Chapter 45.2 (FINAL CHAPTER)

603 27 16
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche

A/N: Hi everyone. Thank you ulit! May request lang ako for this ending. PENGENG MAHABANG COMMENT PAGKATAPOS NYONG MABASA TO. PARANG COMMENT NYO NA SA BUONG STORY. PWEDE KAYONG MAGALIT SA COMMENT BASTA MAGCOMMENT KAYO. DI NAMAN PO SIGURO MASYADONG MAHIRAP YON. GUSTO KO LANG TALAGA MAKABASA NG OUTLOOK NG IBA TUNGKOL SA STORY KONG TO. KAMUSTA PAKIRAMDAM NYO? MAY NATUTUNAN BA KAYO? JUST LIKE THAT. ANYWAYS PUNTA KAYO SA MY PUBLISHED WORK FOR THE BOOK 2 ENTITLED I KNOW YOU CANT. LINK NAMAN KWENTO NI RK AY NASA EXTERNAL LINK. CLICK NYO NALANG. THANK YOU AGAIN!

~~

Dumating na ang mga kaibigan ko. Pati na rin ang mangilang ngilang empleyado ng kompanya at kaibigan ni Papa. Nahati sa dalawa ang grupo namin dahil na rin sa tungkol sa business at kung ano ano ang pag uusapan ng mga matatanda sa loob ng bahay habang kami naman ay nandito sa garden. RK is with us here kaya hindi kami gaanong nag iimikan. Awkwardness is indeed around while he's around.

I just hope na sumama nalang sya sa mga eldest ng hindi ganito ang sitwasyon namin.

"Kulang ata? Si Jasmine?" Tanong nya pa. He's being the sarcastic him again. It's annoying as hell. Umirap ako sakanya at uminom ng wine na nasa wine glass ko.

"Wag mong hanapin ang wala dito Kuya." Bulong ni Thine sakanya. Tumalim ang tingin nya dito kaya napayuko ito agad. He's lucky that Drew's with the eldest now. Dahil kung hindi ay nasapak na sya nito sa asta nya sa kapatid. Hindi ko tuloy alam kung magandang balita ba iyon na masasapak sya ni Drew o hindi.

Ang mga lalaki lang ang nag-uusap ng mga walang kwentang bagay. Hindi kami makaimik dahil na rin sa kasama nila si RK. I know they knew how uncomfortable this is for me kaya hinahayaan nalang nila kaming manahimik at gumawa ng sarili naming kwentuhan mga babae.

Ng malibang silang mga lalaki ay nagpaalam kaming mga babae. Tumayo at lumayo ng kaonti sa kanila. Napansin ko ang titig ni RK sa akin pero isinantabi ko nalang iyon. Pinapaalala nya lang lalo si Justin sa akin dahil sa mga pinagsasabi nya kanina at sa presensya nya.

"I'm really not comfortable around your brother Thine." Tumango ako bilang pagsang ayon kay Daisy.

"Me too." Sabi ni Thine. I really don't get it, magkapatid sila pero ganoon si RK kung ituring sya.

"Hindi ko alam kung naiintimidate lang ba ko sa kanya pag nasa paligid sya o dahil pakiramdam ko may gagawin syang hindi maganda." Dagdag pa ni Daisy. I'm glad they feel what I'm feeling.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa may pond sa hindi kalayuan.

"I need to tell you something you don't know Dais." Bumaling sya ng tingin sa akin ng may pagtataka. Simula kanina pagdating nila ay hindi na ko parating nagsasalita. Bukod sa wala ako sa mood ay naiilang rin ako kay RK na nasa table namin at nakikihalobilo.

"This happened way back college days." Panimula ko.

"Nagpakita ng interes sa akin si Justin. Alam nyo naman yon ni Matt.. napansin nyo." Tumango sya bilang pagsang ayon.

"But Kuya have this anger towards Justin Brook. Kaya ng malaman nyang gusto nito si Tarra ay kinompronta nya si Tarra para sa isang plano."

"Wait. What?" Gulat na tanong ni Daisy. Pabalik balik ang tingin nito sa akin at kay Thine na dinudugtungan ang kwento ko. I'm glad she's taking some of it. Nahihirapan rin naman ako ikwento ang mga iyon. At sa tingin ko ay kahit sino naman ata na walang alam tungkol dito ay maguguluhan.

"He asked me to deal with him. That's not actually a deal dahil blackmail na iyon para sa akin. He gave me no option to choose that time. Sinabi nyang pag napaibig at nasaktan ko si Justin tatantanan nya na ko. Hindi ako pumayag nung una nyang inalok yon kaya yung mga exams at grades ko bumaba ng walang dahilan. Their family own that university kaya napaikot nya ang mga professors. Tinakot nya kong papaalisin sa university at hindi palilipatin sa kahit anong school na gusto kong lipatan. Blinackmail nya ko. Kaya wala akong nagawa. Sinunod ko sya kahit hindi ko ginusto talagang gawin iyon. Hindi ako interesado non kay Justin dahil sa mga problema ko kay Papa pero anong magagawa ko?"

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon