December 31, 2014

3.6K 135 38
                                    

Wednesday, 9:30 PM

Hoy! Diary,

Ang dami kong hindi naikwento sa 'yo, a! Grade 9 na nga pala ako ngayon. Wala ring masyadong ganap no'ng grade 8 tapos tinamad na rin akong magsulat kasi this year naadik ako sa Facebook. Nauso kasi 'yong kung ano-anong kautuan at isa ako sa mga nabiktima no'n. Nauso 'yong "floodlikes" sa facebook at madalas ay sa mga group pages. So, a, 'yun, dahil isa ako sa mga walang magawa sa buhay na tao, pumatol ako sa mga gano'n. 'Yong tipong nagpapakapagod akong mag-post, mag-comment at mag-like ng mga posts ng kung sinu-sinong tao tapos icha-chatvor kukulitin sila na mag-likeback sa posts mo or 'yong tinatawag na "LB." 'Yong this year ay napuno lang ng "Hi, FL tayo?", "5 Likes comment ka dali!" "Free 10 likes", "FL to FL us likeback ka lang agad", "3 likes, Like my dp first", "Bored. 10 likes sa gusto. Comment lang", tapos ngayon na-realize ko kung paano ako naging kabobo at kadesperado na magkaroon ng maraming likes sa Facebook. Ngayon ko na lang din na-realize na wala naman akong napala. Ano nga ba kasing mapapala ko ro'n? Yayaman ba ako sa likes? Hindi. Saka ano'ng silbi no'ng marami ka ngang likes sa posts mo sa Facebook kung 'di ka naman mahal ng mga totoong friends mo in real life, 'di ba? Hays, magbabago na talaga ako.

Isa pang nauso sa Facebook ngayong taon ay 'yong pakapalan ng filter sa picture. BWIKWIKWIK~ Nakakatawa lang kasi 'yong mga Pinoy ang lakas ng tama nila at talagang maraming nahumaling no'n sa apps na Camera360, Retrica saka 'yong B612. Pero okay lang din naman kasi nagkaroon ng confidence 'yong iba na mag-post sa facebook ng mga pictures at selfies nila. Ako, aminado naman ako na isa rin ako sa mga gumagamit ng apps na 'yon and this coming 2015 ay magbabago na ako. Magiging real at mag-a-act na lang ako ng natural at normal mapa-facebook man o sa tunay na buhay.

Saka dayari marami ng nauusong salitaan ngayon, mayro'ng "boom panes", "e 'di wow!", "pak! ganern!" at iba pa. Tapos nga pala, this year ay nagkaroon na kami ng kuryente at ilaw. Malaki-laki na rin at sapat na ang naipon namin nila Tay Nok at Nay Kia para makapagpakabit na ng kuryente kasi nakakapagod na rin makipanood sa kapit-bahay namin do'n kila Maria saka nakakahiya na rin. Bumili na rin kami ng T.V. kaya updated na rin kami palagi sa mga balita saka sa mga teleserye. Mamaya nga ay papanoorin namin 'yong countdown ng New Year, e.

'Tong grade 9 life ko ay wala naman masyadong drama, marami nga lang requirements na kailangan ipasa tapos mga demanding pa 'yong teachers at sabay-sabay pa silang magpagawa ng kanya-kanyang projects or reports. Sa bagay, 'yon naman talaga ang trabaho at responsibilidad naming mga estudyante — ang mag-aral nang mag-aral at huwag sumuko. Marami rin naman kaming mga happy moments ng mga kaklase ko gaya no'ng mga trip naming maglagay ng malalaking bato sa bag, maglagay ng pekeng love letter with place kung saan sila magmi-meet tapos itong si bugok pupunta naman tapos maghihintay sa wala, tapos mayro'n pang taguan ng bag na nagaganap, talian ng bag, kalagan ng sintas ng sapatos, uutang tapos 'di babayaran, 'yong pagdadamuhin kayo ng teacher niyo kapag galit siya tapos tuwang-tuwa naman kami kasi 'di sasakit ang mga ulo namin kakaaral, isinasama na nga namin sa subject 'yong pagdadamo, e, tawag namin do'n "damology". BWIKWIKWIK~

So, this year ay marami na naman akong memories na naipon at sana mas marami sa susunod na taon. Paalam, dayari! Hanggang sa susunod!

Umaalingasaw,

Pipoy 

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon