sa clinic ay nakita ko kung gaano karaming tao sa labas nito. Karamihan sa kanila ay mga babae na nakikiusyoso sa kalagayan ni Justin. They are all looked worried like me. Ng nakita nila ko ay agad akong napayuko. Matalim ang mga tingin nila sakin na para bang sinisisi na nila agad ako sa mga utak nila. I know. It's all my fault. Wag nyo ng ipamukha.

"Tarra si Justin." Bungad ni Pipo.

"Kanina ka pa hinahanap non. Pasok kana." Tumango ako kay Mon at agad na pumasok sa loob ng clinic. Nakita kong nakahiga sya sa isa sa tatlong kama ng clinic habang natutulog.

He's pale. Halatang pagod na pagod.

Nilapitan ko at hinaplos ang pisngi nito. "I'm sorry." Mahinang sabi ko sabay halik sa pisngi nya.

"Ms. Smith?" Lumingon ako sa nurse at binigyan nya ko ng isang tableta ay tubig pati na rin ang phone ni Justin.

"Ipainom mo sakanya pag nagising sya. He needs that. Kailangan nyang matulog at kumain din. Over fatigue ang dahilan ng pagkahimatay nya."

Nagpaalam ang nurse na lalabas muna at tumango nalang ako. Naiwan akong nakatayo sa gilid ng kama at hinahawakan ang buhok nya. Ng minulat nya ang mga mata nya ay agad tumulo ang luha galing dito.

"Sorry baby. D-di ko na uulit. W-wag mo ko iiwan please." Tumango ako at hindi na rin napigilan ang mga luha ko. How can I leave you like this baby? Paano kita iiwanan kung ganyan nalang ang epekto ko sayo?

"I will not leave baby." Napangiti sya sa sinabi ko at marahang pinikit ang mga mata nya.

"I can rest now baby. Thank you. I love you."

"I love you more."

--

To be continued..

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon