Chapter 14

281 4 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche


Continuation..


"Sana nag enjoy ka."


"Oo naman." Sagot ko. Nasa sasakyan na nya kami at ihahatid na ko ni Justin sa apartment ko, sa dami ng iniisip ko kanina pati ang date na to napag isipan ko ng masama.


Naisip kong baka may plano sakin si Justin na hindi ko gusto.


Pumasok rin sa isip ko si RK. Paano nga ba kung magkakuntyaba pala sila at pinasasakay lang nila ko.


Pero nawala ang mga iniisip ko ng hanggang matapos na ang date ay wala pa ring nangyayaring hindi maganda. Wala sa itsura ni Justin ang maging kagaya ni RK. Paalala ko sa sarili ko. Of course, hindi sya kagaya ni RK, Justin is a better man under those tattoo sleeves.


We're being played by the demon here I need to put that to my head. Ako at lalong lalo na si Justin ang napaglalaruan.


Dito ko lang napatunayan na dapat ko palang pagkatiwalaan si Justin, hindi sobra pero kahit papaano ay mapapagkatiwalaan ko. Hindi tungkol sa totoo, kun hindi sa hindi nya ko magagawang saktan sa kahit anong paraan.


He's not RK, Justin is trustworthy and RK is not. Kung may pagkakatiwalaan ako, si Justin yon at hindi si RK.


I shouldn't comparing him to RK. Dahil kung may balak ngang masama sakin si Justin dapat noon pa lang ay ginawa nya na. Dapat hindi na sya naghantay ng ganito katagal, di ba?


Dahil rin sa date na to masasabi ko talaga na gusto ako ni Justin at hindi pinagtitripan lang.


"You okay?" Tanong nya, I nod at him with a smile, napansin kong nakahinto na pala ang sasakyan, tumingin ako sa labas at nakitang nasa labas na pala kami ng apartment ko.


"Gusto mong pumasok na muna?" Natigilan sya sa pagbukas ng pintuan ng driver seat sa sinabi ko, tinitigan nya ko na parang sinusuri kung sigurado ba ko. Alam kong mali ang pagkatiwalaan sya, na papasukin sya ng paunti unti sa buhay ko, na papasukin sya sa apartment ko lalo na at ako lang mag isa ang nakatira doon, pwede syang gumawa ng masama habang nasa loob na kami at iblackmail ako. Pero hindi nya rin naman ako dapat pagkatiwalaan, hindi ba? Samin dalawa ako ang hindi dapat pinagkakatiwalaan.


"Well maybe I can trust you, di ka naman siguro gagawa ng hindi ko gusto di ba?" Ngiti ko sakanya, he smiled back and with that alam kong tama lang ang ginagawa ko.


Inikot ikot ni Justin ang paningin nya sa loob ng bungalow apartment na tinitiran ko. He have an expensive car, sigurado akong mayaman sya at sigurado akong hindi sya sanay sa ganitong klaseng lugar. Nakakahiya tuloy, sana ay hindi ko nalang sya pinapasok.


"Mas maliit lang ng konti rito ang tinitiran ko noon." Tatango tangong sabi nya, napatingin ako sakanya bigla dahil sa narinig ko.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon