January 5, 2012 [pg. 4]

10.4K 341 84
                                    

So, ito na 'yong last kong ikukwento for today. Medyo badtrip 'to, diary. Pauwi na ako kanina! Sobrang nakangiti lang ako all the time kasi nga success, e! Napadaan pa ako sa bakery nina Manong Harry at Manang Rina. Nag-hi pa nga sa 'kin si ate Pan, e!

Busy na naman kasi siya sa kanyang calculator. Nung isang araw, dalawa lang 'yon e! Pero kanina nakita ko apat na 'yong calculator niya. Grabe, naman pala ang babaeng 'to! Sobrang talino sa Math. Kaya pala balibidikthoryan siya sa school nila.

"Ate Pan! Mukhang nakarami ka ng benta ngayon ah!" sabi ko.

"Oh, Pipoy? Ikaw pala...oo nga e, sobrang daming bumili ngayong araw kaya ito hirap na hirap akong mag-compute kaya nga ang dami kong calculator, e, para mapabilis ang pagbibilang ko."

"Ang galing mo talaga ate Pan! Kaya bilib na bilib ako sa 'yo e, bihira lang kasi sa mga babae 'yung mahilig gumamit ng calculator."

"Hahaha~ ikaw talaga, Pipoy! Palabiro ka talaga. Teka, nag-aral ka bang mabuti ngayon?"

"Aba syempre naman!" confident kong sagot. Ayan, tama na 'yang spelling ko, dayari. Turo kasi sa 'kin 'yan ni ate Pan. 'Yan lang 'yung natandaan ko sa mga itinuro niya.

"Dahil d'yan mayro'n kang dalawang ensaymada mula sa 'kin?"

"Wow! Paborito ko po ang ensaymada mo ate Pan! Masarap kasi 'to!"

"Sige lang, kainin mo lang nang kainin...magmula ngayon, tuwing hapon...matitikman mo na ang paborito mong ensaymada basta...gagalingan mo lang sa school ha?"

"Opo, ate Pan! Gustong-gusto ko po talaga 'yong ensaymada mo!"

"O siya, pagkatapos mong kainin 'yan...umuwi ka na sa bahay niyo, a..."

Hindi pa ako badtrip niyan dayari...

No'ng pauwi na ako, doon ako nabadtrip! Ganito kasi 'yon...

Naglalakad ako sa eskinita nang mapadaan ako sa kumpulan ng mga batang naglalaro ng tumbang preso. Nagbabasa ako no'n ng diary ko. Hindi itong diary na 'to, 'yong diary na ipina-pass ko sa school.

Tapos, na-badtrip ako! Bigla akong tinamaan ng tsinelas sa betlog ko! Sa dinami-rami ng puwedeng tamaan, bakit sa betlog ko pa?

Napaluhod ako sa sobrang sakit tapos parang matatae na ako sa sobrang sakit. Siyempre, napasigaw ako ng malakas. "ARAY!" sabi kong gan'yan tapos nagtawanan 'yong mga hampaslupang naglalaro sa kalsada.

Matapos nilang magtawanan, nilapitan nila ako. Ako naman nakaupo pa rin, hinihilot ko 'yong betlog ko.

"Oy, si Pipoy pala 'to? Budots! Budots!" sigaw no'ng batang mukhang bakulaw.

"Bakit?" tanong naman ni Budots na sinasabi ni bakulaw.

"Tingnan mo? 'Di ba ito si Pipoy?"

"'Di ba siya 'yong anak nina Nok at Kia?"

"'Di ba 'yong nanay niya, yung nang-aaway sa mommy mo?"

"Ano? Gulpihin na natin?"

'Yan 'yong mga sabi ng mga paepal na mga bata.

"H'wag!" sagot naman no'ng Budots. "Akong bahala sa kanya!"

"Hoy, Pipoy! Puta ang baho mo! Yung amoy mo parang amoy ng bayag na nakulob sa nabubulok na brief na punong-puno ng nanunutong na libag!" pang-iinsulto niya sa 'kin pero 'di na ako sumagot pa kasi totoo naman e. Amoy na amoy ko rin.

"Ang angas ng nanay mo ah! Sobrang yabang! Alam mo bang sinugod niya 'yong Mommy ko kaninang umaga? Balak niya pang sabunutan si Mommy at gulpihin! Hindi lang natuloy 'yon kasi natapakan niya 'yong tae ng aso namin! Ang yabang ng nanang mo! Kayo na nga lang 'yong binigyan ng ulam ni Mommy kayo pa 'yong magagalit? Pero ang baho mo talaga, Pipoy!"

Eh, sino bang mommy 'yong tinutukoy niya? Inabot pa diary ng 49 seconds bago ko maisip kung sino 'yong sinasabi niyang mommy. Si Manang Budat pala 'yong tinutukoy niya, siya lang naman kasi 'yong nakaaway ni Nay Kia kaninang umaga.

Anak pala ni Manang Budat si Budots? Ngayon ko lang nalaman! Bwikwikwikwik~ Sa bagay magkamukhang-magkamukha sila. Hindi lang parang idinapa, kundi parang idinagan siya sa mama niya!

Bwikwikwik~ "Mommy" pa 'yong tawag niya e? Haha. Yuck!

"Bro, 'wag mo nang asarin 'yan! Kasi parang 'di naman lalaban 'yan e?" sabi ni Bakulaw.

"Oo nga...saka baka umiyak pa 'yan magsumbong sa mama niya!" pang-aasar pa no'ng babaeng kalaro nila na sobrang kapal ng kilay parang 'yung tartar niya sa ngipin.

Nagtawanan sila.

"Budots! Bakla yata 'yan e! Tingnan mo 'to oh!" sabi pa no'ng isa nilang kalaro. Nagulat na lang ako nang makita na hawak na niya 'yong diary ko! Doon ako na-badtrip.

Nagkumpulan sila sa gitna ng kalye tapos sabay-sabay nilang binasa 'yong diary ko kahit na hindi naman sila marunong bumasa ng english.

"Bakla! Bakla! Bakla!" sigaw nila tapos nagtatawanan pa sila.

"Bakla! Nagda-diary! E, 'di ba...pambabae lang 'yon?" sabi ni Bakulaw. Si Budots naman tawa lang nang tawa.

Bwisit na 'yan? Mga bobo pala sila e! Akala ko ako na 'yong pinakabobo sa buong mundo pero hindi pala kasi mas malala pa sila sa 'kin?

Nagda-diary lang? Bakla na agad? E, lahat ng mga kaklase kong lalaki nagda-diary din kasi kasama 'yon sa subject namin! Edi, bakla silang lahat? Bobo talaga nila!

Hays...kapag 'di ako gumawa nito, babagsak ako sa english kahit bagsak naman na talaga ako.

###

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon