Chapter 23

247 6 0
                                    

You Know I Can't

© Hardheadeddouche


Continuation..


  *Baby hindi kita masusundo, sorry hindi ko nasabi sayo na aalis ako ng bansa ngayon. Biglaan eh, naospital si Mommy kailangan ko pumunta sa England. I'll be back in a week baby. I love you. Take care. We'll skype pagdating ko doon. - Justin*


I read his last text message, tatlong araw na rin simula ng itext nya ito at umalis sya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin sya tumatawag o nagskaskype man lang, kahit simpleng text wala. Nag aalala na ko. Nakarating ba sya ng England ng safe? Kamusta yung Mom nya? Bakit hindi pa sya tumatawag?


Dapat ay hindi ako nagkakaganito, hindi ko dapat sya iniisip ngayon. Dapat nga ay nagrerelax ako sa mga panahong wala sya at nagiging carefree dahil kahit papaano ay walang magpapagulo ng isip ko. But what now? Daig ko pa ang totoong girlfriend kung makapag alala, kung maging balisa dahil wala sya.


Justin Brook's effect.


Sunday ngayon at simula pa kahapon ay hindi pa ko lumalabas dito sa apartment ko. Niyaya ako nila Matthew na pumunta sa mall at mamasyal pero humindi ako at sinabing wala ako sa mood. I don't have any plans to relax myself for this week. Puro nalang ako what ifs. Isip ng ganito, isip ng ganyan. Para rin akong kulang ngayon dahil wala si Justin. I don't know. I guess I'm just bored and I miss him so bad.


Napadilat ako at napatayo bigla ng marinig ang katok mula sa pintuan. I don't expect anyone to come. Ng buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Vaughn. Nakatingin ito sa dingding pati na rin sa kisame na para bang kinikilatis ang kabuuan ng apartment ko. Mapula rin ang mata nya at parang tuliro sya.


Teka paano nya nalaman dito? Bakit sya nandito?


"Hindi ka pa nagbibihis?" Kumunot ang noo ko sa tanong nya. Teka? Bakit?


"Di mo narecieve yung text ni RK?" tanong nya ulit. Umiling ako at tinitigan sya. Ano nanamang pakulo ni RK? Tsaka bakit si Vaughn pa talaga ang pinapunta nya rito?

"Birthday nya. Invited ka." Napatango ako.


Nagbibirthday rin pala ang demonyong yon? And he's inviting me? For what? Para sa show? Para mapakita nya sa lahat na close kami? Wow.


"I'm not going." Bored na sabi ko. Kahit pa nandito si Justin ay hindi ako sasama roon. It's a waste of time to party.


"Ikaw lang nakatira rito?" Tanong nya. Napansin kong wala na sya sa harapan ko. Tumingin ako sa loob at nakitang nakaupo na sya sa couch. Feel at home? Feeling close? Hindi man lang sya nagpaalam?


"Binilin ka ni Justin sakin. Ako na raw bahala sayo. Bilin rin nya na isama ka sa party dahil baka nagmumukmok ka lang dito. Hindi ka ba nya tinext o tinawagan man lang?"


Calm Tarra. Don't act like you're so irritated and jealous. Even you really are. You need to be calm.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon