Chapter 5

331 10 2
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

Continuation..

*There's a huge difference between they like me and I like you Tarra. Di ako maapektuhan sa mga sinasabi at ginagawa mo. Just so you know I am the most persistent guy. -Justin*

Napangiti ako ng mapait ng makita ko ulit ang papel na ito. Isa ito sa mga bagay na nagpapaalala sa akin na kahit papaano noon, minahal ako ni Justin at ginusto nya rin ako. Isa ito sa nagpapaalala sakin na hindi lang ako nanaginip. Na kahit papaano ay naging maayos kami noon. Pero isa rin ito sa mga alaala na nagpapalungkot sa akin kada nakikita ko, it's one of his remnant memories na hindi na pwedeng mangyari ngayon at maibalik. Hindi na pwedeng maulit. Hindi na pwedeng madagdagan dahil sira na at malabo ng maayos pa.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa pinto sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.

Hanggang ngayon wala pa rin sya.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng umalis sya at hanggang ngayon hindi pa rin sya bumabalik. Nag uumpisa nanaman akong matakot sa posibilidad na hindi nya na ko tuluyang babalikan pa. Na baka napagod na sya at hindi nalang nagsalita at iniwan nalang ako basta basta. But then hindi pa rin ako dapat mawalan ng pag asa. Nangyari na ito noon, malala pa dahil nawala sya ng halos dalawang linggo. Sinabi rin nya sakin na uuwi sya kinabukasan bago sya umalis noon. Tatlong araw palang naman at hindi pa dalawang linggo ang lumilipas kaya hindi dapat ako maparanoid ng ganito. Pero hindi ko maiwasan. Pakiramdam ko sa tatlong araw na wala sya at hindi ko nakikita, pakiramdam ko napakatagal na masyado.

Ilang kinabukasan ba kong naghintay noon bago sya bumalik at ilang kinabukasan pa ang hihintayin ko para balikan nya ko ulit?

Kung tipikal na relasyon lang ang meron kami ni Justin baka nagalit na ko sa ginagawa nya, kung may karapatan lang sana kong magalit sa hindi nya pag uwi ng ilang araw ay ginawa ko na. Pero wala eh, wala akong karapatan para kwestyunin ang mga ginagawa at gagawin nya sa buhay nya dahil panigurado katakot takot na panlalamig at salitang nananampal nanaman ang isasagot nya sa akin.. and I don't want that to happen again. I don't want to have a fight with him na magtitrigger sakanya para iwanan na talaga ako. He's mine, as long na babalikan nya ko sakin sya. Kahit pa parang hindi ko maramdaman na akin nga sya basta bumabalik sya ay akin pa rin sya.

Parati nyang sinasabi sakin na wag ko na syang hintayin sa gabi pero hindi ako nakakatulog ng wala sya, hindi ako mapakali kakaisip kung sino ang kasama nya at nasaan sila, hindi ko mapahinga ang isip ko kakaisip kung maayos ba sya at nakakatulog ng maayos ng wala ako sa tabi nya. Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako sa pagod kakahintay at kakaisip kung babalik pa ba sya.

Kaya ko pa naman eh. Kakayanin ko pa hanggang pwede. Sasagarin ko hanggang maari. Mapagod na ko ng mapagod dahil sa walang kwentang relasyon na to pero hindi ako bibitaw sakanya. Kahit masakit, mahirap at nakakapagod hindi ko sya bibitawan. Ilang taon na ang pinanindigan ko at hindi na ko dapat nag iisip ng pagsuko ngayon.

Hinanda ko na ang breakfast sa lamesa at naglagay ng dalawang plato.

Baka sakali lang naman na umuwi sya at sabayan ako sa pagkain ng agahan. Baka sakaling katulad ng dati maging masaya kami ulit habang kumakain sa lamesang ito. Baka sakali.. hindi naman nauubos ang bukas di ba? Kaya hindi rin ako mauubusan ng pag asa sakanya.

Pero hanggang kaylan ba ko mangangarap?

Hanggang kaylan ba ko aasa?

Hanggang kaylan ba ko magbabakasakali?

Hanggang kaylan ba ko masasaktan ng paulit ulit?

Hanggang kaylan ako magpapakatanga sakanya at hahayaan syang tratuhin ako ng ganito?

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon