January 1, 2020 [2]

1.6K 32 20
                                    

"Gusto kitang makita, e! Bakit ba?" Napapangiti na lang ako habang sinasabi 'yon.

"Ha? Baliw ka talaga!" sabi niya. Pabebe ampotek. Gusto din naman.

"Nakunakunakunakunakunaku!" sabi kong gan'yan tapos tanaw na tanaw ko ang ngiti niya. "O, sige, alis na ako. Nakita na kita, e!" sabi ko tapos aalis na ako kunwari. Edi, itong si Mau nataranta na naman.

"Hoy! Pere keng shere!" sabi niyang gan'yan.

"Beket be keshe?" sabi ko naman. "Cheret," sabi ko tapos tumawa ako.

"Nand'yan ba yung tatay mong kalbo?" tanong ko sabay tawa. BWIKWIKWIK~

"Oo, sira, nando'n sila sa baba, sa kitchen nagpe-prepare!" sagot niya.

"Gusto mo bang sumama sa 'kin?" Panandalian siyang natahimik sa sinabi ko.

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"'Di ko rin alam, loves, kahit saan basta kasama kita." Gusto ko siyang makasama ngayong gabi kahit saglit lang.

"Pipoy, napapadalas na ang pagtakas ko kila Mom and Dad baka makahalata na sila," nagpapaliwanag niyang tugon.

"Please..." Hinabaan ko diary kasing haba ng ano ko.

"Sige na, oo na, d'yan ka lang, ha! Wait for me, stay there, sasalisihan ko lang silang dalawa." Nagtinginan muna kami bago siya umalis sa harap ng bintana.

"Yehey! Go loves! Labyu!" sabi ko. Medyo napalakas pa nga yata yung boses ko no'n sobrang excited ko kasi.

"I love you too, loves. Sige na, I'll end the call na. Bye!" aniya at tinapos na nga niya ang call. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin siya. Kinakabahan ako no'n talaga dayari kasi baka nahuli siyang tatakas.

Mayamaya natanaw ko na siyang palabas ng main door. Kaagad ko siyang sinenyasan na bilisan niya. Tumakbo siya nang mabilis at nang makarating kaagad sa gate nila ay marahan niya iyong binuksan tipong walang makakarinig at isinara niya rin nang dahan-dahan.

Niyakap ko siya nang mahigpit at hindi niya naman nakalimutang gumanti. Namiss ko siya dayari. Namiss ko ang amoy niya, sana yung amoy ko rin.

"Tara na, loves?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Mukhang alam ko na kung saan tayo pupunta," saad ko saka ko siya hinatak at tumakbo. Tumakbo kami habang magkahawak ang aming mga kamay. Sweet 'di ba, dayari? Inggit ka? Jowain mo sarili mo! BWIKWIKWIK~

S'yempre napagod rin kami kaya naglakad na lang kami. E 'di a 'yun nakarating kami sa naisip kong puntahan.

"Pipoy, ano ba 'to? Nakakatakot naman dito," ani Mau. Dinala ko kasi siya rito sa abandonadong bahay dito sa dulo ng baranggay namin. S'yempre, bakante rito, walang tao. Alam na! BWAKWAKWAK!

"Easy ka lang, loves. Akong bahala sa 'yo, tara na sa loob?" sabi ko naman sa kanya. At naglakad na nga kami hanggang sa makarating kami sa first floor nitong abandonadong bahay.

"Ano ba 'to, Pipoy? Anong gagawin natin dito?" tanong niya at tila hindi sang-ayon sa nangyayari.

"Basta, magugustuhan mo ang gagawin natin. Mag-eenjoy tayong dalawa," sabi ko at napapangiti na agad ako sa sarap dayari. Nai-imagine ko pa lang ang gagawin namin, sarap na sarap na agad ako. Shet!

"Pipoy, kinakabahan na 'ko sa 'yo. Kinakabahan na rin ako sa dito sa bahay na 'to. Alam mo namang matatakutin ako tapos dito mo ako dadalhin!" tugon niyang parang naiinis na nagtatampo.

"Chill ka lang loves, hawak ka lang sa 'king mabuti. 'Di kita pababayaan," saad ko at nagsimula na kaming umakyat sa hagdan.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon