Chapter 13

262 5 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche


Continuation..


Pagkalabas ko ng classroom ay nakita ko si Justin na nakasandal sa gilid ng pintuan, nakapikit pa ito habang nakasuot ng headphones. Teka? Did he really wait for me?


Lumapit ako sakanya at pinagmasdan sya, aware akong nakatingin na sa amin ang mga tao sa paligid pero hindi ako nagpa intimidate sakanila. Not as if hindi nila ko tinititigan kahit pa hindi ko ginagawa to.


Seriously? Halos tatlong oras ang klase kong ito at kung mula pa kanina ay nandito na sya at hinihintay ako.. ibig sabihin hindi lang talaga to laro para sakanya? As in seryoso sya? O baka naman bumalik lang sya bago kami lumabas kani kanina lang?


Tumigil ako sa harapan nya at tinanggal ang headphone na soot nya. "Kanina ka pa o kakadating mo lang ulit?"


Dinilat nya ang mga mata nya at tumingin sakin. Halatang nagulat sya sa presensya ko at hindi alam ang unang gagawin.


Kukunin nya sana ang mga librong hawak ko pero umatras ako.


"Hinintay mo ko?" Tanong ko ulit. Hindi nya maintindihan kung tatango ba sya o hihindi pero dahan dahan ay nakita ko ang pag angat baba ng ulo nya.


Hinintay nya nga ako.


"Tatlong oras ang klaseng to Justin, naghintay ka?" Kamot ulo syang tumango ulit at yumuko.


"Hindi ba dapat nasa klase ka ngayon? Seriously, hindi porket matalino ka na sa math, matalino kana rin sa lahat. Dapat iniisip mo kung nagpapakatanga ka na ba o ano!" I didn't mean to yell. Pero nakakainis. He's adding up on my frustations. Actually sya naman ang puno't dulo ng mga frustrations ko na to eh. Nakakainis na problemado na nga ako sa mga ginagawa dito sa University, dumadagdag pa silang dalawa ni RK.


"Sorry." Bulong nya, napatikhim ako at napaatras mula sakanya. Hindi ko inakalang sasabihin nya yon. Sinabi nya ba talaga yon? Pero bakit? Dahil ba gusto nyang magpa impress sakin o dahil ayon talaga ang ineexpect kong sabihin nya? Why would he say that? Si Justin Brook sya, sino lang ba ko? Bakit sya hihingi ng pasensya?


Napabuntong hininga ako at inilahad sakanya ang mga libro ko na ikinagulat nya. I put a poker expression on my face at hinintay syang kunin ito sa mga kamay ko.


I know everyone will see this as an insult, dahil inaalila ko lang ang isang Justin Brook na sinasamba nila. But he wants that, ginusto nya yan, ginusto ni RK yan at kahit ayokong gawin ito dahil sa mga iisipin ng mga mapanghusgang mata sakin. Tao lang ako. Kung gusto ko ng maayos na buhay dapat gawin ko to.


Tumingin ako sa harapan ko at mabagal na naglakad. "Sa susunod wag kang maghihintay sa labas ng kwarto ko, lalo na sa oras ng klase mo.. kung gusto mong magustuhan kita kagaya ng gusto mong mangyari, dapat nag papaimpress ka, hindi sa ganitong paraan. Hindi ako kagaya ng ibang babae na binibring to life ang mga fictional character. Hindi ako kikiligin sa mga fictional character na badboy ang dating." Habang naglalakad ay nilelecturan ko sya ng kung ano ano. Hindi sya naapektuhan sa mga sinasabi ko at nakangiti lang syang nakatingin sakin at nakikinig. Para bang hindi sya makapaniwala na kinakausap ko nga talaga sya?

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon