Chapter 44

265 10 0
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

A/N: THIS IS THE CHAPTER BEFORE THE ENDING. THANK YOU SA LAHAT NG BUMASA AT SUMUBAYBAY NG YKIC. KAHIT SOBRANG SAKIT AT NAKAKAINIS NA BINASA NYO PA RIN. YOU CAN SEE THE OTHER STORIES I'LL WRITE AFTER YKIC. FOR RK's STORY JUST CLICK THE EXTERNAL LINK.

Continuation..

Never kong naimagine noon ang ganitong klaseng experience. Noong teenager ako wala akong ibang inimagine kung hindi ang magkaroon ng isang lalaking hindi man ganon ka gwapo, ka talino, ka kisig basta mamahalin naman ako ng sobra. Hindi ko inakala na sobra pa sa hinihiling ko ang dadating sa buhay ko pero sobra rin palang sakit ang mararanasan ko.

"Miss Smith you can tell everything you feel, frustrations, anger, regrets, anything. Magkwento ka lang." Sabi sa akin ng Psychiatrist na pinuntahan ko. Nasa labas lang ng clinic si Drew at Thine habang ako kailangang makipag kwentuhan dito kagaya ng mga taong may pinagdadaanang kabaliwan.

I stay silent, debating with myself if I will tell her things or not.

"Come on Miss Smith, I know what you're thinking at hindi ganon yon. You are here not because you have mental issues but because you need to take your baggage down from your shoulders to your feet. I'm helping you to regain everything you lose. Your self respect, your love to yourself, your trust to others."

Nilaro ko ang kamay ko at pinilit ipasok sa isip ko na ayon nga ang tulong na gagawin nya para sa akin.

"Okay."

Flashback..

2 months ago..

"Tama na Tarra." Awat sa akin ni Thine sa pag inom. Nagyaya akong pumunta sa bar pagkatapos namin komprontahin si Jasmine. I want to cry but I'm damn freaking sick and tired of that. Ilang taon na ba akong iyak ng iyak. Ilang taon na ba akong nabubuhay sa kabaliwan ko at sa pagbabakasakali na babalik si Justin sa dati.

Ang sakit sakit lang dahil hindi mangyari yari.

"Hayaan mong uminom yan Thine. She needs a break from all of these." Hindi ako sigurado kung kanino iyon nanggaling, kung kay Pipo ba o kay Terry. Nakakailan na rin pala ako. Medyo blurred na ang paningin ko at alam kong ilang shots pa ay magpa passed out na ko.

"T-thine, can you help me to the rest room please?" Nakapikit na ko pero alam kong narinig iyon ni Thine. Inakay nya ko papunta sa restroom at binuksan ang isang stall para mailabas ko ang lahat ng ininom ko sa toilet bowl.

"Okay ka pa?" Tanong nya habang hinihimas ang likod ko. Tumango ako sakanya at pinunasan ang bibig ko.

"Wala naman si Daisy, di ba?" Tanong ko sakanya. I see her nod despite of my blurry sight. Dumantay ako sa sink at tumitig sa salamin.

"Pangit ba ko?" Tanong ko kay Thine sakabila ng pakiramdam kong magsisinungaling sya sa akin at sasabihin ang salungat ng gusto kong marinig.

"Thine tanga ba ko?" Narinig ko ang pagsinghap nya at alam kong hindi sya sasagot sa tanong ko dahil ayaw nya ng datungan ang bigat na nararamdaman ko.

"Sakit sakit na Thine. Sobra na. Pero ang hirap. Ang hirap sobra." Kibit balikat ko at naghilamos ng mukha. Nahimasmasan naman ako dahil sa lamig ng tubig at dahil na rin sa pagsuka ko ng mga nainom ko.

"All my life pag may nagsasabi sa akin na ang tanga tanga ko ginagawa ko lang.. pasok sa isang tenga labas sa kabila. All my life Thine sinusubukan kong itama yung maling nagawa ko. Pero alam mo all my life ang tanga tanga ko kasi pinaabot ko pa sa ganito."

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon