Chapter 19

239 4 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche


Continuation..


Nagkita kami sa cafeteria ni Justin. Mukha akong wala sa sarili but I managed to make a straight face.


I don't want him to think na may seryoso akong pinoproblema kaya ngumiti nalang ako, sinabi ko nalang na iniisip ko ang report ko para sa isang major subject.


Tumango sya at sinabing kaya ko yon. Nag offer pa sya sakin na tutulungan ako pero sinabi kong wag nalang. Thank God masyado akong convincing sa pagsisinungaling.


Masyado na kong nag iingat sa mga kinikilos ko pagkatapos ng sinabi ni Rick sa akin. Pini-filter ko ang mga iniisip bago ko ito ivoice out.


Paano nalang kung aksidente kong masabi ang totoo kay Justin? Paano ko kakayanin ang mga susunod na mga mangyayari sa amin?


Kung mas natapos ko ito kaagad ng mas maaga ay baka wala akong pakielam kung magalit sya sakin. Pero ngayon na sobrang kilala ko na sya, na sobrang malapit na ko sakanya. Natatakot na ko. Kung masamang tao sana sya ay maaatim ko pa. Pero hindi. He don't deserved any of these. He don't deserved a friend who's backstabbing him. He don't need a girlfriend who can't fight the demon who speak behind her back.


"Justin paano kung may ginawa akong masama? Yung hindi katanggap tanggap? Anong gagawin mo?" Inalis nya ang tingin sa TV. Tinitigan nya ko ulit na para bang sinusuri ang reaksyon ng mukha ko. Na para bang may mali sa tanong ko.


"Bakit may ginawa ka ba?" Kalmado nyang tanong. Hindi sya nakangiti, hindi sya nakasimangot. Seryoso.


Umiling ako at nakipag titigan sakanya. I just need to know.


"It's just what if sa future may magawa akong mali? Na hindi ko naman ginusto? Na hindi tama? Anong gagawin mo? Anong sasabihin mo?" Sinandal nya ang likod nya sa sofa at hinila ako palapit sakanya, niyakap nya ako at hinalikan ang buhok ko.


"Hindi ko pa alam Tarra. Hindi pa naman nangyayari at sana hindi mangyari. Tarra masyado kitang mahal ramdam mo yon di ba?" I nod and embrace him tight.


"I know hindi natin mapepredict ang mga pwedeng mangyari satin. Pero gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan. Wag lang tayo mag away. Sana ikaw rin." He tilt my face para magkaharap kaming dalawa. I'm lucky to have him, pero bulag sya at hindi nya nakikita na destruction lang ako para sakanya.


"Mahirap bigyan ng reaksyon ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Maaring hindi kita mapatawad at magalit ako ng sobra, pwede ring matanggap ko nalang but that's not a reason for me to stop loving you."


"You can think all the possibilities that might going to happen but at the point na nandoon kana sa sitwasyon? Lahat ng positive and negative na naiisip mo magiging supresa pa rin." Tumango ako at inilapit ang labi ko sakanya. Nanginginig ako at pakiramdam ko maiiyak na ko. But I controlled it. I have to. Pwede akong umiyak mamaya, pero hindi ngayon, hindi sa harap nya. Sa ngayon ayoko pang malaman nya, sa ngayon pwede pa kong umisip ng paraan para mapigilan ang dapat mangyari. I can beg for RK to stop this. Alam kong malabong intindihin nya lahat ng sasabihin ko. But I still need to try.


Siguro kapag nangyari ang gusto ko pwede ko ng hindi kontrolin ang pagkahulog ko. Pwede ko ng totohanin ang lahat para samin ni Justin, siguro pwede na kong hindi kabahan at matakot para sa nararamdaman ko. Siguro pwede ko ng isipin na aayon ang lahat para sakin, sa amin. Who knows? Siguro pwede akong umasa at eventually maging totoo na lahat ng inaasahan ko.


Napabuntong hininga ako.


As if Tarra. As if.


Hanggang nandyan si RK. Hanggang hindi sya nagsasawa magiging miserable ka.


Eventually lalapitan nya ko o itetext ng susunod na gagawin ko.


Nanood lang kami ng movie, seryoso sya sa pinanonood habang ako tulala at iniisip ang mga posibilidad.


I don't want Justin to revolve his whole world about me. Ngayon palang ramdam at nakikita ko na kung paano nya ko iprioritized, ngayon mas alam ko kung gaano sya kahulog sakin. Isang matinding sweet gesture nya nalang mahuhulog na rin ako ng isang bagsakan.


The way he kiss me, the way he stares at me, the way he smiles, the way he talks to me. Pakiramdam ko konti nalang at hindi ko na rin maisasalba ang sarili ko sa matinding pagkahulog.


"I love you Tarra, so much."


"I love ——-" he hushed me by placing his finger on my lips. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero..


"Tsaka mo nalang sabihin na mahal mo na rin ako kapag sobra na rin yung nararamdaman mo para sakin. For now makukuntento muna ko sa ako ang nagsasabi ng nararamdaman ko." Huminga sya ng malalim at hinalikan ang buhok ko.


Bakit ba sya ganito?


Bakit nahihirapan ako?


Bakit sa mga salita palang nya nahuhulog na ko?


Nagising ang diwa ko sa panandaliang pagkatulala ng umupo si Justin at hinila ako kasama nya.


"Lock the door pag labas ko. Uuwi na ko." Palapit na kami sa pintuan ng sabihin nya yon.


"Ingat sa pagdadrive." Bilin ko. Tumango lang sya at hinalikan ulit ako sa labi. Sinilip ko sya mula sa bintana at isinarado ang pinto ng mawala sa paningin ko ang kotse nya.


Nag ayos ako ng kalat sa living room, ng matapos ako sa ginagawa ko at napagpasyahang pumasok na sa kwarto ko ay may narinig akong kumatok. Kunot noo akong lumapit sa pinto at hinintay ang sunod na katok mula sa labas.


May nakalimutan ba si Justin?


Pero ng kumatok ulit ito at buksan ko ang pinto ay inisip ko na sana hindi ko nalang binuksan ito. Nakacross arms na nakasandal sa door frame si RK habang nakangising nakatitig sakin.


"Long time no see Tarra."


 To be continued..

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon