Chapter 9

296 6 0
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

Continuation..

"You okay?" Tinignan ko si Justin na nakaupo pa rin sa pwesto nya at nakalingon sa akin.

Okay lang ba talaga ako?

That RK! He's a freaking brat!

Tumingin ako sa phone ko at hindi na sya inintindi, ganoon rin si Justin na pumipito pito pa. Sabihin nya'ng pa hard to get ako pero hanggang kaya ko ay iiwas ako sakanya. Baka magbago pa ang isip ni RK at ihinto na ang binabalak nyang ipagawa sakin.

"Sorry Tarra. But I think I can't hold it back, I can't take what I'd said.. back." I look at him instantly, mentally asking him 'What-the-hell-are-you-talking-about' bigla bigla nalang kasi syang nagsasalita.

"I really like you at kung natatakot ka sa atensyong binibigay sayo ng lahat.. Well, then gagawa ako ng paraan, I'll talk to them, I'll tell them to leave you alone.. just give me a chance." I didn't talk back, I just look at him with disbelief evident in my face. Para na rin nyang sinabing hindi nya papatigilin ang lahat sa pangbubully sakin kapag hindi ko sya binigyan ng pagkakataon gusto nya. Wala syang pinagkaiba kay RK. Namimilit rin sya gawin ang bagay na ayaw ko.

"I don't mean it that way Tarra, papahintuin ko sila kahit hindi mo ko bigyan ng chance, but I-I just want you to give me a chance to prove myself Tarra. And I will be happy if you give me that chance I wanted." Bumuntong hininga ako at tinitigan ang phone ko.

Ano bang dapat nyang patunayan?

'No Justin.' I mentally answered his question. Hindi, dahil una sa lahat inuutusan ako ni RK para saktan ka and giving you a chance? Para ko na ring tinanggap ang gustong mangyari ni RK. Para na rin akong pumayag na paglaruan ka namin.

"Dalawa lang tayo rito. You can talk to me." Bumuntong hininga ako at binuksan ang librong hawak ko, itinakip ko ito sa mukha ko. I can't talk to him, ayokong isipin nya na may pag sya sa akin. Bakit ba kasi ang kulit nya? Bakit ba ayaw nalang nyang tumigil ng matapos na.

Ilang sandali pa ay sumuko na rin si Justin at tinigil ang pangungulit nya. Inub-ob nalang nya ang mukha sa desk ng armchair. I can even hear him sighing every now and then, minsan naman ay nag huhum sya o pumipito.

Napakatahimik ng buong kwarto. Nakakabingi, kaya siguro ay okay na rin na naririnig ko ang pagbubuntong hininga at paghahum nya. Kahit papaano nababawasan ang katahimikan.

His hum is a music in my ears pero umiling iling lang ako as if mawawala ang nararamdaman kong paghanga sakanya kapag ginawa ko yon. Bakit pati ba naman pag hum nya nakakaakit pa rin?

Nandito lang sya sa paligid pero iniisip ko pa rin sya? Ano ba? Pwede bang huminto nalang sya? Ayokong nangyayari to sakin. Nakakabobo. Nakakasira ng ulo. Pakiramdam ko nahuhulog na ko pero ayoko.

Iniangat nya ang ulo nya at tumingin sa kisame. As if he's searching for some words on there to utter. I can't be like this. Hindi pwedeng lahat ng galaw nya napapansin ko kahit hindi ko gustuhin.

Hindi sya sanay na nirereject, ayon siguro ang dahilan kaya ayaw nya pa kong tigilan. Siguro nasasagasaan ko ang ego nya at nachachallenge sya sa mga ginagawa kong -pagpapakipot- sa tingin nya.

Inaamin ko hindi gaanong nakakainis na may gusto sa akin ang isang Justin Brook, kung hindi lang siguro sya sikat at miyembro ng frat na sikat sa buong university na to ay hindi ko iintindihin ang iisipin at sasabihin ng iba sa akin, sasagutin ko na agad sya at hindi na papahirapan pa, nakakaflattered ngang may gusto sya sakin kung tutuusin. Sino ba naman kasi ako di ba? Napasimple ko masyado.

Pero sa 'twing maaalala ko na sikat sya at hindi nawawala ang mga masasakit na bagay na naririnig ko mula sa ibang tao dahil sakanya hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa katotohanang may gusto nga talaga sya sakin.

"Do you believe in love at first sight Tarra?" I snapped upon hearing his voice, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ko sakanya, at malaki ang posibilidad na kanina pa nya ko nakikitang nakatitig sakanya dahil na rin sa nakaharap sya sakin at nakangiti pa.

"Nakita na kita dati.. sa mall. Bata pa ko, mga 5 or 6. Di ko na maalala pero alam kong ikaw yon." He paused.

"Iniisip ko noon kung bakit iniisip kita parati at kung bakit kabisado ko ang itsura mo. But when I saw you again that day on the cafeteria, doon ko napatunayan na love at first sight nga ang naramdaman ko nung bata pa ko."

"Posible pala yon?" Nakaharap na sya ngayon sa dingding. I'm surprised, nakita nya na ko noon? Kung 5 or 6 sya? Nasa 2 or 3 ako non? Posible ba yon? Matagal nya na kong gusto? Strategies nya ba to o ano?

"I been into girls before I saw you again, pero sila ang lumalapit sakin, sila ng nag iinitiate, especially ng maging parte ako ng frat."

"I been in like with some of them pero never kong naramdaman na gusto ko sila na maging girlfriend ko." He sigh exasperatedly at hinarap ako.

"D'you feel how to be rejected Tarra?" Hindi ako sumagot at nagkunwaring hindi ko naririnig ang lahat ng sinasabi nya. Kung alam mo lang, hindi lang pangrereject ang inabot ko noon. Sobra pa.

"I will not stop pursuing you Tarra. I will make you see how sincere I am with all of these." Ngisi nya bago tumingin ulit sa kisame.

This is one of the reasons why I don't wanna be alone with him in an enclosed space. Dahil kada magsasalita sya alam kong tatamaan ako.. at ayokong nangyayari to. Ayokong tinatamaan ako sa mga sinasabi nya.

"Justin please." 

He smiled. "Kinausap mo rin ako. You made my day."

~~
After hours of staying there nakahinga na rin ako ng maluwag. Bakit ganito ang epekto nya sakin? Bakit pagsasalita palang at pagngiti nya naaapektuhan na ko?

Nakauwi na ko dito sa apartment pero hanggang ngayon ay sya pa rin ang iniisip ko. Nakauwi na ko pero nasa kanya pa rin ang atensyon ko. I inhaled and breath it out. I don't want to feel this. I don't want to think of him like this and I don't want anything of these to happened.. pero nangyayari na eh, how am I supposed to stop all of these from happening?

*How's everything? -RK*

How did he get my number? Hindi ako nagreply at inulit ulit ang pagbasa sa maikling message ni RK. Ayoko sa lahat ay yung pinepressure ako. But nowadays, anyone around was pressuring me. Paano ako magiging maayos nito?

Paano ako mabubuhay ng maayos dito kung puro gulo na lang ang napapasukan ko.

--
To be continued..

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon