Chapter 42

245 8 2
                                    

You Know I Can't
© Hardheadeddouche

Continuation..

Lugmok akong pumasok sa loob ng bahay nila Tita Tori. I'm hella confused over RK's words. Seriously? Ni isang salita wala akong naintindihan sa mga sinabi nya. Why will he tell that anyways?

Ano nanaman kaya ang gusto nyang mangyari? Can't he just stop all of his shits? Pwede bang hayaan nalang nya kami ni Justin? Hayaan nya nalang akong magpakatanga kay Justin. Anong mapapala nya kung ihihinto ko ang kahibangan ko o hindi? Anong gulo ang kasasangkutan ni Justin kung hindi ko sya iiwan? I'm sure sya lang ang gagawa ng gulong yon.

Napabuntong hininga nalang ako. This is really crazy. Me to Justin, everyone over my stupidity over Justin.

"Tarra." Salubong sakin ni Tita Tori. Pinaghihimas nya ang dalawang kamay nya. She's nervous I can tell. But why?

"Why Tita? May nangyari ba?" Nag aalalang tanong ko. Wala naman sigurong masamang nangyari kay Papa di ba?

"Nothing hija. It's just that your Papa is really mad at you. I think you leave for the night. Palamig ka muna. I call you if everything is okay. Natatakot akong magkabreakdown ang Papa mo dahil sa galit nya sayo." Huminga ako ng malalim at tinanong kung nasaan si Papa. Sinabi nyang nasa kwarto nya ito at kakatulog lang.

"Kailangan ba talaga Tita?" Tumango ito at sinabing sya na ang bahala mag alaga kay Papa. She wants me to take back the house na hindi ko alam kung magagawa ko.

"Hija you need to. Alam mo naman na gusto ng Papa mo ang bahay na yon. You can't turn him down. Do everything. Alam ko mahirap pero para sa Papa mo gawin mo. Kagagaling lang nya and he's still vulnerable. Anytime pwede syang magkaroon ng breakdown dahil sa stress or depression." Pinunasan ko ang luha ko at niyakap si Tita Tori.

"I understand Tita. I'll do everything, don't worry mababawi ko ang bahay." Tumango ako at kinuha ang bag ng gamit ko sa taas. Siguro ay magpapaalam nalang ako kay Drew through text.

"Give it to Papa, Tita." Inabot ko ang kapirasong papel ng maikling mensahe ko sakanya. Tinanggap ito ni Tita at hinatid na ko sa labas. Sumakay ako sa kotse at ipagmamaneho ng isa sa mga driver.

"Take care Tarra." Halik sakin ni Tita mula sa labas. I gave her a weak smile at nirolyo na ng driver paangat ang bintana.

Napabuga ako ng hangin. 3 hours ride home. Maikli lang yon. Pero parang ang tagal tagal. Ngayon ko lang naramdaman na gustong gusto ko na makauwi. Ngayon ko lang naramdaman ang saya sa kabila ng lahat ng nangyayari.

Pakiramdam ko dahil sa pag uwi kong to magiging mapanatag ang buong sistema ko. I expect a cold treatment from him. Kahit wag nya na sabihin na namiss nya ko tapunan nya lang ako ng tingin masaya na ko.

Siguro nga totoo ang sinabi ni RK na desperada ako.

Siguro. Malamang, oo. But being this desperate is all my choice. Walang sinabi si Justin na maging ganito ako. Ginusto ko to. Masaya ako kahit wala naman dahilan.

Tinignan ko ang phone ko at nakitang may text mula kay Drew.

*You should have stay at my condo Tarra wala naman ako madalas doon. Paano kung gusto kana pabalikin ni Tito? You know it's not good for you to stay there. To stay with him. - Drew*

*It's okay. I'm okay. Basta bantayan nyo nalang si Papa.*

Huminga ako ng malalim at dinial ang number ni Justin. Pero kahit ilang beses kong idial ang number nya puro nalang sa voicemail ang bagsak ko.

Maybe I stop worrying if he's home or not. Pwede naman akong maghintay sakanya kung wala sya ron.

Dalawang oras na kong bumabyahe pero kahit anong pikit ko puro problema ang nakikita ko.

You Know I Can't (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon